‘Di ba ‘pag “PHILIPPINE” dapat PILIPINO?

Blog Awards

(visualfrompinoydoglover.com)

(ni Ely M.) ANG katagang “Philippine” sa Tagalog ay katumbas ng katagang “Pilipinas”.

Sa Pilipinas pinakamarami ay ‘yung nagta-Tagalog, kaya ‘pag sinabing–salita ng “Pilipino” – Tagalog ang ibig sabihin niyan.

Kahit sa abroad ‘pag sinabi nilang “Oh, you’re Filipino—you speak TahGAlogk!”

Karamihan din kasi sa mga Pilipino o Filipino (pagsamahin na natin: F/Pilipino) sa pagkakaalala ko, nagkakaintindihan lang sa salitang Tagalog kahit na saan pang probinsiya ang pinanggalingan nila.

Eklat lang kadalasan ‘yung “You know, I speak in English because my Tagalog is not good.”

Ganu’n din ‘yung iba ‘pag nagsusulat:  “You know, I write in English because my Filipino is not good.”

Yeh,  yur PILIPINO is not good, but who kers?

Nag-isip ako—meron bang nagba-Blog in Fee-lee-pee-know “because their F/Pilipino is good”?

Hinanap ko ang pinakamagagaling na Pinoy Blogs sa Internet.

Kaya nag-Google ako. Tinayp ko: Best Pinoy Blogs…or Best Pilipino Blogs… or Best Filipino Blogs

Pinindot ko ‘yang lahat… isa-isa.

(Wala kasi akong magawa.)

Nadismaya ako.

Wala ni isang best site na nagpi-Pilipino.

Wala ni isang best site na nagta-Tagalog.

Ang huli kong pag-asa:

“The 2009 Philippine Blog Awards.”

Ito raw ang listahan ng pinakamagagaling na F/Pilipino Bloggers sa Pilipinas at sa ibang bansa!!!

‘ETO ang listahan ng mga nanalo.

Pinuntahan ko lahat ng site ng winners.

Magagaling silang lahat–  walang argumento riyan.

Ang mas nadismaya ako…

Bukod sa tuyongtintangbolpen.blogspot.com…  (nanalo ng “Best Post”)

Lahat ng winners hindi nagpi-F/Pilipino.

Lahat  ng winners hindi nagta-Tagalog.

Parang may mali.

Sa dinami-rami ng F/Pilipino bloggers na pagpipilian sa bawat sulok ng mundo na may Pinoy

… isa lang ang nakalusot?!

Para sa akin ngayon, si bolpen ang “Best Blogger of the Philippines.”

Tunay na Pilipino na nagta-Tagalog… nagpi-Filipino… nagpi-Pilipino…

(Teka—hindi ko kilala si Tuyong Tinta Ng Bolpen.

Wala rin akong intensyong makipagkilala.

Wala rin akong intensyon sa kontes na ‘to.

Natutuwa lang ako at pinili siya.)

Sana sa susunod—malamang hiling MO rin ito, oo IKAW na nagbabasa ngayon—

 Mas marami sanang blogs na Tagalog – F/ Pilipino ang manalo.

Para mas maging makatotohanan ‘yung katagang “Philippine” na nakasabit sa mga katagang “Blog Awards”

Dahil ang katotohanan…

Pilipino rin lang naman ang TUNAY  na makakaintindi ng mga pinagsusulat natin.

At kahit mag-type pa tayo ng patiwarik habang nagba-blog in English

puro Pinoy pa rin naman ang pabalik-balik na magbabasa ng mga bagay

at kaisipang tungkol sa Pilipinas at pagiging-Pilipino.

Tama ba ‘ko?

Oras na para i-click

ang “Reply”, “Puna” o “Komento”

Advertisements

Oktubre 30, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 5 mga puna.

Bagong QUALIFICATIONS for PRESIDENTIAL candidates

presidentiables ryanericsongcanlas

(by Ely M.) ANO ba ang kuwalipikasyon para mag-presidente ng Pilipinas?

According sa konstitusyon natin:

“In order to serve as the President of the Philippines one must be…

“A Filipino citizen by birth

“Able to read and write

“A registered voter

“A resident of the Philippines 10 years prior to the elections

“At least 40 years of age.”

Kaya pala ang mga batang musmos noon, ‘pag tinatanong sila

“Ano’ng gusto mong maging paglaki mo?

Sagot nila kadalasan: “Gusto kong maging presidente ng Pilipinas!”

Eh, kasi, madali lang talaga.

Pagkapanganak mo pa lang, qualified ka na sa Criteria Number 1.

Magtapos ka lang ng grade three, qualified ka na sa Criteria Number 2.

Bago matapos ang pagka-teenager mo, parehistro ka lang sa COMELEC, qualified ka na sa Criteria Number 3.

‘Wag ka lang mag-ambisyon na mag-abroad, qualified ka na sa Criteria Number 4.

At tumambay ka lang sa kanto hanggang tumanda ka, qualified ka na sa Criteria Number 5.

Kadali, ‘di ba?

Pero sa takbo ng situwayon ngayon dapat na yatang baguhin ang limang criteria na ito.

‘Eto na dapat:

“In order to serve as the President of the Philippines one…

“Must be a political clan member by birth or by ambition

“Must be able to hire  family members or family friends to read and write on his/her behalf

“Must be able to pay 200 to 500 pesos per registered voter to win.”

“Must return to the Philippines after spending half-a-lifetime abroad as a double-citizenship cardholder 10 years prior to the elections. Must also be able to flee to his/her mansions abroad during worst case scenarios.

“Must be a self-righteous, self-centered, stubborn adult who’s quite familiar with menopause, mid-life crises and showbusiness.

“And must be able to break Philippine laws and get away with it.”

 (photo from ryanericsongcanlas)

Oktubre 23, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 2 mga puna.

How Will You Remember MICHAEL JACKSON?

michael-jackson1

(LJI)

LOVE him or hate him, he’s definitely led one very interesting life.

I just need to ask you this question:

If you think there are other words to describe MJ, feel free to comment.

Hunyo 28, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 4 mga puna.

P35 Lang ang Sweldo ng Isang Senador?!!

HINDI ako ang nagsulat nito.

Galing ito sa isang kaibigan ng kapitbahay ng pinsan ng kinakapatid ng katulong ng isang manunulat pampulitika. Sa sobrang dami ng pinagpasahan, nakalimutan na nga ang pangalan ang author. Eniwey, ang mensahe naman ang mas mahalaga. Ire-relay ko na lang nang buo.

At sabay-sabay tayong magmura sa ending.

telembang

MAGANDA rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Sa isang episode ng Correspondents sa ABS-CBN sabi ni Senator Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na ang

P35,000 suweldo nila monthly ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador.

Ang totoo, kada buwan ay may

P2 Milyon Fixed Monthly Budget (meaning: panggastos) ang bawat Senador.

Para sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang na

P500,000 ang budget nila for Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at

P500,000 para sa Staff at Personal expenses (personal use, ‘eka nga). Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Kadalasan mga kamag-anak din nila ito. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employees?

Bukod diyan, may

P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel (biyaheng abroad for whatever dahil madali namang gumawa ng dahilan). At ang masakit pa nito, hindi na kailangang i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement. Meaning OK lang kahit walang resibo.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mga Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng isang Senador na humigit-kumulang

 P1 Milyon din! — ahehe! Nadudoble ‘ika nga ‘pag chairman ka.

Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There’s food for everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

P200 milyon ang Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S..O.P. o kita ng Senador na

P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng

P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 – 30% ang komisyon ang hinihingi sa mga kontratista. Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming palpak proyekto ang gobyerno. Naibibigay kasi lagi ang kontrata sa pinakabobong kontraktor na pinakamalaking maglagay.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan?

Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! ! ! ”

PLEASE COPY AND FORWARD to as many of your friends and let the whole country know na sa mga KUPAL lang napupunta ‘yung mga tax na kinakaltas sa suweldo natin tuwing kinsenas at katapusan.

Haaay, nako.

(telembangfrom)

Hunyo 18, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 6 mga puna.