LOVE LETTER

Dear Koya,

IT was jazz an ordinary day. The skies were clear, the birds were chipping. Ang ganda-ganda ng araw! Nasa SM ako noon at katatapos ko lang mamili ng groceries. Timing naman nasa foodcore si Angel Locsin, nagpro-provoke ng movie nya. Grabe, andaming fans, pull-packed talaga! Dahil fans nya rin ako, nakipila na rin ako. Then suddenly, out of the loo, may bumulong sa akin ng :

 “Indaaayyyyy….”

 Huh? It sounded like a familiar sound. Who can it be now? “Dodong!” sigaw ko. Napalakas yata voice ko. Kasi the other fans turned their backs to their behind at napatingin sa amin. Sabi ko “Sorry, I didn’t mean to be loud and proud.” Hinawakan na lang ni Dodong ang kamay ko at lumayo kami from the crowd. 

 “Kamusta na Inday? Do you come here open?” tanong nya.

“Bihira lang, Dodong. I’m just droppings by. Ethnic ang schedule ko eh” sabi ko. Memories came flushing in my mind. How can I forget to remember Dodong? Siya na may mata ni Piolo, dimple ni Aga, at bigote ni Rex Cortez. He’s every woman’s dreamboat. I was just starting my tour of duty kay ate noon nang unang makilala ko si Dodong. Contraction worker siya sa ginagawang bahay sa tapat namin. Naging kami for a while then after that were not an item anymore.

“Tanghali na Inday. What did you say we have lunch together?” tanong ni Dodong. “I don’t mine,” sagot ko.

Sa restaurant, nilapitan kaagad kami ng waiter. “What’s your odor sir?” sabi nung waiter kay Dodong. “Do you have porkshop?” tanong ni Dodong. “Yes sir” sabi nito. “Our porkshop with a resistance to the teeth of boast of our chef. Domestic careful selection of pork with little fat of female liking is used. The exquisite cooking which repeated trial and error and was completed. It also has healthy vegetables with salad feeling fully,” dagdag pa niya.

“And you mam?” sabay tingin naman sa akin. Hmmm.. Mukhang masarap yung porkshop. Pero I’m cutting down on my carbon kaya pinigilan ko. “I’ll just have water, thanks. Liquidate diet ako eh,” sagot ko. 

Pagkatapos kumain, nagyaya si Dodong manood ng sine. Teka teka, this is going too far. Besides, it’s a long, long, way to run. “Reality chess, Dodong. May asawa na ako, si Jay. As a mother of fact, I’m happily married” pagmamalaki ko. “Di na pwede yung tulad ng dati. Sorry pero I didn’t expect you still have more feelings than I expected. I don’t want you getting the way. Past is fast. Therefore, cause and defect.” dagdag ko pa. Tumahimik sya. Parang may language barrel na namagitan sa amin. The seconds that passed seemed like fraternity. Di nagla-on, nagsalita na rin sya.

“I don’t care less!” sigaw ni Dodong.

Shocks, give me a brake! The nerd ng taong ito para sigawan ako! To think it’s his other woman that caused our separation to part. Kinabahan na ako. I felt speedbumps all over my body and was having panic attach. Tinalikuran ko siya at nagmadali akong lumakad palayo. Pero sumunod pa rin siya like a monkey on my butt. Hanggang sa makakita ako ng security guard. Biglang nawala si Dodong. “Excuse me kuya, pwedeng magtanong?” sabi ko sa mamang guard. “Of course miss, I can help you with my pleasure.” sagot niya. “Saan po ba ang exit? Could you point me to the right erection? I got lost in my eyes.” “Diretso lang.”sabi niya. “Then turn right anytime with care.” “Thanks for your corporation” sabi ko. Buti na lang nandun si kuya. Pero saglit lang, I smell something peachy. As I turned, nakita ko na namang nakasunod si Dodong! Delaying static lang pala kanina ang pag-disappear nya. “Nyahahaha! You can run but you can hide, Inday. No matter where you go, there you are!” pananakot nya.

Oh no, is this the end? This is too much, I feel degradable. My world started falling afar. Then suddenly, Jay come from behind! Dodong was caught to the act! In the matter of minute, it’s all over. I’m out of arm’s way. “Thanks Jay, my love. But how did you.?” bago pa man ako matapos, sabi niya “I was in the neighborhood. Fans din ako ni Angel eh. I heard you shout but at first I didn’t give it a thought. Pero nang makita ko kayong magkahawak ng holding hands, then I give it a thought. I know something is a missed.” 

Prom then on, Dodong did not brother me again. In fact, he didn’t even sister me. As in platonic at wala na talaga. Pero kami ni Jay, heto, shoot sailing pa rin ang relationship. Lalo pa ngayon, open na kami sa isa’t isa at walang exhibitions.

I feel I’m on cloud line. 

Same to you,

INDY

Advertisements

Setyembre 13, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 6 mga puna.

Mahirap MABUHAY ‘pag WALANG CABLE

american-idol

(Ely M.) Bago ako nag-abroad I was an idiot to think na pare-pareho ang palabas sa TV kahit saan ka pang lupalop ng mundo mapadpad—Mali. Kahit naka-cable ka pa, iba’t iba ang programming ng bawat bansa para sa same cable channel. Tailor made ito sa taste ng mga tao sa bansang tinitirhan mo. So, ang mga pelikula sa HBO sa States ay iba sa movies ng HBO Asia (kasama dito ang  ‘Pinas).

Ang bad trip niyan kung wala kang cable sa labas ng Pilipinas—kasi hindi mo ma-afford. Ang mahal nga ng cable service dito sa abroad. At ang pinaka-baddest trip ay kung hindi nag-i-English ang citizens ng bansang kinalulugaran mo. You’ll get the worst kind of “free” shows sa local channel nila.

Nu’ng bagong salta pa lang ako dito sa Indonesia at wala pa kaming cable, wala ni isang English show sa local TV. Lahat ng palabas nagba-Bahasa Indonesia (ito ang tawag sa lenguwahe dito) . Ang Bahasa Indonesia ay parang pinagrambol na Ilokano, Bisaya at Kapangpangan—para ma- imagine n’yo kung papaano ito, ‘eto ang sampol: “Bisa saya ambil uang dengan kartu kredit saya?”

Anudaw?

Can I use my credit card to withdraw money? << in English

Kaya nga tuwing manonood ako ng local TV noon with my roommate, sumasakit ang ulo namin pagkatapos. Hindi ma-comprehend ng utak ko kung anuba ang sinasabi nila?!

Anoooobaaa?!

Like the local news– ang ginagawa namin, binabase na lang namin ‘yung supposedly message ng balita according sa actions nu’ng nagsasalita or ng eksena sa video.

“Ah, nagtatakbuhan… siguro may bombang pinasabog?”

“Hindi nakatawa ‘yung mga tao, e?”

“Artista siguro ‘yang pinagkakaguluhan nila?”

“Ah, presscon?!”

“Ahhhhhh…. Oo, nga.”

“May Biogesic ka pa ba?”

“Teka, ‘eto tubig. Puwede hati tayo?”

(Note all the question marks?)

BUT it doesn’t mean na hindi marunong mag-English ang mga Indonesians sa TV. Slang  pa nga sila mag-English dahil karamihan ng celebrities dito or newscasters for that matter ay lumaki or nag-aral sa isang English speaking country, like Australia and the States. They speak Bahasa Indonesia by choice. So, dahil walang choice ang foreign-gers like us, you have to adapt to this kinda system.

On my second week sa bansang ito noong 2006, may isang gabi na hindi ako makatulog. Dahil hindi pa nga ako nakaka-adapt sa pamumuhay, binuksan ko ang TV. Mga 1 am na yata ‘yun.

At parang milagro – sa isang local channel—ipinapalabas ang Season 5 ng…

American Idol—AI…!!!

Hindi ito translated in Bahasa Indonesia… wala itong subtitles in Bahasa Indonesia.

Nagsasalita ang mga tao sa TV— IN ENGLUSH!

Nakita ko muli sina Simon Cowell, Randy Jackson at Paula Abdul na nagpapaiyak ng isang contestant na walang karapatang kumanta using their “destructive” criticisms.

Natuwa ako… at unti-unting tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.

Before I knew it, umiiyak na ako.

Ang dami kong naalala.

Favorite kasi namin itong panoorin sa cable TV namin sa ‘Pinas bago ako nag-aboard.

So, habang nanonood ako at umiiyak… kumakanta ang mga contestants ng kani-kanilang “Stevie Wonder” themed songs.

Naalala ko ‘yung mga kasama kong nanonood ng AI mula pa nu’ng unang ipalabas ito sa Star World channel sa Pilipinas.

‘Yung mga kumpare kong mahihilig sa karaoke na it follows (in our case) mahihilig din sa AI.

‘Yung mga dati kong kaopisina na laging idini-discuss over lunchbreak  kung bakit natsugi at nag-move on ang isang contestant.

‘Yung mga kapitbahay naming nakikinood dahil wala silang cable or pinutol na ng Sky Cable ‘yung tapped nilang linya.

‘Yung mga tawanan at alaskahan sa harap ng TV.

At ‘yung pamilya ko na naiwan sa Pinas.

Haaay nako.

Hindi ka ba naman iiyak niyan?

After the show I realized, hindi naman talaga ‘yung English language ang nami-miss ng mga tulad kong OFW na nakadestino sa isang non-English speaking country kundi ‘yung mga bagay na isinakripisyo naming huwag munang makita at marinig para lang mapaunlad ng konti ang buhay.

In some cases, like this one, kasama nga ang mga pamilyar na lengguwahe sa mga hindi mo muna maririnig.

Believe it or not, it took me nine months bago ulit nakapanood ng American Idol dito sa Indonesia.

Nu’ng finally nagka-cable na kami.

Sa awa ng Diyos.

 (photofrom: mediadecoder.blogs.com)

Agosto 12, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 5 mga puna.