HOW TO Appreciate… a RAINBOW

SOMETIMES when you feel

that the world is not a good place to be

with all its complicated problems

and all your own problems

all mixed up with everyone else’s,

we are reminded that

there is always joy in the simplest of things.

That at the end of the day

the only thing that matters is

trusting that there is Someone in charge

who will take care of all our worries

and make everything alright.

CLICK THE VIDEO BELOW

and see what real happiness is all about 🙂

(Video’s loading too slow? CLICK>> THIS)

Whenever I bring clouds over the earth

and a rainbow appears in the clouds,

I will remember my covenant between me and you

and all living creatures of every kind.

Never again will the waters become

a flood to destroy all life.”

(Genesis 9:15-16)

Advertisements

Agosto 28, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Pilosopo PHILOSOPHY, WTF is GRAMMAR?!. 4 mga puna.

The WISDOM of UP Professors

FROM an antique e-mail. Still inspiring. Still very funny.

ON GRADES

“Oo, nagpapa-ulan ako ng Uno… baket? Aaanhin ko ba ’yun? ‘Di naman ako yayaman du’n.”

–Sir Atoy Navarro, Hist

 

Professor habang binubuksan ang isang box ng colored chalks:

“Ano ba naman ito?!” (sabay hagis sa table ng mga dark colored chalk)

Class: (Tahimik na nagmamasid)

Professor: “Class, sulatan n’yo ang manufacturer ng chalk na ito. Sabihin ninyong tanggalin na ang mga walang kuwentang kulay na ito: Brown, Green at Violet. Alam ba nilang hindi ito nakikita sa board? Convince them!”

Class: (Tahimik at nagulat)

Professor: “Sino man ang magsusulat  +.25 sa Final Grade!”

Class: “Yahoooo!!!”

Isang Valentine’s Day:

“Ano ba ‘yan? Students ba kayo ng UP? Bakit ang bababa ng scores ninyo? Siguro wala kayong date ngayong Valentine’s kaya ganito kayo? Losers!!! When I was your age, I had a date. Hindi ba naapektuhan ng UP Fair euphoria ang grades ninyo? Parang hindi kayo masaya…” (sabay tapon ng quiz papers sa sahig). “I won’t record this. Go and find a date.” (sabay walk out ng classroom)

—Sir Doliente, BA.

 

Student: “Sir, nagbibigay po ba kayo ng partial points?”

Professor: “Hmmm… if I see partial wisdom.”

ON EXAMINATIONS

Professor to Class:

“I don’t give surprise long exams. All exams are announced. Kaya today I’m announcing, ‘Class, mag-e-exam tayo! NGAYON NA!’”

–Ma’am Chei

 

“Don’t take the Bar Exam and yourselves too seriously. Baka mabalitaan na lang naming, nag-o-oral summation kayo sa Luneta. O lumulutang-lutang sa Pasig River. Enjoy yourselves. Relax. At habang nag-re-relax kayo, read at least 15 hours a day. Mag-relax ka habang nag-babasa. Mag-relax ka habang nagme-memorize.”

“’Pag nananaba ka sa oras ng exams, ibig sabihin hindi ka papasa.”

–Anonymous Prof

 

“Kahit magpakamatay ka pa, ‘di mo masasagot ‘yang problem set na ‘yan—dahil wala ‘yang sagot. Hahahaha!”

“Mamatay na ang mangopya… at ang hindi maka-100—BOBO!”

–Hist Prof

 

Professor habang umuulan sa labas during a hard final exam:

“Ang lakas ng ulan. Ayos ‘yan, at least hindi halata ‘pag umiiyak.”

–Sir Agapito

ON STUDYING

Commenting on a thesis of a Senior Student:

“’Yang thesis mo… mamamatay ka! Mamamatay ka!!!”

–Dr. Llanes, UPM

 

Professor: “O, meron na ba sa inyong nakapunta sa pinakabagong Mall ng Metro Manila?”

Class: (Super-tahimik)

Professor: “Anoooo?! Puro na lang ba kayo aral? Aral lang kayo nang aral—wala kayong kapupuntahan sa kaaaral n’yo!”

In a class with one meeting left in the Term:

“Okay class, next week, we start the lecture proper.”

–Ma’am Vitriolo

 

Professor to Student:

“Running ka ba for Summa?—Mapapagod ka lang.”

Professor to Grad Student during a Thesis Defense: “Are you familiar with the book written by (name of the author)?”

Grad Student (kinakabahan): “Y-yes, Sir.”

Professor: “Okay. Ano ang kulay ng cover ng book na ‘yun?”

 

ON LOUSY STUDENTS

“Anong molars? You don’t say molars, because it’s an adjective! Do you say ‘Beautifuls’?”

–Ma’am Liao commenting on a student’s grammar

Professor to a freshman who would not stand up during recitation:

“Stand up, Miss —  so that we might see the contours of your body. (Student stands) … Wow! Rape-able!”

 

 “Sa mga taga-UP lang ako bilib, eh. Papasok sila sa Law School na hindi disoriented. Bilib ako sa study habits ng mga batang iyan. Some of them look like they eat kamote three times a day. Pero ang utak nila, hindi ututin!”

Professor to a noisy class:

“Bakit napakasaya ng klase n’yo?! Pwede bang maging sad naman kayo? 5 minutes of sadness—starting right now!”

 

Professor to a class na ayaw mag-recite:

“Wag kayong mahiya. You have nothing to lose but your face!”

–Geo11 Prof

“It’s okay to smoke in my class. As long as you don’t breathe it out.”

–Dr. Obsioma, Biodiversity

 

Professor to a student with braces:

“Ayan, hindi ka na makasagot. ‘Yung bakal sa ipin mo, naapektuhan na ‘yung pagsasalita mo.”

–Sir Tiamson, Span 11

After the first hour of a three hour lecture on Taxonomy:

“Class, gising pa ba kayo? Mukhang inaantok na kayo, ah. I understand… pati nga ako, inaantok na rin.”

–Dr. Gapud

 

Professor after giving a joke related to his lecture topic:

“’Yung mga hindi natawa sa joke ko, REPEATERS kayo ano? Narinig n’yo na kasi ‘yang joke na ‘yan. Sorry kayo. ‘Yan lang ang joke ko.”

 ON BEING HUMAN

“The human body is 70% water. Kaya wala kayong kasaysayan lahat. ‘Pag may kaaway ka, sabihin mo sa kanya, TUBIG KA LANG!”

– Dr. Recio

 

“Try everything once, except incest.”

–Sir U Eliserio during a Creative Writing Class

“Nasa bandang gilid ang fallopian tube. Kaya kung gusto ninyong magka-anak ng asawa ninyo, dapat nakatagilid kayo habang gumagawa.”

–Ma’am Maggie, Zoo 10

 

“Yes, class—I AM GAY! I’m so gay I could show you my penis because it is but an accessory to my body.”

–Jean Navera, spcm 1

“Look at me. I’m 43 years old pero ang lakas-lakas ko pa. Kung walang gulay kakain ako ng damo. Kung walang tubig, mag-iipon na lang ako ng laway.”

 

“Birds of the same feather, FLOCK together… don’t forget the ‘L’”.

–SocSci Prof

ON RELATIONSHIPS

First day of Classes:

“Kung may boyfriend o girlfriend kayo na hindi taga-UP, hiwalayan n’yo na ngayon pa lang. Walang kapupuntahan ‘yang relasyon n’yo. Dahil hindi kayo magkakaintindihan. ‘Tapos ‘yung mga anak n’yo, magiging bobo. Gusto n’yo ba ‘yun?”

 

“And girls, ‘wag kayong kukuha  ng boyfriend diro sa UP. Pare-pareho tayong mahirap dito. 80% of the child’s intelligence comes from the mother naman, eh. And guys, ‘wag kayong kukuha ng bobong babae. Kahit matalino kayo, magiging bobo pa rin ang mga anak n’yo.”

 ON POWER

Professor : “Many people believe that we psychology professors can read minds… (Silence). Actually, we can.

Students: “Weh… sample…

Professor: “Right now, you think I’m bluffin.”

–Ma’am Chei Billedo, Psych

 

“Nu’ng freshie ako, atheist ako. Pero ‘pag nasa bahay, nagro-rosary kami ng nanay ko. Eh, kung magalit sa ‘kin ‘yun.”

–Socio 11 Professor

“Class, gusto ko kayong i-train na mag-English. So, when you’re here in my class, magsalita kayo ng English. Ako lang ang exempted dahil matanda na ako, at ako ang teacher!”

 

Prof to a student asking if he can sit in:

“We only accept members of a certain minority group in this class. For example, gays are part of a minority group. Bakla ka ba? If you admit that you are, then I’ll let you sit in.”

–Prof. “Hail to the Chair”

“The more wisdom you obtain, the more you should shut your mouth. This is because the more you learn, the more you realize that there are even more things that you do not know. The true mark of an idiot is a loudmouth. The true mark of a wise man is humility.”

–PI100. Puta, Best Prof sa CAL

 

 ON OTHERS

 Professor commenting on other Universities:

“Class, kaya ang mahal ng bayad sa mga professors sa ibang school kasi ang bobobo ng mga estudyante du’n. I used to teach in XXXXX at lumuluha talaga ako ng dugo bago maintindihan ng mga students ‘yung mga sinasabi ko. Ang mahal nga ng bayad, magkakasakit ka naman sa panga sa kauulit ng lessons. ‘Wag na lang. Dito na lang ako sa UP, et least, nagkakaintindihan tayo, ‘di ba?”

–Dr. David

Student: “Sir, pwede po bang maki-sit in ‘yung friends ko?”

Professor: “From what school are they?”

Student: “St. Scho po.”

Professor: “Go ahead. So they’ll realize what they’re missing.”

 

“Class, Chinatown is not in China. And Ateneo De Manila University is not… a university.”

–Prof name withheld upon request

“Si Mirriam, crush ko ‘yun dati. Muntikan na kaming maging kami. Kaso nasiraan siya ng ulo kaya ‘yun iba ang napangasawa ko.”

–Old UP Prof.

 

“Bilib ka kay Alan Peter Cayetano? Eh, ang bababa ng grades nu’n?!

–Ex-Prof ni Alan

ON LEAVING

 “When you graduate, then you begin to live!”

–Dr. Jimenez, Psych 118

 

“To tell you the truth, I don’t much. I only know enough to teach my classes.”

–UP Socio Prof

 

thank you kay http://bonggaboom.multiply.com/journal/item/35
at sa photo ng http://www.worldendeavors.com/main/programbrochure/programid/38

Abril 6, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Pilosopo PHILOSOPHY. 3 mga puna.

Top 5 Deadliest Food

SOME smart-ass once said that  “Everything that’s delicious is bad for you”. Well, maybe he’s right.

I got this email recently that’s quite alarming because an expert named Dr. Adams (a vegan, I think) is saying that some of the most accessible food around cause cancer. Basically, what it means is that Fast Food Restaurants are actually as dangerous as Iraq and Afganistan as locations go. The difference is that, they kill you slowly and take your money at the same time.

Kevin Smith will not like this list of “Top 5 Deadliest Food” anyway you look at it:

1. Hot dogs
Because they are high in nitrates, the Cancer Prevention Coalition advises that children eat no more than 12 hot dogs a month. If you can’t live without hot dogs, buy those made without sodium nitrate.

2. Processed meats and bacon
Also high in the same sodium nitrates found in hot dogs, bacon, and other processed meats raise the risk of heart disease. The saturated fat in bacon also contributes to cancer.

3. Doughnuts
Doughnuts are cancer-causing double trouble. First, they are made with white flour, sugar, and hydrogenated oils, then fried at high temperatures. Doughnuts, says Adams , may be the worst food you can possibly eat to raise your risk of cancer.
 

4. French fries
Like doughnuts, French fries are made with hydrogenated oils and then fried at high temperatures. They also contain cancer- causing acryl amides which occur during the frying process. They should be called cancer fries, not French fries, said Adams .
 
 
5. Chips, crackers, and cookies
All are usually made with white flour and sugar. Even the ones whose labels claim to be free of trans-fats generally contain small amounts of trans-fats.

Starting Monday, I’ll be eating grass.

photos: Google Images

Marso 13, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , . tribal TRIVIA, WTF is GRAMMAR?!. 5 mga puna.

Ang Sikreto ng MAHABANG BUHAY: USE your 9 HOLES everyday!

(ni Ely M.) MARAMING bagay sa mundo ang nadidiskubre nang hindi sinasadya. Karamihan sa mga discovery na ito ay napakahalaga, gaya ng Gravity, DNA, X-rays, Atoms at ‘yung katotohanang hindi pala planeta ang Pluto.

 Pero may mga bagay ring mahalaga na hindi pa nadidiskubre. Gaya ng sikreto ng mahabang buhay. Wala pa raw nakakaalam kung ano talaga ito. “Raw?”

 Akala lang ‘yun ng mga eksperto.

 Ang totoo, alam ko na kung ano ang sikreto ng mahabang buhay: BUTAS!

 Minsang nagbibisikleta ako, nabutas ang gulong ng aking makalumang sasakyan. May pakong-ligaw na tumusok sa gulong nito at nagulat akong bigla nang pumutok ito nang napakalakas. Tumalon ako mula sa bisikleta at nalaglag sa kanal sa tabi ng kalye.

Akala ko baril.

 Naglakad ako sa kahabaang ng kalyeng ‘yun na basang-basa ang aking white walking shorts kunsaan bakat na bakat ang aking yellow walking briefs. Malalim ‘yung kinahulugan kong kanal at maamoy.

Ano nga ba ang tawag sa malalim at mabahong kanal?

 Ah, imburnal.

 Kahit basa, kailangan kong makakita ng vulcanizing shop. Alangan namang kargahin ko ang bisikleta ko nang limang kilometro pabalik sa amin.

 Makaraan ng mga dalawang kilometro, nakakita rin ako ng vulcanizing shop at ang tumulong sa akin na ayusin ang butas kong gulong ay isang matandang Indonesian.

 Kamukha niya si Gandalf ng Lord of the Rings. Brown Gandalf version nga lang. Paika-ika siya at medyo sakang kung lumakad. Pero kakaiba ang kanyang sigla at lakas. Binuhat niya ang bisikleta ko. Tinanggal niyang mag-isa ang gulong. Nilubog sa isang drum ng tubig para makita ang singaw. Pinatsehan ng goma at rugby ang butas. Binombahan ng hangin. Umupo siya sa bisekleta ko at sinubok niya itong i-pedal. Nagpaikut-ikot siya sa vulcanizing shop sakay ng bisikleta. Nag- bunny hop, wheelie at bar spin. Nanlaki ang mga mata ko sa eksenang iyon.

 Mukhang beterano ng 1934 X-Games ni Lolo. Kung may X-games na nga noon.

 Habang naghihintay ako ng aking sukli, tinanong ko siya. “Berapa umurmu?” (roughly translated: “How old are you?”) Sagot niya: “Saya seratus-tiga tahun.”

Nalaglag ang basa kong walking shorts sa sagot niyang ‘yun. Hinatak ko agad pataas bago niya makita ang SpongeBob briefs ko. “I em 103 yers old?!” ulit niya.

 Dito nagsimula ang isang “teachable moment” (words ni Oprah). Ipinasa sa akin ni “Gandalf the Brown” sikreto ng kanyang mahabang buhay:

 “Maximize the 9 holes of your body!”

Gamitin mo ang 9 na butas mo sa katawan araw-araw.

 Ito ang payo ni Lolo Antok (tunay niyang pangalan, hindi pala Gandalf), isang Indonesian na 103 years old na ngayon, may-ari ng isang vulcanizing shop 5 kilometro mula sa bahay namin.

 Tahimik akong nagbilang nang marinig ko ang kanyang payo: 2 ang butas ng mata, 2 sa tainga, 2 sa ilong, 1 sa bibig, 1 sa pwet at 1 sa ari.

Siyam nga.

 Nangiti naman si Lolo ng pilyong ngiti.

 Ipinaliwanag niya ang kanyang pilosopiya (ita-translate naming in Taglish):

 “Ang walong butas ng katawan ang pinaka-sensitibo, “ simula niya habang nakatingin sa malayo na parang may mamumuong luha sa kanyang mata.

 “Mata ang sense of sight. Ilong ang sense of smell. Bibig ang sense of taste. At ang pwet at ari naman ang pinaka-sensitive sa touch.

 “Kung nama-maximize mo ito, nama-maximize mo ang kung papaano mabuhay sa araw-araw.

 “Nama-maximize mo ang pagiging tao.

 “Naaamoy mo ang lahat, mabango man o mabaho.

 “Nalalasahan mo ang lahat: tamis, alat, asim, at pakla.

 “Nakikita mo ang lahat: kabutihan at kasamaan, kagandahan at kapangitan.

 “Naririnig mo ang lahat: musika, ingay, tsismis, katotohanan at kasinungalingan.

 “Nararamdaman mo ang sakit, sarap at hapdi ‘pag may papasok o lalabas man sa iyong katawan.

 “‘Yan ang halaga ng pagiging tao. Hindi ka dapat umiwas o magpanggap na hindi nag-e-exist ang mga damdaming ito.

 “‘Yan ang buhay. At kung buhay ka ngang talaga dapat mong maramdaman iyan nang balanse– araw-araw. Balanse dahil lahat ng sobrang paggamit sa mga butas na ito ay nakakasama sa katawan.

 “Kaya ang bibig, kung gagamitin mo sa pagsasalita, dapat gamitin mo rin ang tainga mo sa pakikinig sa sinasabi ng iba. Hindi puwedeng ikaw lang ang salita nang salita.

 “Ang tainga dapat nakikinig sa lahat ng anggulo ng isang idea o usapin. Hindi puwedeng ang pinakikinggan mo lang ay ang mga bagay na gusto mong marinig at paniwalaaan.

 “Ang ilong, kung puro baho lang ang inaamoy mo, masama rin ito sa katawan. Maghanap ka rin ng mga bagay na nagpapabango sa paligid dahil laging meron nito.

 “Ang ari dapat gamitin mo sa tamang paraan at sa tamang panahon. Tandaan mo na hindi lang ito nagbibigay ng sarap, kailangan mo rin ito sa paglalabas ng mga dumi sa katawan. Kaya umihi ka kung naiihi ka. Ilabas mo kung lalabasan ka.

 “Ang pwet ay basically ay para lang sa pag-ebak. Kung gagamitin mo ito sa ibang paraan– do it at your own risk. At huwag ka ring tae nang tae or sex nang sex. Almoranas ang resulta nang sobrang paggamit nito. Mahirap ngang dumurugo ang pwet araw-araw. At mahal ang hemorroidectomy.”

 So, I supposed sa buong 103 years ni Lolo Antok  sa mundong ito, hindi siya nakaranas ng almoranas?

 Ngumiti lang siya sa biro namin. Bumaba sa bisekleta, tumalikod at naglakad nang pa-ika-ika papalayo.

 Napangiti rin ako nang matitigan  ko ang bakas ng dugo sa likuran ng kanyang salawal.

 Napansin ko ring nag-iwan siya ng ilang patak nito sa upuan ng aking bisikleta.

 What a discovery.

 Naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.

Pebrero 15, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Pilosopo PHILOSOPHY. 2 mga puna.

“BAGETS” baduy but BELOVED

PARA sa akin ang pelikulang “Bagets” ng Viva Films ang pinakakorning pagsusuma ng buhay-tinedyer noong Dekada ’80. Sa sobrang kakornihan nito, natatawa kami ng misis ko tuwing napapanood namin ito sa cable TV. Natatawa pero nagno-nostalgia. Guilty pleasure, ‘eka nga.

 Sunod usong-Bagets din kasi kami noong 1984 (edad-kinse kami noon). At unti-unti kong nadi-discover sa mga kuwentuhang-inuman kasama ng mga kaedad ko ngayon (kuwarenta na kami) na nasaan ka man naroon sa ‘Pinas noong pinalabas ito sa sinehan, malamang pa-bagets-bagets ka rin.

 ‘Eto ang “Ultimate Bagets Quiz” . Kung alam mo ang karamihan sa mga sagot sa tanong na ito, itanggi mo man, ikaw din ang magbibisto sa tunay mong nakaraan: (ANSWERS are at the end of this piece.)

 1. Sino ang kumanta ng theme song ng “Bagets” na may linyang “… I’m growing up, getting down, putting my both feet on the ground…”? Diabetic siya.

 2. Sino sa limang castmembers ng “Bagets” ang nakasalamin? Vice Mayor na siya ngayon.

 3. Sino ang pinakamatandang miyembro ng cast “Bagets” na sa tunay na buhay ay pinakasalan ang ka-love team niya sa pelikulang ito?

 4. Sino ang ka-loveteam ni JC Bonnin sa pelikula?

 5. Ano ang title ng dance anthem ng pelikula? Sinasayaw ito sa pamamagitan ng pagse-shake ng isang nakataas na braso, closed fist ( a la flying Superman), at ang isang kamay naman ay nakatapat sa tenga?

 6. Ano ang sinasakyan ni Herbert Bautista noong nakilala niya si Jobelle Salvador?

 7. Paano namatay ang karakter ni Yayo Aguila?

 8. Anong kanta ni Raymond Lauchengco ang background music sa date sequence nila ni Eula Valdes?

 9. Dalawa sa limang “Bagets” ang walang ka-date sa prom night sequence ng pelikula. Sino sila?

 10. Sinong foreign singer ang ina-idolize ni Aga Muhlach sa movie?

MGA SAGOT:

 1. Sino pa, di si Gary Valenciano. At kung alam mo ang title nito– “Growing Up” — malamang alam mo rin ang buong lyrics.

 2. Si Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista.

 3. Si William Martinez. Kinailangan siyang isama dahil siya ang pinakasikat na heartthrob noon. Malaking risk kasi ang pelikulang puro bago ang artista kaya hiniram siya from Regal Films. Ka-loveteam niya ang misis niya ngayong si Yayo Aguila.

 4. Si Chanda Romero. May-December affair ang drama nila.

 5. “Just Got Lucky” ng Joe Boxers. Hanggang ngayon ito pa rin ang isa sa most identified dance step ‘pag Dekada ’80 ang topic.

 6. Bisekleta ang sinasakyan ni Bistek nu’ng makita niyang nagdidilig ng halaman si Jobelle. Nahulog pa siya nang ma-love at first sight siya sa dalaga. Falling in love, literally.

 7. Namatay sa car crash ang karakter ni Yayo. Nakipag-drag race kasi si William habang angkas siya sa kool na kool nilang dune buggy.

8. Ang walang kamatayang “So It’s You”. Highlight ng sequence na ito ang pagkanta ni Raymond na naka-black tux siya at si Eula naman nasa gitna ng isang malaking staduium (Rizal Memorial?) at nakasuot ng pang-Santacruzang gown. Surreal.

 9. Sina Aga (dahil may asawa na ang love interest niya rito na si Baby Delgado) at si Herbert (dahil sa ending pa ng pelikula niya mapapasagot si Jobelle dahil akala niya boyfriend nito si Mon Alvir– pinsan pala).

 10. Sino pa, si Michael Jackson. Sumayaw pa si Aga ng “Wanna Be Starting Somethin” na tuluyan nang nagpabaduy kay Michael Jackson sa mga Pilipino.
REFLECTION:

Kung napangiti ka ng 8 out of 10 questions dito at alam mo ang sagot mentally (kahit ayaw mong sabihin verbally), naki-“Bagets” ka rin pala noon. At malamang hanggang ngayon, naggi-gel ka pa rin. May nakatago kang Topsiders na pang-driving (lame excuse). At ‘pag natutuwa ka sa sinabi ng isa mong kausap, sasagot ka ng “Nice one! (Sabay apir.)

Kung napag-isip ka ng 5 out of 10 questions dito at habang sinasabi mong “Oo nga, no. Naalala ko na,” closet-“Bagets” ang tawag sa’yo. Pilit mong kinakalimutan ang ’80s. Kasi siguro wala kang kabarkada noon. O wala kang naging boy friend o girl friend. In short, kulang sa pagkabata.

Kung wala kang alam (0 ang score mo), you need to see this flick.

You’re either too young or chromosome ka pa lang noong pinalabas ito:

part 1: http://www.youtube.com/watch?v=-fpftOPjJ3I&feature=related

part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4PfzlII0L4Y&feature=related

part 3: http://www.youtube.com/watch?v=johse1ryNh8&feature=related

part 4: http://www.youtube.com/watch?v=_VJ4JKRXPOs&feature=related

part 5: http://www.youtube.com/watch?v=DGtDqN0gvo0&feature=related

THE REST OF THE MOVIE: Kayo na ang maghanap sa YouTube

(at magpasalamat tayo kay JONETTE salamat sa pag-a-upload ng klasik na ito)

Para maunawaan mo kung bakit may mga pag-uugaling baduy ang parents mo or mga nakakatanda mong kapatid, panoorin mo ito dahil ganito sila noon. Baduy na talaga… pero kool.

Nice one!!! Apppiiir!

(aLjI05)

Nobyembre 9, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 2 mga puna.

TATTOO or FALSE

CB026533

(by ely m.) I also call this entry: “It’s easier to write in English as long as you don’t care about grammar and spelling.”

I HAVE always wanted a tattoo.

When I was 24, I planned to get one to match my Eddie Vedder hair (yes, it was the ‘90s).

But then I also needed an office job, so the hair had to go and without that as an accessory, getting a tattoo would have been pointless.

I was either going to be a rocker for the rest of my life or just be my geeky old self.  

That was 16 years ago today and I have remained a geek.

But I haven’t scratched out “get a tattoo” from my “to-do-list”.

To celebrate my 40th summer, I’ve decided that this is definitely the year.

I was on my way to the tattoo shop when I had this awful toothache.

It was aching like mad; I had to change my plan and went straight to the dentist.

She said I have an infracted tooth that’s pushing against my gums causing this terrible ache.

She said I need tooth extractions—that’s extraction with an “s”—meaning more than one.

If I remember correctly I only have two gum teeth left. So, they both had to go.

How the hell am I going to chew now?

She said she will make for me some dentures.

Or, if I was against that idea, I can  just keep my infected tooth and wait for my cheeks to swell.

That totally isn’t cool.

So, choices: A cool tattoo on my arm or an aching bloated face?

Suddenly, I was back in the ‘90s.

I had tears in my eyes when I said, “Make me some dentures… please.”

She made some molds of my teeth using this green plaster and told me my new dentures will be ready in a couple of days.

“This really is not cool,” I told her while shaking my head in disbelief.

“There’s a way to make it cool,” she answered.

“Put some water and ice in a glass…

“And dip your dentures in it overnight…

That will make it cooler…

“Happy birthday, old man.”

(photo from castlerockdental.com)

Nobyembre 7, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot, WTF is GRAMMAR?!. Mag-iwan ng puna.

BAKIT may TAMBOK sa aking PANTALON?

Caught with pants down

(Ely M.) KUNG bibilangin mo ang lahat ng bagay na nakasabit sa katawan mo araw-araw, magugulat ka sa bigat ng  daigdig na pinapasan mo.

‘Eto ang mga nakabukol sa pantalon ko:

Sa kaliwang bulsa ng aking pantalon:

  • SUSI– napakaraming susi na hindi ko alam kung para buksan ang alin. Basta as far as I can remember, isa dito ay susi ng bahay namin.
  • KENDI– Stork, Mentos at isa pang kulay Cherry na wala nang balot na nakadikit na sa bulsa. Tawag ko dito “emergency snack” lalo na kung matagal ang biyahe at walang fast food na madadaanan.
  • COINS– Napakaraming barya na kung bibilangin ko, siguro kulang-kulang 50 pesos ang katumbas(kung iku-convert into pesos). Sa sobrang dami, minsan tinatanong na ako ng mga kaibigan ko kung may luslos daw ba ako.

Sa kanang bulsa ng aking pantalon:

  • 2 USB– Mga impostanteng files na kung ipi-print lahat ay makakapuno ng dalawang steel cabinets.
  • RESIBO– Ng kung anu-anong mga bagay na binili, ginamit, kinain ko at oo ‘yung iba dito, napulot ko lang sa kalye << save the earth ‘eka.
  • CELLPHONE– Kung saan naka-record ang aking non-existing social life. At dahil lumang model at sobrang laki nito, madalas itong napapagkamalan ng mga babae as my  “talong”. I wish.

Sa kanang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • WALLET lang– Pero hindi ganu’n kasimple dahil narito ang …
  1. Mas maraming RESIBO– Dito, nakatupi pa ang lahat. Ito ‘yung mga resibong may nakakabit na “memories” (kung sentimental ka, you know what I mean). “Ah, my FIRST foot massage…”
  2. 5 ID CARDS– 1 from college, 1 PRC Card, 3 lumang IDs galing sa tatlong huling kumpanya na pinagtrabahuhan ko. Yes, I did not surrender them. What can I do, eh, sa naiwala ko, eh.
  3. 3 MEMBERSHIP DISCOUNT CARDS– Mula sa groceries hanggang video rental at Timezone.
  4. 2 CREDIT CARDS– Ito ang pinakamabigat dalhin, lalo na pag singilan na.
  5. 2 E-LOADS– Mahirap nang maubusan habang naglo-long distance.
  6. 1 CONDOM– Mahirap nang mapalaban habang nasa long distance.
  7. 1 TOOTHPICK– Hindi kasi kasya ang toothbrush sa wallet.
  8. POST ITs– Na iba-ibang kulay. Isa sa Post-It ko ay may nakasulat: “Throw all of these  Post-Its away!”
  9. TISSUE PAPER– Kung saan nakalista ang iba’t ibang phone numbers ng hopefully  “cute girls”  na hindi ko na matandaan kung saan ko napagkikilala. ‘Pag walang magawa, pinapahiran ko na rin ng kulangot ‘yung bawat sulok ng tissue paper kaya medyo yellowish na ito.

Sa kaliwang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • Isang malinis na puting PANYO (strange, but true!)

Isama n’yo na riyan ang actual weight ng isang lumang Levis 501, more or less mga dalawang kilo siguro ang bigat ng lahat.

Pantalon ko pa lang ‘yan.

Kaya nga tuwing gabi, pag-uwi ko galing trabaho na pagod na pagod sa maghapong kaka-chat, este….  kakagawa ng “customer’s files”, dahan-dahan akong lalakad papasok at tatayo sa gitna ng aming malamig na kuwarto…

luluwagan ko ang aking cowboy belt

at dali-daling itataas ang aking dalawang braso…

sa sobrang bigat ng aking pantalon, automatic na itong dadausdos pababa  mula sa aking beywang tungo sa aking mga tuhod.

Titingala ako sa kisame

at ng gaya ni Mel Gibson sa “Braveheart” nu’ng kinoronggo na siya sa puwet ng isang steel rod…

sumisigaw ako ng nakakabinging…

(photofrom: www.getreligion.org … Note: Hindi ako ‘yung nasa pic. Maputi ang legs ko.)

Agosto 27, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 4 mga puna.

Mahirap MABUHAY ‘pag WALANG CABLE

american-idol

(Ely M.) Bago ako nag-abroad I was an idiot to think na pare-pareho ang palabas sa TV kahit saan ka pang lupalop ng mundo mapadpad—Mali. Kahit naka-cable ka pa, iba’t iba ang programming ng bawat bansa para sa same cable channel. Tailor made ito sa taste ng mga tao sa bansang tinitirhan mo. So, ang mga pelikula sa HBO sa States ay iba sa movies ng HBO Asia (kasama dito ang  ‘Pinas).

Ang bad trip niyan kung wala kang cable sa labas ng Pilipinas—kasi hindi mo ma-afford. Ang mahal nga ng cable service dito sa abroad. At ang pinaka-baddest trip ay kung hindi nag-i-English ang citizens ng bansang kinalulugaran mo. You’ll get the worst kind of “free” shows sa local channel nila.

Nu’ng bagong salta pa lang ako dito sa Indonesia at wala pa kaming cable, wala ni isang English show sa local TV. Lahat ng palabas nagba-Bahasa Indonesia (ito ang tawag sa lenguwahe dito) . Ang Bahasa Indonesia ay parang pinagrambol na Ilokano, Bisaya at Kapangpangan—para ma- imagine n’yo kung papaano ito, ‘eto ang sampol: “Bisa saya ambil uang dengan kartu kredit saya?”

Anudaw?

Can I use my credit card to withdraw money? << in English

Kaya nga tuwing manonood ako ng local TV noon with my roommate, sumasakit ang ulo namin pagkatapos. Hindi ma-comprehend ng utak ko kung anuba ang sinasabi nila?!

Anoooobaaa?!

Like the local news– ang ginagawa namin, binabase na lang namin ‘yung supposedly message ng balita according sa actions nu’ng nagsasalita or ng eksena sa video.

“Ah, nagtatakbuhan… siguro may bombang pinasabog?”

“Hindi nakatawa ‘yung mga tao, e?”

“Artista siguro ‘yang pinagkakaguluhan nila?”

“Ah, presscon?!”

“Ahhhhhh…. Oo, nga.”

“May Biogesic ka pa ba?”

“Teka, ‘eto tubig. Puwede hati tayo?”

(Note all the question marks?)

BUT it doesn’t mean na hindi marunong mag-English ang mga Indonesians sa TV. Slang  pa nga sila mag-English dahil karamihan ng celebrities dito or newscasters for that matter ay lumaki or nag-aral sa isang English speaking country, like Australia and the States. They speak Bahasa Indonesia by choice. So, dahil walang choice ang foreign-gers like us, you have to adapt to this kinda system.

On my second week sa bansang ito noong 2006, may isang gabi na hindi ako makatulog. Dahil hindi pa nga ako nakaka-adapt sa pamumuhay, binuksan ko ang TV. Mga 1 am na yata ‘yun.

At parang milagro – sa isang local channel—ipinapalabas ang Season 5 ng…

American Idol—AI…!!!

Hindi ito translated in Bahasa Indonesia… wala itong subtitles in Bahasa Indonesia.

Nagsasalita ang mga tao sa TV— IN ENGLUSH!

Nakita ko muli sina Simon Cowell, Randy Jackson at Paula Abdul na nagpapaiyak ng isang contestant na walang karapatang kumanta using their “destructive” criticisms.

Natuwa ako… at unti-unting tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.

Before I knew it, umiiyak na ako.

Ang dami kong naalala.

Favorite kasi namin itong panoorin sa cable TV namin sa ‘Pinas bago ako nag-aboard.

So, habang nanonood ako at umiiyak… kumakanta ang mga contestants ng kani-kanilang “Stevie Wonder” themed songs.

Naalala ko ‘yung mga kasama kong nanonood ng AI mula pa nu’ng unang ipalabas ito sa Star World channel sa Pilipinas.

‘Yung mga kumpare kong mahihilig sa karaoke na it follows (in our case) mahihilig din sa AI.

‘Yung mga dati kong kaopisina na laging idini-discuss over lunchbreak  kung bakit natsugi at nag-move on ang isang contestant.

‘Yung mga kapitbahay naming nakikinood dahil wala silang cable or pinutol na ng Sky Cable ‘yung tapped nilang linya.

‘Yung mga tawanan at alaskahan sa harap ng TV.

At ‘yung pamilya ko na naiwan sa Pinas.

Haaay nako.

Hindi ka ba naman iiyak niyan?

After the show I realized, hindi naman talaga ‘yung English language ang nami-miss ng mga tulad kong OFW na nakadestino sa isang non-English speaking country kundi ‘yung mga bagay na isinakripisyo naming huwag munang makita at marinig para lang mapaunlad ng konti ang buhay.

In some cases, like this one, kasama nga ang mga pamilyar na lengguwahe sa mga hindi mo muna maririnig.

Believe it or not, it took me nine months bago ulit nakapanood ng American Idol dito sa Indonesia.

Nu’ng finally nagka-cable na kami.

Sa awa ng Diyos.

 (photofrom: mediadecoder.blogs.com)

Agosto 12, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 5 mga puna.

Noong Unang Panahon… Part 2

the 80s

ONCE AGAIN, I did not write this. Somebody sent it to me and it’s too good not to share with others.

Ito kasi ‘yung mga ginagawa naman namin nu’ng mga huling taon ng pagkapresidente ni Cory, pagkatapos ng kauna-unahang EDSA Revolt at pagsisimula ng pagkalat ng sticker na  “EDsa ’92”– “Ed” meaning “Eddie” Ramos– si FVR, na nanalo nu’ng 1992.

Ito ang mga huling taon ng Dekada ’80 at ang mga unang taon ng Dekada ’90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.

Ito ang panahong tapos na ang Bagong Lipunan, pero malayo pa ang New Millennium. Hindi pa high-tech pero ‘di naman old fashioned. Saktong-sakto lang.

Ito ang panahon namin. “Kraakk-Booom!!!!” < sound epek ng kulog at kidlat.

Paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?

Narito ang listahan na makapagpapatunay if you’re one of us.

R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng
hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Ajo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey
Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa ‘yun, eh, taga
Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106” hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa school niyo at  namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na nakaitim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na sa sobrang luwag , eh, kita na minsan na ang dalawang “santol” sa loob ng pantalon.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang  kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa ikinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (Hi-tech na ‘yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga karton na may sukat na 1 inch by 1 1/2 inch na may mga drawing ng pelikulang Pinoy. (At may dialog pa!). Kukuha ka ng tatlong text at pipitikin mo, sabay sigaw ng “TSOB!” Kung mananalo ka (medyo kumplikado ang explanation kung papaano– basta may “tsob”, ibig sabihin taob) bibilang ka nang ganito: “Sa-i, Mudawa, Mutayo-tayo-ta, Tomple!”

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler,  si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga sa  saliw
na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can’t Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday Group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Kilala mo ang Smokey Mountain , (first and second generation)

16. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong “MightyKid”.

17. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores (pelikula na ito ngayon).

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

19. Naniwala kang original ang isang (baseball) cap kapag maywalong tahi sa visor nito. At kung original ang cap mo, siguradong mai-isnatch ito ‘pag nakasakay ka nang jeep o nakadungaw sa bintana ng bus na walang air-con (remember the red JD Bus sa EDSA?)

20. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga.)

21. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”

22. Alam mo din ang ibig sabihin ng “PERIOD– NO ERASE!”

23. For girls: malamang nag-away na kyo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at Gimik! Pero nagkakasundo kayo dahil sa Tabig Ilog. (Jologs na kung jologs pero umamin ka!)

24. Madalas kang bumili ng “Wonder Boy” sa iyong suking tindahan.

25. Nilalagyan mo ng “Pritos Ring” ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.

26. Binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kalbo o kotseng kuba (Volkswagen) tapos magtataas ka ng peace sign.

27. At minsan yung linyang “PERIOD NO ERASE” ay may dagdag pang “AKIN PADLOCK, AKIN SUSI” (Eh, di sayo! Hehe.)

28. Noon for little girls, hindi ka “in” pag wala kang magnetic pencil case na maraming pindutan at maraming lalagyan ng lapis at kung ano ano pa.

29. Noon wala ka sa “fashion” pag wala kang Pop Swatch (‘yung relong sinlaki ng wall clock for your wrist.)

30. Kabisado mo ang “Three O’clock Prayer” dahil sa “Three O’clock Habit” at saulado mo din pati ‘yung part na “we have just as one nation started the beautiful three o’clock habit…we hope that this becomes a daily habit with you…”

Bakit kaya ganon? Kahit ‘sang lupalop ka ng Pilipinas lumaki noon, eh, nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.

Siguro’y dahil wala pang Cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang Playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote.

Kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho ng mga karanasan natin, masaya na rin akong naging bata (at binata) ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan, ‘di ba?

Haay, nako. Nakaka-miss ang ‘Pinas.

More Reminiscing…

(imagefrom: fanpop.com)

Agosto 6, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 6 mga puna.

Paano kung mali para sa ‘yo si MR. RIGHT?

girl with binoculars

(LJI) LAHAT ng lalaki na nanliligaw—nambobola rin.

Madali lang magsabi ng “I love you” pero mahirap pangatawanan ng salitang ito.

So—tanong ng isa kong kaibigang babae—ano ang pagkakaiba ng sinungaling sa seryoso?

Kung babae ka, sampung tanong lang ang dapat mong sagutin kung gusto mo talagang malaman kung totoong mahal ka nga ng syota mo.

Una: Nabigyan ka na ba niya ng bulaklak?

Kung hindi ka niya kayang bigyan ng napakasimpleng halaman (na puwedeng pitasin kahit sa tabi ng kalye), ano pa ang maaasahan mong maibibigay niya sa iyo?

Pangalawa: May naibigay na ba siya sa iyong “lovenote”?

Importante ang “lovenote” (sa papel man o sa text) kasi he’s putting his feelings in black and white, na puwede ring i-printed. In any court case, legal document na ito as proof of his undying love.

Pangatlo: Kaya ka ba niyang titigan nang matagal habang sinasabi ang “I love you.”

Maraming lalaki na sasabihing korni ang pag-a-“I love you”. Kung hindi niya kayang mag-exert man lang ng effort na sabihin ito sa harap mo, magduda ka na. Baka nga hindi ka niya mahal.

Pang-apat: Naipakilala ka na ba niya sa parents niya?

‘Eto ang secret girls—‘yung mga totoong mahal lang ng mga lalaki ang ipinapakilala nila sa mga magulang nila. Bihira itong gawin ng boys kasi, mahirap na kada buwan e iba ang ipinapakilala mo sa parents mo. Kahit ako, sa dinami-dami ng naging syota ko (ehermm…), ‘yung naging misis ko lang ang nakarating sa amin.

Panglima: Naaalala ba niya ang “monthsary” n’yo?

Kung lagi niya itong kinakalimutan ngayon pa lang, mas marami siyang makakalimutan sa darating pang panahon. Ang masama baka ikaw na ang kasunod na ma-erase sa memory niya.

Pang-anim: Nililibre ka ba niya tuwing date n’yo?

Kung ikaw ang laging gumagastos sa date n’yo, ganito rin ang mangyayari kung sakaling magkatuluyan kayo. Ikaw ang magtatrabaho at gagastos for your future family—believe me.

Pangpito: Nagho-holding hands ba kayo in public?

Ang PDA (Public Display of Affection) ang pinakakongretong  katunayan na proud siya na kasama ka. Na nawawala siya sa sarili niya tuwing magkatabi kayo. Na ikaw lang ang mahalaga sa moment na ‘yun. Kung hindi niya kayang gawin ito, natatakot ‘yan na baka may makakita sa inyo—malamang ‘yung iba pa niyang girl friend o mga kaibigan ng girl friend niya, o ‘yung mismong misis niya..

Pangwalo: Madalas mo ba siyang kasama sa loob ng isang linggo?

Kung once a week mo lang nakakasama ang boyfriend mo, don’t expect na uuwi ‘yan sa bahay n’yo everyday kung sakaling kasal na kayo. ‘Yung mga ganitong lalaki, laging nasa lakwastahan, kabarkada o trabaho (kunyari). Kung uuwi man ‘yan, gabi na palagi kung kelan tulog ka na.

Pangsiyam: Nasigawan ka na ba niya?

‘Eto ang pinakamasama na puwedeng gawin ng boyfriend mo sa iyo. Kahit matagal na kayong mag-on, he has no right na sigawan ka niya dahil wala siyang karapatan. Legally speaking, he’s a stranger shouting at you. Wala kayong binding agreement na puwede ka niyang talakan or mag-feeling superior. Just imagine kung mister mo na ‘yan—baka hindi lang sigaw ang aabutin mo. Leave this kind of guy as soon as possible.

Pangsampu: Mas madalas ka bang umiiyak o tumatawa ‘pag kasama ka?

Ang love dapat nagpapasaya sa iyo. Kung mahal ka ng lalaki, dapat gagawin niya ang lahat para mapasaya ka niya. Kung puro problema, pasakit at sama ng loob lang ang ibinibigay niya sa iyo—DO NOT EXPECT THIS SITUATION TO CHANGE. Isa itong sneak preview ng magiging buhay mo kung magkakatuluyan nga kayo as husband and wife.

Sabi nga ng kasabihan, pakasalan mo ‘yung taong minamahal ka kahit hindi mo masyadong feel at ‘wag yung taong mahal na mahal mo na hindi ka naman feel.

At ituring mo na napakalaking blessing kung suwerte kang mahal ka rin ng minamahal mo dahil bihira na nga itong mangyari.

 (visual from brendapool.com)

Agosto 3, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 9 mga puna.

MICHAEL JACKSON FAREWELL– replays HERE!

thriller-michael-jackson

Malinaw na live video– as it happened July 7, 2009– for those of you who missed it.

CLICK the LINK BELOW:

MTV’s MICHAEL JACKSON: The Memorial

Hulyo 7, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 6 mga puna.

Growing Up With MICHAEL JACKSON

 (LJI) MATAWA na kayong lahat, aamin ako today, I’m a big Michael Jackson fan. Kung magkakaroon kasi ng music playlist ang henerasyong kinabibilangan ko, malamang puro awitin ni Michael and pupuno dito. It was such a long time ago but I feel I need to write this down.

1. Give Love On Christmas Day (released 1970)

Sabi ng mga elders ng pamilya namin, noong mga bata pa raw kami, dinala nila kami sa isang concert ng Jackson 5 sa Araneta Coliseum diyan sa may Cubao, QC. Pero wala nga akong naaalala dito. Basta ang alam ko, isa sa senyales na malapit na ang Pasko sa bahay namin o sa buong Pilipinas ang pagpapatugtog till your ears bleed ng Christmas classic na “Give Love On Christmas Day” ng Jackson 5. At kung hindi n’yo pa alam, isang 12 year old Michael Jackson ang nagbu-vocals dito. At magpahanggang ngayon, required na chorus after ng linyang “…Taking time to be kind to one and all…” ang “hooo-hooo-hooo…”

2. She’s Out Of My Life (released 1979)

Hindi ko ‘to makakalimutan dahil kinanta ito ng isang babaeng classmate ko nu’ng high school para sa isang lalaking classmate ko rin. Sabi niya before singing, “This is dedicated to Neil…” at gaya nga ni Michael humihikbi din ‘yung girl at the end of the song dahil ayaw siyang pansinin si Neil. Natatawa naman si Neil dahil “HE’S out of my life” daw dapat ang tamang linya kung para sa kanya nga ‘yung dedication. Loko.

3. Don’t Stop Till You Get Enough (released 1979)

Sa sobrang kasikatan ng kantang ito ni Michael, may nag-translate nito in Tagalog. Ang kinalabasan ng linyang “Keep on with the force don’t, don’t stop till you get enough…” ay “Kaya John, magsumikap… dapat magsumikap ka…” at ginawa itong theme song ng “John En Marsha” ni Dolphy sa lumang Channel 9.

 4. Someone In The Dark (special edition, released 1982)

Kasama ang kantang ito sa isang special album na ni-release to promote the movie “E.T. (the Extra Terrestrial) ” na dinirek ni Steven Spielberg. Hindi ko alam ‘yun dahil sa VCD ko na napanood ang E.T. after 10 years from its original showing dahil ayaw ni Spielberg mag-release ng video version. Pero 10 years ko nga itong ginigitara dahil masarap siyang kantahin. Sabi ni E.T. sa gitna ng kanta “Thaaaaaank you” kay Michael. Sana sumagot si Michael nang “Your Wehhhhhhhhllcome.”

5. Billie Jean (released as a single 1983)

The 1984 Grammy Awards was the first one I ever watched on TV sa Channel 9 (again). Sa TV plug kasi nito, nominated si Michael for several Grammy Awards including Best R&B Song for Billie Jean. Laking pasalamat ko dahil it was truly an historic night. He ended up with a record 8 Grammy Awards. Kinabukasan na-realize ko naging Jackson fanatic akong bigla nang napansin kong ginagaya ko na ‘yung Jackson walk sa intro ng Bilie Jean video habang ini-imagine kong umiilaw ‘yung tiles ng sahig namin sa bawat hakbang ko. Later on, ‘yung isang best friend ko named his first child “Billy” after the song. Joke namin, para ‘pag malaki na si Billy puwede siyang utusang bumili ng alak ng tatay niya with the words, “Billy– bili Gin.”

6. Beat It (released as a single 1983)

This was the song that kept playing in my head everyday while walking to school. Walking to the beat, ‘eka nga. I love the guitar solo sa song na ito at kung meron ngang list ng best guitar solos in a pop song, ‘yung guitar solo dito sa “Beat It” ang No. 1 ko. At bakit nga hindi siya magiging hayup sa galing – si Eddie Van Halen (ng rock band na Van Halen) ang nag-solo dito. Hindi nga lang guitars ang magaling sa song. Hayup din ang choreography at dance moves ni Michael sa video. During this time I discovered dancing. I hated dancing. But it became a guilty pleasure. Sabi nga ni Madonna sa kantang “Into the Groove“…lock the doors so no one else could see…” Siyempre kasama na porma namin ‘yung pormang Michael: konting “S” na palawit ng buhok sa may bandang noo—a la Superman at secretly pagdadala ng sequined glove in my pocket. ‘Pag may nagtatanong kung bakit may sequined glove ako, sagot ko “Nagta-trapik ako dyan sa kanto.”

7. Thriller (released as an album 1982)

If you’re a child of the ‘80s, I’m sure you know some of the dance moves from this classic song and video. Naglabas ng “The Making of Thriller” noon at ang ginagawa namin ng mga barkada ko, sino-slow motion naming ‘yung video para lang ma-imitate every dance move. Dito nga naming napatunayan na possible palang umikot nang pitong beses gaya ni Michael kung naka-Blah Blah kang sapatos. Sa sobrang familiar nga ng choreography nito, may nag-perform nito perfectly sa high school field demo namin nu’ng 1984. So, ‘yung mga bilanggo na nagti-Thriller sa Youtube, sorry to say, hindi sila ang original.

8. I Just Can’t Stop Lovin You (released 1987)

College student ako na naglalakad pauwi sa loob ng SM North Edsa (hindi pa siya “City” noon) nu’ng marinig ko ang kantang ito. Sabi ko, “Kaboses ni Michael? It’s been 5 years mula nu’ng na-release ang “Thriller”—may bago kaya siyang album? Lo and behold, sa harap ng record store (Odyssey yata) naroon nga ang poster ng album na “Bad”! Unti-unti akong nangiti. Nagbalik sa aking alaala ‘yung teenage Michael Jackson phase ko  “Here we go again,” isip ko. Pero habang tinititigan ko ‘yung poster napansin ko, nag-iba na rin ang mukha ni Michael: mahaba ang buhok, maputi na may cleft chin at iba na naman ang kanyang ilong. He looked bad. Parang hindi kasi bagay ‘yung physical changes. Kaso sabi nga sa kanta, “I just can’t stop lovin you… Michael.” Nag-moonwalk ako happily the rest of my way going home na ikina-pudpod ng suot kong Chuck Taylor.

9. Smooth Criminal (released 1987)

“Moonwalker” ang title ng movie at dito pinagsama-sama ang lahat ng video ng album na “Bad”. Pinalabas ito sa isang movie theatre sa Recto kung saan malapit ang university namin. Buong tropa ko sa college nag-cut classes para lang manood nito at magsasayaw sa loob ng sinehan, especially during the extended video ng “Smooth Criminal”. It was the nearest thing to a Michael Jackson concert. Alam namin lahat ng kanta, alam naming ang dance moves at nagkabistuhan na na saan ka man lupalop ng Pilipinas lumaki, imposibleng hindi naimpluwensiyahan ang pagkabata mo ng musika ni Michael. Favorite dance move namin after watching “Bad” ay ang “crotch hold” (o hawak betlog). Dahil kay Michael hindi ka na nga mahihiya mag-adjust ng kargada mo in public kung kinakailangan.

 HISTORY WORLD TOUR—December 10 1996 Asia World, Paranaque.

After 15 looooong years, nangyari nga ang imposible. Nagkaroon ng concert schedule si Michael Jackson sa Pilipinas. Nagtatrabaho na ako by this time sa isang showbiz magazine. At parang pinagtagpo nga ng panahon dahil nakakuha ang editorial office namin ng invites para sa press launching ng concert sa Manila Hotel. First time ko sa Manila Hotel at napakaengrande ng “ambulance” sa loob, siyempre engrande din ang concert (‘eto ‘yung same video na ipinakita during the launch). Dahil sa excitement na na-build up in me during the press launch, hindi nga ako na-satisfy sa free tickets na bigay sa press na pinauupo ka sa pinakalikod ng reclaimed land are ng Asia World, sa tabi ng naglalakihang metal cargo containers na ginawa nilang pader. Bumili ako ng tatlong middle seat audience tickets worth 3 thousand pesos each, mapalapit sa aking idol. One for me, one for another friend na MJ fan din and one for my future-misis. Ubos ang laman ng credit card ko only for this once in a lifetime chance to get close to my childhood idol.

10. Childhood (released 1995)

Among the 30 songs na included sa double album na “HIStory” ito ang nas-stick sa mind ko. Sabi sa first line ng kanta, tinatanong tayo ni Michael: “Have you seen my childhood?” Only then I finally understood kung ano nga ba si Michael, ano siya sa buhay ko. Sa buhay natin.

Siya ‘yung nagpapaalala nu’ng mga masayang Pasko sa Pilipinas nu’ng musmos pa tayo sa “Give Love On Christmas Day”; ‘yung teenage loneliness nu’ng wala ka pang girlfriend sa “Someone In The Dark” ; falling totally in love sa “I Just Can’t Stop Lovin You”; makagunaw mundong teenage heartbreaks natin  sa “She’s Out Of My Life”; mga kalokohan ng tropang high school sa “Thriller”, “Beat It” at “Billie Jean” at goodtime sa college while listening to “Bad” at “Smooth Criminal”. Hindi lang pala nakadugtong si Michael sa ilang highlights sa buhay natin kundi naka-link din siya sa mga taong nakasama at nakilala natin habang pinapatugtog ang mga awitin niya sa radio o sa mga cassette at CD players noon. Kaya nga ‘pag nakikinig tayo ng iPod today ng illegally downloaded nating Michael Jackson song at ipipikit natin ang ating mga mata, nakikita natin muli ‘yung mga taong ‘yun at bumabalik lahat ng feelings from our own childhood.

After feeling like a child again during the two hour concert na ‘yun kung saan nakita ko ang 38  year old na si Michael nang malapitan, of course he looked old–er. May tiyan na—parang maliit beer belly. Parang nagli-lipsynch na. At parang hindi na niya kayang mag-spin seven times. But the same energy, the same passion and the same commitment to entertain us, hindi nawala. The crowd of 90,000 na nanood with us showed the same energy, passion and commitment kahit nga naghintay kami ng 15 years to get to that moment.

Pagkatapos ng concert, naglakad lahat ng audience from Paranaque hangang Manila bago makasakay ng taxi. Puno ang buong Roxas Blvd ng mga taong naglalakad: puyat, pagod, paos pero lahat nakangiti. Kami lalo dahil kung nakalimutan ko na nga ‘yung supposedly Jackson 5 concert sa Araneta nu’ng kamusmusan ko nu’ng late ‘70s—‘etong 1996 concert na ito ni Michael Jackson nagbalik muli for a moment ang “wonder in my youth”.

The next morning we all grew up and finally moved on (LJI).

Hulyo 2, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 7 mga puna.

How Will You Remember MICHAEL JACKSON?

michael-jackson1

(LJI)

LOVE him or hate him, he’s definitely led one very interesting life.

I just need to ask you this question:

If you think there are other words to describe MJ, feel free to comment.

Hunyo 28, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 4 mga puna.

How To Pick-up Girls-Boys-Bakla-Tomboys (sort of)

pickup1

BIBIGYAN ko kayo ng step-by-step na instructions based from experience kung papaano makipagkilala sa bar, club, mall, party, saklaan, peryahan, etc. Remember, boy , girl, veykla o tibs ka man applicable ang teknik na ito. This will get you the “keys to the VIP” (Vilibid In Prison-ahehe!).

1. MAKIPAGTITIGAN –Mag-beautiful eyes ka muna sa tina-target mong babae/lalaki: Ayon sa barkada kong Japayuki, isa sa pinakaayaw ng girls ay ‘yung may bigla na lang sumusulpot sa likuran nila at nagsasabi ng napakalakas na “MISS, PWEDE BANG MAKIPAGKILALA?! Kahit ikaw rin, kung may complete stranger na lalapit sa ‘yo at nagulat ka, magsususpetsa ka rin agad na masamang tao ito. Kaya umaayaw daw kaagad sila. At oo, tumatakbo nga ‘yung iba at nagsusumbong sa baranggay.

2. MAGPAPANSIN—Kung hindi tumitingin sa iyo ang target girl, magpapansin ka: Tumawa ka nang malakas at magsalita ka nang malakas (siguraduhin mo lang na may kausap ka kung gagawin mo ito. Baka mapagkamalan kang may topak kung mag-isa ka lang). Magpatawa ka, madapa ka, umubo ka nang malakas. Or magsayaw ka nang kakaiba: kung nagbe-breakdance sila sa dancefloor, mag-cha-cha ka bigla. Anything na makakatawag nang pansin, para mapatingin siya sa iyo.

3. MAGPAKIPOT—Kung sa pagpapapansin mo ay mapatingin nga siya, tumingin ka rin lang muna sa kanya ‘tapos biglang iwas ng tingin. Kunwari, hindi mo napansin na nakatingin siya sa iyo. Patikim-tikim lang. ‘Wag ka munang lalapit o magre-react at either natatakot pa rin ‘yan sa iyo o iniisip niyan, KSP ka (dahil malakas kang magsalita), certified loser ka (dahil nadapa ka), may TB ka (dahil malakas kang umubo) o isa kang weirdo (dahil hanggang ngayon cha-cha pa rin ang alam mo). So, take it easy, build-up sexual tension first and wait for the best moment to attack.

4. MAKIPAG-NGITIAN–Pagkatapos ng Step 1 and 2, I’m sure titingin ‘yan ulit, guaranteed. Dagdagan mo ngayon ng ingredient ang sexual tension na ito: Ngumiti ka sa kanya or tumango (parang slight bow, head only), kumindat, mag-double raised eyebrow, o kahit anong movement na mag-a-acknowledge na nakita mong nakatingin din siya sa iyo. Kung gusto ka rin niyan, titingin siya ulit; hindi siya ngingiti pero titingin ‘yan ulit… at ulit… at ulit. Importanteng tandaan mo, never exaggerate: ‘Wag kang magbu-blow ng kiss, or aarte na parang binabaril mo siya with your pointed finger and thumb tapos hihipan mo ‘yung forefinger mo dahil kunwari may usok na lumabas.

5. MAGBILANG— lang beses ka ba niyang tiningnan? Ilang beses mo ba siyang nginitian? Dito mo mage-gauge kung maitataas mo pa ang level ng relasyon ninyong dalawa. Next questions: Ngumingiti ba siya kung tumitingin siya? (Ibig sabihin: “Ang bagal naman nito? Hindi pa ako lapitan.”) Nakasimangot ba siya kung tumitingin ka? (Ibig sabihin: “Ang kapaaaal ng mukha nito? Feeling nito like ko siya.”) May ibinubulong ba siya sa mga kasama niya? (Ok lang kung babae ang kasama niya, pero kung bumubulong ‘yan sa mga kasama niyang lalaki, tumakbo ka na at ipapabugbog ka na niyan.)

6. MAGLAKAD— … papalapit sa target girl/boy. Kung ngumiti rin ang babae sa iyo (hindi sa lalaki sa likuran mo ha.)– three or more glances are GOOD– ito na ang senyales na binibigyan ka niya ng permiso na makipagkilala. Lumapit ka at maglakad nang diretso, show confidence. Keep smiling. Keep your eyes looking straight at her eyes habang iniiwasan mong madapa, mabunggo ang ibang tao o lamesa or worse, maluha ang mga mata mo sa kakatitig. Pwede namang kumurap.

7. MAGSALITA—Tumigil ka half-an-arms length (28.2 cm—yes, I measured it) from her. Dapat nakangiti ka pa rin at hindi tumutulo ang laway mo dahil ngawit ka na sa kakangiti. Kung may laway ka, punasan mo muna. Pagkatapos, ito na ang perpektong pagkakataon para sabihin ang magic words (a) In Tagalog: “Hi, ako si…” (b) In English: “Hi, I’m…” or (c) Just mention your name: “Procopio Halibaybay…” habang iniaabot mo ang iyong kanang kamay para makipagkamay. DAPAT kang makipagkamay! Touching her hand is FIRST BASE.

Kung hindi mo alam ang sasabihin, CLICK THIS.

The rest is up to you, Valentino (or Valentina– ke may ahas ka sa buhok o wala).

WARNING: Never say, “Pwede bang makipagkilala…” dahil ‘pag sumagot yan nang “HiNdE!” sayang ang effort mo na magpa pa-cute at sinayang mo lang ang oras ko sa pagta-type nito.

( pick-up cartoon from… )

Hunyo 21, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 4 mga puna.

Noong Unang Panahon…

carabao

KUNG sino man ang nagsulat nito (definitely NOT ME. It was sent via email), salamat nang malaki at naipaalala niya kung ano ‘yung mga bagay na nami-miss naming medyo “mature” na at kung ano ang nami-miss ng mga bata ngayon. Totoo nga mahirap ibalik ang nakaraan pero pwede namang balik-balikan.

Noong unang panahon…

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan.

Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang.

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon.

Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a.

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana.

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams.

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak…

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, “sketeng” (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo.

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas – suot mo pa rin.

Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob…

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.

Noong wala pang mga drugs at malls.

Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.

Tayo noon…

Doon …

Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan.

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa  “Mga Aninong Gumagalaw”

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator.

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama.

Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae.

Inaasbaran ng mga suberbiyo.

Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan.

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?

“‘Susmaryosep” ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata…

“Estigo santo” kapag nagmamano.

Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa “berdugo” at sa “kapre”.

Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

‘Yung crush mo?

‘Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?

Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel.

Kung gusto mo naman – pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat.

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin…

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog.

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

Lipstick mo ay papel de hapon.

Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit.

Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…

May mga program kapag Lunes sa paaralan.

May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na ‘yon…

Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang inaalaala iyon…

‘Di ba noon…

Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “Sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “Sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?”…

Awit muna: “Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten…”

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman.

Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti.

Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa.

Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

‘Yung matatandang kapatid ang pinakaayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

‘Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.

Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa

KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay…
MATANDA ka na rin! He he he!

Pero kung hindi ka maka-relate, tanungin mo lolo, lola, tatay, nanay mga tiyuhin at tiyahin mo at siguradong mapapangiti rin sila.

more reminiscing…

(photo from pbiongriffin)

Hunyo 20, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 26 mga puna.

Bagong Pahina »