Mahirap MABUHAY ‘pag WALANG CABLE

american-idol

(Ely M.) Bago ako nag-abroad I was an idiot to think na pare-pareho ang palabas sa TV kahit saan ka pang lupalop ng mundo mapadpad—Mali. Kahit naka-cable ka pa, iba’t iba ang programming ng bawat bansa para sa same cable channel. Tailor made ito sa taste ng mga tao sa bansang tinitirhan mo. So, ang mga pelikula sa HBO sa States ay iba sa movies ng HBO Asia (kasama dito ang  ‘Pinas).

Ang bad trip niyan kung wala kang cable sa labas ng Pilipinas—kasi hindi mo ma-afford. Ang mahal nga ng cable service dito sa abroad. At ang pinaka-baddest trip ay kung hindi nag-i-English ang citizens ng bansang kinalulugaran mo. You’ll get the worst kind of “free” shows sa local channel nila.

Nu’ng bagong salta pa lang ako dito sa Indonesia at wala pa kaming cable, wala ni isang English show sa local TV. Lahat ng palabas nagba-Bahasa Indonesia (ito ang tawag sa lenguwahe dito) . Ang Bahasa Indonesia ay parang pinagrambol na Ilokano, Bisaya at Kapangpangan—para ma- imagine n’yo kung papaano ito, ‘eto ang sampol: “Bisa saya ambil uang dengan kartu kredit saya?”

Anudaw?

Can I use my credit card to withdraw money? << in English

Kaya nga tuwing manonood ako ng local TV noon with my roommate, sumasakit ang ulo namin pagkatapos. Hindi ma-comprehend ng utak ko kung anuba ang sinasabi nila?!

Anoooobaaa?!

Like the local news– ang ginagawa namin, binabase na lang namin ‘yung supposedly message ng balita according sa actions nu’ng nagsasalita or ng eksena sa video.

“Ah, nagtatakbuhan… siguro may bombang pinasabog?”

“Hindi nakatawa ‘yung mga tao, e?”

“Artista siguro ‘yang pinagkakaguluhan nila?”

“Ah, presscon?!”

“Ahhhhhh…. Oo, nga.”

“May Biogesic ka pa ba?”

“Teka, ‘eto tubig. Puwede hati tayo?”

(Note all the question marks?)

BUT it doesn’t mean na hindi marunong mag-English ang mga Indonesians sa TV. Slang  pa nga sila mag-English dahil karamihan ng celebrities dito or newscasters for that matter ay lumaki or nag-aral sa isang English speaking country, like Australia and the States. They speak Bahasa Indonesia by choice. So, dahil walang choice ang foreign-gers like us, you have to adapt to this kinda system.

On my second week sa bansang ito noong 2006, may isang gabi na hindi ako makatulog. Dahil hindi pa nga ako nakaka-adapt sa pamumuhay, binuksan ko ang TV. Mga 1 am na yata ‘yun.

At parang milagro – sa isang local channel—ipinapalabas ang Season 5 ng…

American Idol—AI…!!!

Hindi ito translated in Bahasa Indonesia… wala itong subtitles in Bahasa Indonesia.

Nagsasalita ang mga tao sa TV— IN ENGLUSH!

Nakita ko muli sina Simon Cowell, Randy Jackson at Paula Abdul na nagpapaiyak ng isang contestant na walang karapatang kumanta using their “destructive” criticisms.

Natuwa ako… at unti-unting tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.

Before I knew it, umiiyak na ako.

Ang dami kong naalala.

Favorite kasi namin itong panoorin sa cable TV namin sa ‘Pinas bago ako nag-aboard.

So, habang nanonood ako at umiiyak… kumakanta ang mga contestants ng kani-kanilang “Stevie Wonder” themed songs.

Naalala ko ‘yung mga kasama kong nanonood ng AI mula pa nu’ng unang ipalabas ito sa Star World channel sa Pilipinas.

‘Yung mga kumpare kong mahihilig sa karaoke na it follows (in our case) mahihilig din sa AI.

‘Yung mga dati kong kaopisina na laging idini-discuss over lunchbreak  kung bakit natsugi at nag-move on ang isang contestant.

‘Yung mga kapitbahay naming nakikinood dahil wala silang cable or pinutol na ng Sky Cable ‘yung tapped nilang linya.

‘Yung mga tawanan at alaskahan sa harap ng TV.

At ‘yung pamilya ko na naiwan sa Pinas.

Haaay nako.

Hindi ka ba naman iiyak niyan?

After the show I realized, hindi naman talaga ‘yung English language ang nami-miss ng mga tulad kong OFW na nakadestino sa isang non-English speaking country kundi ‘yung mga bagay na isinakripisyo naming huwag munang makita at marinig para lang mapaunlad ng konti ang buhay.

In some cases, like this one, kasama nga ang mga pamilyar na lengguwahe sa mga hindi mo muna maririnig.

Believe it or not, it took me nine months bago ulit nakapanood ng American Idol dito sa Indonesia.

Nu’ng finally nagka-cable na kami.

Sa awa ng Diyos.

 (photofrom: mediadecoder.blogs.com)

Agosto 12, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot.

5 mga puna

  1. jason replied:

    Congrats!!!

    kasi kala ko habambuhay ka na dyang mag aadapt ng bahasa, buti na lng at may AI no? hehehehe

    gaano ba kamahal cable dyan??

  2. hitokirihoshi replied:

    hindi pa naman ako nakakapag-abroad pero sa pamilya namin halos lahat nakapagtrabaho sa ibang bansa. at parang ganyan din ang kanilang sentimiento na nami-miss nila ang ganito at ganyan. at kapag umuwi ng Pinas, yung mga pagkaing atin talaga ang nilalantakan. naalala ko yung ate ko, na kada kausap sa anak niya ay umiiyak.

    pero mabuti na lang din at may cable na kayo. iba pa ri yung may saya at connection ( kahit papapano) na sa-satisfy sa iyong taste. mabuhay po!

  3. frenchy replied:

    hitokirihoshi<< oo nga. buti na rin kesa wala. buti na rin at may wordpress– nakakapagtsismisan pa rin tayong mga noy-pi. HAY-mabu! HAY-mabu rin sa ate mo! HAY-mabu lahat ng O-ep-dobol-yu! Yahuu! << nabaliw na ko.

  4. frenchy replied:

    pareng jason<< magkano ba 'ka mo? in pesos– mga 1300 more or less a month. basic service lang 'yan ha. meaning wala pa kaming hbo at star movies. darnnnit.

  5. Patricio replied:

    Waaa kakaiyak nga! Di ko pa natry lumabas ng bansa pero sa sinulat naramdaman ko lahat ng sinasabi mo! babalik pa ko dito to read.

    Paadd naman sa link mo. Thanks!

Mag-iwan ng puna

Trackback URI