Shi’ite at Sunni at ang Gulo sa Iraq

Shia-vs-Sunni-23wrq54-TIME

Noong 632 A.D. after mawala at mag-“ascend” ni Prophet Muhammad (founder ng Islam), naghanap ang mga orihinal na mga miyembro ng Islam kung sino ang papalit nilang leader. Kaso walang anak na lalaki si Muhammad at wala rin siyang sinabi kung sino ang gusto niyang kapalit.

So, sabi ng isang grupo, ‘yung pinsan at bayaw ni Muhammad na si ALI ang dapat pumalit dahil magkadugo sila. Ang tawag sa mga supporters ni Ali ay “Shiat Ali” (“Shiat” meaning “followers” or Shi’ite for short—pronounced as “Shi-ayt”).

Hussein ibn Ali

Sabi naman ng kabilang grupo (ang Sunni), ang father-in-law ni Muhammad ang dapat pumalit, si ABU BAKR, dahil mas nakatatanda ito at iginagalang ng lahat. At dahil mas maraming supporters si Abu Bakr, siya ang napili na pumalit as leader of the Muslims (The First Caliph).

abu bakr

For 48 years ang karamihan ng naging pinuno ng mga Muslims sa Middle East ay mga Sunni na kakampi ni Abu Bakr. Kaso ayon sa ilang historians, kinalaunan, naging corrupt at malulupit silang leaders, lalo na sa pagtrato sa mga Shi’ite.

Nu’ng hindi na makatiis ang Shi’ite sa pang-aapi ng Sunni leaders, bumuo ng isang puwersa ang anak ni Ali—si HUSSEIN–para labanan ang corrupt at malupit na Sunni leaders. Ngunit dahil mas nakararami ang puwersa ng mga Sunni, na-massacre ang grupo ni Hussein, kasama ang buo nilang pamilya.

Saan nangyari ang massacre na ito? Sa Karbalah, sa Iraq mismo.

the_king_of_karbala_by_hoorein-d5rl7bp

After ng labanang ito, nagkagulo na talaga. Dito na nagsimula ang totoong “schism” (paghahati) ng relihiyong Islam sa dalawang malaking grupo.

Feeling ng mga Shi’ite, naging “martyr” si Hussein na nakipaglaban para sa kanilang relihiyon. Kailangan ngayong maghiganti ng mga Shiite sa mga “corrupt” na Sunni para sa pagma-massacre kay Hussein at sa pamilya nito. Ang turo sa mga Shi’ite, ‘pag nagsakripisyo kayo for Islam/Hussein, “you will be rewarded in Heaven with 72 virgins”. Taun-taon, nire-reenact ng mga Shi’ite around the world  ang pagkamatay ni Hussein sa kamay ng mga Sunni, na tinatawag nilang “Ashura” (parang penitensiya tuwing Mahal na Araw sa ‘Pinas).

Ashura

Fast-forward by a thousand years or so… si Saddam Hussein (leader noon ng Iraq) ay isang Sunni Muslim. Nu’ng siya ang leader, pinahirapan naman niya ang mga Shi’ite (see link).

Saddam-Hussein

Nu’ng 2003 nang sinakop ng US ang Iraq, ang pinili nilang leader na susuportahan ay si Nouri al-Maliki na isa namang Shi’ite Muslim. Tinanggal lahat ni al-Maliki ang mga Sunni sa gobyerno at mas pinaboran ang mga kapwa niya Shi’ites.

al-Maliki

Siyempre, nagalit ang mga Iraqi-Sunni dahil dito, at nangakong ibabagsak ang gobyerno ni al-Maliki na para sa kanila ay corrupt at mapagsamantala.

December 2011, umalis na halos lahat ng US Forces sa Iraq at ipinaubaya na sa gobyerno ni al-Maliki ang seguridad ng bansa. Mula noon, tumaas ang insidente ng enkuwentro sa pagitan ng mga Iraqi-Sunni at Iraqi-Shi’ite.

US pullout 2

Ang ISIS (Islamic State of Iraq and al-Sham), na lumusob sa Iraq ngayon ay binubuo ng mga Sunni fighters na dating miyembro ng al-Qaeda sa Iraq. Tinalo sila ng US Army kaya lumipat sila sa Syria at nakipaglaban versus the leader of Syria na si Bassar al-Assad (isang Alawite, Muslim group na hindi rin kasundo ng Sunnis). Gusto nilang magtayo ng isang Islamic State  na magpapatupad ng malupit na Sharia Law, gaya ng Taliban sa Afghanistan noon.

isis

So, balik na naman ang Iraq sa isang labanang nagsimula pa noong unang panahon: ISIS na Sunni Muslims versus the Iraqi government na binubuo ng Shi’ite.

Ito ang mas interesting: ang Iran na may Shi’ite government din (kagaya ng Iraqi government) ay nangakong magpapadala ng army sa para tulungan ang Iraqi government (see link). At hindi lang sa Iraq nangyayari ang paghahating ito (see map below):

gif sunni-shiite

Kung ikaw si Barack Obama, sasali ka pa ba ulit sa gulong ito na isang libong taon nang nagaganap? Sagot ni Barack.

counselor_marriage_sunni_shia_1069605

NOTE: Paano malalaman kung ang isang Muslim ay Sunni or Shi’ite?

Ang Sunni ‘pag nagdarasal, naka-cross ang mga braso (folded arms) or magkahawak ang dalawang palad.

Ang Shi’ite ‘pag nagdarasal, nakababa ang braso sa side ng katawan (arms at the side).

Shia-Sunni-tolerance-and-unity-meme

It would be a perfect world if they could just get along.

 

(For you, Brother M., I hope this information helps).

Main sources:

http://content.time.com/time/world/article/0,8599,1924116,00.html

http://www.vox.com/2014/6/13/5803712/11-things-iraq-crisis-isis

 

 

Hunyo 14, 2014. ALAM ba News?.

Mag-iwan ng Puna

Be the first to comment!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: