STRIP DART



NAALALA KO minsang nag-iinuman kami ng tropa at batung-bato na sa mga kuwentuhang paulit-ulit lang ang topic — may nag-suggest na maglaro kami ng kakaibang laro:

 STRIP DART.

 Simple lang ang rules na on-the-spot lang pinagkasunduan ng lahat:

  1. Iinom muna ng isang basong beer ang taong titira sa dart board.
  2. Tapos, babato ng tig-dalawang darts.
  3. Ia-add ang total points ng dalawang throws.
  4. One turn bawat player.
  5. Ang pinakamababang score pagkatapos ng isang round ng batuhan ay dapat mag-aalis ng isang saplot na nakasuot sa katawan.

Ala-una ito ng madaling araw. Nasa labas kami ng isang bahay. Sa isang garahe sa tabi ng kalyeng madalas daanan ng mga tao. Dahil puro lasing na, walang paki na pumayag ang lahat. Mga walo kaming tipsy na kasali sa ka-istupiduhang ito.

 Unang round: Unang bato ng darts, ‘yung mga mababa ang score, nagtanggalan na ng relo, singsing, kuwintas, cellphone at sapatos. Easy.  Umalingawngaw ang tawanan at alaskahan sa katahimikan ng gabing iyun.

 Round two: Next na inalis ng mga natalo ay t-shirts, medyas, sinturon. Ang tawanan ang napalitan ng halakhak.

 Pangatlong round: Titira na ang unang biktima na may pinakamababang iskor. Delikado ang lagay niya dahil halos hubad na siya at nakapantalon na lang– kaya ‘pag mababa ulit ang score niya, pantalon na ang susunod na matatanggal. Tawanan sa excitement ang mga naghihintay sa tira niya. Inalaska na siya nang todo.

At mahirap nga ang maging bobo sa dart.

Pagtapos ng round na ‘yun, siya na naman ang pinakamababa ang puntos. Lagot.

“Hubad naaaa! Hahaha!” sigawan ang lahat ng may mataas na iskor. Parang naging beerhouse na may illegal boldshow ang garahe.

 Susunod kaya si Low Scorer sa pinagkasunduan? Sa kanya nakasalalay ang tagumpay ng palaro. Kung aayaw siya, siguradong wala nang maghuhubad na susunod.

 Ang kanyang last words: “’Ta**-ina n’yo– ‘pag hindi kayo sumunod, yari kayo sa akin!”  sabay hubad ng kanyang kupas na jeans.

Halakhakan ang lahat sa pagkagulat!

Sumunod sa pinagkasunduan ang loko! Tahulan din ang mga aso sa labas na parang nakikitawa dahil sa hitsura ng kawawang talunan: Maluwag ang brief niya,  tabatchoy, mabalahibo na parang pinaghalong Al Tantay at Apeng Daldal ang dating.

Round four and five: Ewan kung dahil ba sa sobrang alcohol, lahat ay wiling-wili na naghuhubaran. Naka-underwear na lang ang players by this time.

Maginaw na ang hangin. Nanginginig na ang ilan sa lamig pero tawanan pa rin. Alaskahan tungkol sa mga bilbil sa tiyan, mga hindi pantay-pantay na kulay ng balat dahil sa sinag ng araw, mga nakatagong galis at mga parte ng katawang maraming balahibo kahit hindi dapat.

 Round six: May taong sumisigaw sa gate! “Tao poooo! Tao poooo!”

 Si Mang Cando, isa sa  pinakarespetadong lasenggo ng baranggay. Pagkatapos niyang mag-“Tao Po” bigla na lang siyang pumasok  sa gate gaya nang nakagawian niya tuwing naghahanap siya ng libreng alak.

Akala ni Mang Cando mga kumpare niya ‘yung mga nag-iinuman. Tatagay sana siya.

Napatigil si Mang Cando. Napatigil din kami.

Nagkatitigan ang lahat at nagtatanong sa isip: “Paano na?”

Nanlaki ang mga mata ni Mang Cando sa nakita niya.

Hindi na kami nakapag-damit.

Apat  na naka-brief.

At dalawang labas ang pwet.

Mga machong-lasing na nakangiti at nakatingin kay Mang Cando.

Hubad.

Puro kami lalaki.

“YAAAAAAAHHHHH!!!” nagsisigaw siyang tumakbo palabas ng gate.

 “Pu****-ina! Mga bakla! BAKLAAA!!! Patawarin kayooo!!!”

Malayo na siya dinig pa rin naming lahat ang kanyang takot na takot na pagsigaw.

 Nabalitaan namin, mula noong gabing ‘yun, hindi na muling uminom ng alak si Mang Cando.

 Hindi na rin kami … nag-darts.

Pero tuwing nakakasalubong namin si Mang Cando,

kinikindatan namin siya.

 Sabay tawa.

(LjI0508)

Pebrero 11, 2011. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Unang LIBRO.

Mga Puna

  1. f replied:

    hanep…hihihi

  2. erhu ianyce replied:

    ahaha nice trippings gusto ko mang gawin yan hindi naman ako pala inom ng alak at hindi din ganun kaganda ang hubog ng aking anatomy kaya pass nalang muna! natawa akong kay mang cando pucha lol napagbago nyo sya sa isang gabi lang! great job ahe…😛

  3. scannedthoughts replied:

    hehehe. good boy ka pala erhu.
    kung hindi ka pa umiinom, don’t start.
    i’m sure you’ll like it…. thanks sa pagbabasa.

  4. yahjme05 replied:

    hahahaha… c mang cando may pagka malisyoso ..lolz. ang sarap nyang kindatan..hahahaa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: