Growing Up with ROBOTS

BEFORE Megan Fox and the Transformers, there were the Mecha Robots from Japan. The seeds of this cartoon genre was planted in 1977 when manga artist Go Nagai created Mazinger Z.

The anime version was shown in Japan from 1972 to 1974. After its local run, it steadily spread throughout Asia (1979) and Europe (1980) and finally, the USA (1985) as “Tranzor Z”.

In the Philippines, we were quite ahead af the West in our exposure to Japanese anime. The Mecha Robots, a different one everyday, was shown every afternoon in GMA-7 right after coming home from grade school’s afternoon session (the “pang-hapon”); just before the top-rated soap opera “Ana Lisa” (with its Roberta Flack theme “If Ever I See You Again“).

 Here’s every Filipino child’s TV schedule in 1979:

MONDAY: Daimos

TUESDAY: Mazinger Z

WEDNESDAY: Mekanda Robot

THURSDAY: UFO Grendaizer

FRIDAY: Voltes V

In September 1980, then President Ferdinand Marcos removed them from TV for “excessive violence”.

In the streets,  Martial Law was raging.

Just maybe, he thought “excessive violence” in real life was enough.

(LJI)

Mayo 21, 2011. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 2 mga puna.

Noong Unang Panahon Part 3

photo: Leon B. Dista

I FOUND one more post about the good ol’ days credited to some anonymous netizen called “Oldie” whose sentimentality touched the hearts of even the ’80s and ’90s Generation. Based on this website it was first posted on 11 February 2007 titled “Born in the ’40s, ’50s, ’60s, ’70s?” before getting popular in the email circuit. Somebody (obviously a Filipino) later changed it’s western context and adapted it to the lifestyle of a Pinoy-kid in the ’70s and ’80s.

Here’s “Noong Unang Panahon Part 3”:

“First, some of us survived being born to mothers who did not have an OB-Gyne and drank San Miguel Beer while they carried us. While pregnant, they took cold or cough medicine, ate isaw, and didn’t worry about diabetes.

“Then after all that trauma, our baby cribs were made of hard wood covered with lead-based paints, pati na yung walker natin, matigas na kahoy din at wala pang gulong. We had no soft cushy cribs that play music, no disposable diapers (lampin lang at ‘pardible’ o safety pins).

“When we rode our bikes, we had no helmets, no kneepads , sometimes wala pang preno yung bisikleta.

“As children, we would ride in hot un-airconditioned buses with wooden seats (yung JD bus na pula), or cars with no airconditioning & no seat belts (ngayon lahat may aircon na).

“Riding on the back of a carabao on a breezy summer day was considered a treat. Ngayon hindi na nakakakita ng kalabaw ang mga bata.

“We drank water from the garden hose and NOT from a bottle purchased from 7-11 (minsan straight from the faucet or poso). We shared one soft drink bottle with four of our friends, and NO ONE actually died from his. Or contacted hepatitis. We ate rice with star margarine, drank raw eggs straight from the shell, and drank sofdrinks with real sugar in it (hindi diet coke), but we weren’t sick or overweight kasi nga……

“WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!!

“We would leave home in the morning and play all day, and get back when the streetlights came on.

“Sarap mag patintero, tumbang preso , habulan at taguan. No one was able to reach us all day (di uso ang cellphone , walang beepers). And yes, we were O.K.

“We would spend hours building our wooden trolleys (yung bearing ang gulong) or plywood slides out of scraps and then ride down the street , only to find out we forgot the brakes! After hitting the sidewalk or falling into a canal (seweage channel) a few times, we learned to solve the problem ourselves with our bare & dirty hands .

“We did not have Playstations, Nintendo’s, X-boxes, no video games at all, no 100 channels on cable, no DVD movies, no surround stereo, no IPOD’s, no cell phones, no computers, no Internet, no chat rooms, no Facebooks, and no Friendsters. ……

BUT WE HAD REAL FRIENDS and we went outside to actually talk and play with them!

“We fell out of trees, got cut, broke bones and teeth and there were no stupid lawsuits from these accidents. The only rubbing we get is from our friends with the words..’Masakit ba?’ Pero pag galit yung kalaro mo,,,,ang sasabihin sa iyo..’Beh buti nga!’

“We played marbles (jolens) in the dirt , washed our hands just a little and ate dirty ice cream & fish balls. we were not afraid of getting germs in our stomachs.

“We had to live with homemade guns ‘ gawa sa kahoy, tinali ng rubberband , sumpit , tirador at kung ano ano pa na puedeng makasakitan. .Pero masaya pa rin ang lahat.

“We made up games with sticks (syatong ), and cans (tumbang preso) and although we were told they were dangerous, wala naman tayong binulag o napatay. Paminsan minsan may nabubukulan lang.

“We walked, rode bikes, or took tricycles to a friend’s house and knocked on the door or rang the bell, or just yelled for them to jump out the window!

“Mini basketball teams had tryouts and not everyone made the team. Those who didn’t pass had to learn to deal with the disappointment. Wala yang mga childhood depression at damaged self esteem ek-ek na yan. Ang pikon, talo.

“That generation of ours has produced some of the best risk-takers, problem solvers, creative thinkers and successful professionals ever! They are the CEO’s, Engineers, Doctors and Military Generals of today.

“The past 50 years have been an explosion of innovation and new ideas. We had failure, success, and responsibility. We learned from our mistakes the hard way.

“You might want to share this with others who’ve had the luck to grow up as real kids. We were lucky indeed. And if you like, forward it to your kids too, so they will know how brave their parents were.”

More reminiscing…

PHOTO by Leon B. Dista (visit his site!)

Oktubre 2, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 4 mga puna.

BULIMIA and ’80s VIDEOS

 THERE’S this very funny YouTube idea that I’m sure will be copied by Michael V. and the Bubble Gang or be certified as an alternative to self induced vomitting:

Literal Versions of Classic Videos , started by Dusto McNeato of  dustfilms.com and copied by a lot of YouTUBErs, like daSCOTTjr.

HOW TO:
1. Pick the corniest ’80s song (in the first case, Roderick Paulate’s perennial favorite)
2. Turn it into a videoke (mute the singer’s voice)
3. Replace lyrics with exact descriptions of what’s being shown on the video.
4. Laugh your ass off– while vomitting.
5. Click SAMPLES below. 

Creepy RICK ASTLEY

A-HA! ha! ha! ha!

Lack of AIR SUPPLY

I can’t believe WE loved listening to this crap back in the day.

Considered today as CLASSIC CRAP.

Time to regurgitate.

photograb: http://www.inquisitr.com/33540/it-will-never-stop-rick-astley-vs-nine-inch-nails/video:

Marso 25, 2010. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel, WTF is GRAMMAR?!. 4 mga puna.

PASKO: Noong Unang Panahon

Disyembre 18, sa isang Elementary School:

(ni aLJI) PAGDATING pa lang ni Utoy sa eskuwelahan, napansin na niyang kakaiba ang hitsura ng kuwarto ng Section 4. Halatang hindi agad umuwi kahapon si Miss Kurdapiya, ‘yung titser niyang payat at nakasalamin ng makapal. Nagkabit muna ito ng mga Pamaskong dekorasyon: May maliit na Belen ngayon sa isang sulok na ang katawan ng mga karakter ng Bibliya ay gawa sa nirolyong papel na nagkorteng Mayon Volcano at ang mga ulo nila ay gawa sa isang buong balat ng nilagang itlog na dinisenyuhan ng colored marker para magkaroon ng mukha. Meron ding mga papel na letrang nakasabit sa itaas ng blackboard na nagsasabing “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon” na puno ng iba’t ibang kulay. Nakapalibot sa buong kuwarto ang napakahabang kabit-kabit na Christmas lights, gaya ng sikat na kabaret sa may tumana na paboritong puntahan ng tatay niya. At sa kabilang  sulok naman, may nakatayong Christmas Tree na gawa sa nakataob na walis tingting. Nakasuksok ang tingting sa isang malaking lata ng Milo na pinuno ng buhangin mula sa ginagawang bagong school building sa tabi. Binalutan naman ang bawat patpat ng tingting ng puting crepe paper at sinabitan ng mga plastic na bolang palawit sa dulo nito. Mukhang pagod nga ang masungit na mukha ni Ma’am, pero may kakaibang ngiti siya nu’ng araw na ‘yun.

Hindi naman magpapatalo si Utoy kay Mis Kurdapiya kung Pasko din lang ang pag-uusapan. Nagtulong sila kahapon ng tatay niyang gumawa ng parol para madala niya sa eskuwelahan. Assignment nila ‘yun. Bilib nga siya sa tatay niya dahil habang gumagawa ito ng parol, panay rin ang tagay nito mula sa isang bilog na Ginebra. Matapos maubos ang pulutang limang isaw at limang paa ng manok, sampung mahahabang patpat na pang-barbecue ang natira. Kinayas ito ng tatay ni Utoy para lumambot. Pinagtali-tali. At parang magic, nakabuo ng korteng bituin si Mang Kanor. Nakatulog na rin ito sa papag nila pagkatapos.

Ilang sandali pa ng paghilik ni Mang Kanor, dumating na ang nanay ni Utoy galing palengke. Bumili ito ng mga papel de hapon na kulay puti. Panay ang sermon nito sa tatay ni Utoy habang binabalot ng papel ang iskeleton na bituin. Ewan ni Utoy kung bakit panay ang talak ng nanay niya, eh, tulog na tulog si Mang Kanor sa mga sandaling ‘yun.  Nanay rin niya ang gumawa ng dalawang buntot ng parol na parang dalawang palda na pang-Kastila na may kakaibang patterns. Ikinabit ito ng nanay niya sa mga kanto ng parol na kaiga-igayang tignan lalo na pag-ihip ng hangin. “Eto na anak, may parol ka na,” sabi ni Aling Lidia na parang bumait bigla nang kausapin ang anak. “Ingatan mo para maisabit din natin sa bahay pagkatapos ng Christmas Party n’yo sa eskuwela.” Hinaplos ni Aling Lidia ang buhok ng anak na ikinangiti nilang pareho.

Lahat ng mga kaklase ni Utoy ay ganito rin ang kuwento; merong mga dalang parol kinabukasan na iba-iba ang kulay. Iba-iba ang laki. Iba-iba ang disenyo. Lahat ito gawa ng mga tatay at nanay nila– ng pamilya– dahil ang mga tunay na parol hindi naman nabibili sa tindahan, ginagawa lang bahay.

Ang pinakahihintay ni Utoy sa araw na ito ay ang bunutan para sa “monito-monita”. Gumupit si Miss Kurdapiya ng maliliit na papel at isinulat niya rito ang pangalan ng bawa’t estudyante niya. Umikot sa buong kuwarto si Miss at pinabunot ang bawa’t kaklase ni Utoy sa isang kahon. “Ang mabubunot n’yo ay magiging monito o monita ninyo!” tili ni Miss Kurdapiya na ikinangiwi ng bawat batang nakarinig.

May hiling si Utoy:  Sana mabunot niya ‘yung “crush” niyang si Jocelyn. Maputi, mabait at nasa Row 1 dahil pangalawa sa pinakamatalino sa klase nila. Sa tradisyon kasing ito, may pagkakataon si Utoy na  magregalo sa monita niya ng kung anu-anong bagay sa buong isang linggo bago ang Christmas Party. Bawat araw may theme na ibibigay si Teacher: “Sa Lunes, mamimigay kayo ng ‘Something Sweet’ sa kung sino man ang mabubunot ninyo,’” nakakabinging sabi ni Miss habang papunta sa Row 4, sa tabi ng basurahan, sa upuan ni Utoy.

Isip ni Utoy  agad, “Ah! Chocolate ang ibibigay ko kay Jocelyn! Choc-nut! …Isang plastic!..???

—Mahal yata.–Tatlo na lang, para ‘I Love You.’”

“May sinasabi ka, Utoy?” tanong ni Miss Kurdapiya. “Nagmumura ka na naman?”

“Ah, hindi po ma’am.”

“Bumunot ka na, bago kita mapingot.”

Pumikit si Utoy. Bumunot habang nagdarasal: “Jocelyn…Jocelyn.”

Binuksan niyang dahan-dahan ang nakatuping papel… at napabulong siya ng mahinang “Putang ina…”

Hindi nga lahat ng pangarap natutupad.

Nabunot niya ang pangalan ni Miss Kurdapiya.

“Something sweet… para kay Ma’am?

“Alam ko na:

“PANUTSA!

“…Putsang buhay ‘to, o.”

(parol photo: marexflores.net )

Disyembre 18, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. Mag-iwan ng puna.

“BAGETS” baduy but BELOVED

PARA sa akin ang pelikulang “Bagets” ng Viva Films ang pinakakorning pagsusuma ng buhay-tinedyer noong Dekada ’80. Sa sobrang kakornihan nito, natatawa kami ng misis ko tuwing napapanood namin ito sa cable TV. Natatawa pero nagno-nostalgia. Guilty pleasure, ‘eka nga.

 Sunod usong-Bagets din kasi kami noong 1984 (edad-kinse kami noon). At unti-unti kong nadi-discover sa mga kuwentuhang-inuman kasama ng mga kaedad ko ngayon (kuwarenta na kami) na nasaan ka man naroon sa ‘Pinas noong pinalabas ito sa sinehan, malamang pa-bagets-bagets ka rin.

 ‘Eto ang “Ultimate Bagets Quiz” . Kung alam mo ang karamihan sa mga sagot sa tanong na ito, itanggi mo man, ikaw din ang magbibisto sa tunay mong nakaraan: (ANSWERS are at the end of this piece.)

 1. Sino ang kumanta ng theme song ng “Bagets” na may linyang “… I’m growing up, getting down, putting my both feet on the ground…”? Diabetic siya.

 2. Sino sa limang castmembers ng “Bagets” ang nakasalamin? Vice Mayor na siya ngayon.

 3. Sino ang pinakamatandang miyembro ng cast “Bagets” na sa tunay na buhay ay pinakasalan ang ka-love team niya sa pelikulang ito?

 4. Sino ang ka-loveteam ni JC Bonnin sa pelikula?

 5. Ano ang title ng dance anthem ng pelikula? Sinasayaw ito sa pamamagitan ng pagse-shake ng isang nakataas na braso, closed fist ( a la flying Superman), at ang isang kamay naman ay nakatapat sa tenga?

 6. Ano ang sinasakyan ni Herbert Bautista noong nakilala niya si Jobelle Salvador?

 7. Paano namatay ang karakter ni Yayo Aguila?

 8. Anong kanta ni Raymond Lauchengco ang background music sa date sequence nila ni Eula Valdes?

 9. Dalawa sa limang “Bagets” ang walang ka-date sa prom night sequence ng pelikula. Sino sila?

 10. Sinong foreign singer ang ina-idolize ni Aga Muhlach sa movie?

MGA SAGOT:

 1. Sino pa, di si Gary Valenciano. At kung alam mo ang title nito– “Growing Up” — malamang alam mo rin ang buong lyrics.

 2. Si Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista.

 3. Si William Martinez. Kinailangan siyang isama dahil siya ang pinakasikat na heartthrob noon. Malaking risk kasi ang pelikulang puro bago ang artista kaya hiniram siya from Regal Films. Ka-loveteam niya ang misis niya ngayong si Yayo Aguila.

 4. Si Chanda Romero. May-December affair ang drama nila.

 5. “Just Got Lucky” ng Joe Boxers. Hanggang ngayon ito pa rin ang isa sa most identified dance step ‘pag Dekada ’80 ang topic.

 6. Bisekleta ang sinasakyan ni Bistek nu’ng makita niyang nagdidilig ng halaman si Jobelle. Nahulog pa siya nang ma-love at first sight siya sa dalaga. Falling in love, literally.

 7. Namatay sa car crash ang karakter ni Yayo. Nakipag-drag race kasi si William habang angkas siya sa kool na kool nilang dune buggy.

8. Ang walang kamatayang “So It’s You”. Highlight ng sequence na ito ang pagkanta ni Raymond na naka-black tux siya at si Eula naman nasa gitna ng isang malaking staduium (Rizal Memorial?) at nakasuot ng pang-Santacruzang gown. Surreal.

 9. Sina Aga (dahil may asawa na ang love interest niya rito na si Baby Delgado) at si Herbert (dahil sa ending pa ng pelikula niya mapapasagot si Jobelle dahil akala niya boyfriend nito si Mon Alvir– pinsan pala).

 10. Sino pa, si Michael Jackson. Sumayaw pa si Aga ng “Wanna Be Starting Somethin” na tuluyan nang nagpabaduy kay Michael Jackson sa mga Pilipino.
REFLECTION:

Kung napangiti ka ng 8 out of 10 questions dito at alam mo ang sagot mentally (kahit ayaw mong sabihin verbally), naki-“Bagets” ka rin pala noon. At malamang hanggang ngayon, naggi-gel ka pa rin. May nakatago kang Topsiders na pang-driving (lame excuse). At ‘pag natutuwa ka sa sinabi ng isa mong kausap, sasagot ka ng “Nice one! (Sabay apir.)

Kung napag-isip ka ng 5 out of 10 questions dito at habang sinasabi mong “Oo nga, no. Naalala ko na,” closet-“Bagets” ang tawag sa’yo. Pilit mong kinakalimutan ang ’80s. Kasi siguro wala kang kabarkada noon. O wala kang naging boy friend o girl friend. In short, kulang sa pagkabata.

Kung wala kang alam (0 ang score mo), you need to see this flick.

You’re either too young or chromosome ka pa lang noong pinalabas ito:

part 1: http://www.youtube.com/watch?v=-fpftOPjJ3I&feature=related

part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4PfzlII0L4Y&feature=related

part 3: http://www.youtube.com/watch?v=johse1ryNh8&feature=related

part 4: http://www.youtube.com/watch?v=_VJ4JKRXPOs&feature=related

part 5: http://www.youtube.com/watch?v=DGtDqN0gvo0&feature=related

THE REST OF THE MOVIE: Kayo na ang maghanap sa YouTube

(at magpasalamat tayo kay JONETTE salamat sa pag-a-upload ng klasik na ito)

Para maunawaan mo kung bakit may mga pag-uugaling baduy ang parents mo or mga nakakatanda mong kapatid, panoorin mo ito dahil ganito sila noon. Baduy na talaga… pero kool.

Nice one!!! Apppiiir!

(aLjI05)

Nobyembre 9, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 2 mga puna.

Noong Unang Panahon… Part 2

the 80s

ONCE AGAIN, I did not write this. Somebody sent it to me and it’s too good not to share with others.

Ito kasi ‘yung mga ginagawa naman namin nu’ng mga huling taon ng pagkapresidente ni Cory, pagkatapos ng kauna-unahang EDSA Revolt at pagsisimula ng pagkalat ng sticker na  “EDsa ’92”– “Ed” meaning “Eddie” Ramos– si FVR, na nanalo nu’ng 1992.

Ito ang mga huling taon ng Dekada ’80 at ang mga unang taon ng Dekada ’90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.

Ito ang panahong tapos na ang Bagong Lipunan, pero malayo pa ang New Millennium. Hindi pa high-tech pero ‘di naman old fashioned. Saktong-sakto lang.

Ito ang panahon namin. “Kraakk-Booom!!!!” < sound epek ng kulog at kidlat.

Paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?

Narito ang listahan na makapagpapatunay if you’re one of us.

R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng
hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Ajo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey
Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa ‘yun, eh, taga
Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106” hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa school niyo at  namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na nakaitim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na sa sobrang luwag , eh, kita na minsan na ang dalawang “santol” sa loob ng pantalon.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang  kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa ikinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (Hi-tech na ‘yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga karton na may sukat na 1 inch by 1 1/2 inch na may mga drawing ng pelikulang Pinoy. (At may dialog pa!). Kukuha ka ng tatlong text at pipitikin mo, sabay sigaw ng “TSOB!” Kung mananalo ka (medyo kumplikado ang explanation kung papaano– basta may “tsob”, ibig sabihin taob) bibilang ka nang ganito: “Sa-i, Mudawa, Mutayo-tayo-ta, Tomple!”

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler,  si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga sa  saliw
na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can’t Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday Group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Kilala mo ang Smokey Mountain , (first and second generation)

16. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong “MightyKid”.

17. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores (pelikula na ito ngayon).

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

19. Naniwala kang original ang isang (baseball) cap kapag maywalong tahi sa visor nito. At kung original ang cap mo, siguradong mai-isnatch ito ‘pag nakasakay ka nang jeep o nakadungaw sa bintana ng bus na walang air-con (remember the red JD Bus sa EDSA?)

20. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga.)

21. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”

22. Alam mo din ang ibig sabihin ng “PERIOD– NO ERASE!”

23. For girls: malamang nag-away na kyo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at Gimik! Pero nagkakasundo kayo dahil sa Tabig Ilog. (Jologs na kung jologs pero umamin ka!)

24. Madalas kang bumili ng “Wonder Boy” sa iyong suking tindahan.

25. Nilalagyan mo ng “Pritos Ring” ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.

26. Binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kalbo o kotseng kuba (Volkswagen) tapos magtataas ka ng peace sign.

27. At minsan yung linyang “PERIOD NO ERASE” ay may dagdag pang “AKIN PADLOCK, AKIN SUSI” (Eh, di sayo! Hehe.)

28. Noon for little girls, hindi ka “in” pag wala kang magnetic pencil case na maraming pindutan at maraming lalagyan ng lapis at kung ano ano pa.

29. Noon wala ka sa “fashion” pag wala kang Pop Swatch (‘yung relong sinlaki ng wall clock for your wrist.)

30. Kabisado mo ang “Three O’clock Prayer” dahil sa “Three O’clock Habit” at saulado mo din pati ‘yung part na “we have just as one nation started the beautiful three o’clock habit…we hope that this becomes a daily habit with you…”

Bakit kaya ganon? Kahit ‘sang lupalop ka ng Pilipinas lumaki noon, eh, nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.

Siguro’y dahil wala pang Cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang Playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote.

Kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho ng mga karanasan natin, masaya na rin akong naging bata (at binata) ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan, ‘di ba?

Haay, nako. Nakaka-miss ang ‘Pinas.

More Reminiscing…

(imagefrom: fanpop.com)

Agosto 6, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 6 mga puna.

Noong Unang Panahon…

carabao

KUNG sino man ang nagsulat nito (definitely NOT ME. It was sent via email), salamat nang malaki at naipaalala niya kung ano ‘yung mga bagay na nami-miss naming medyo “mature” na at kung ano ang nami-miss ng mga bata ngayon. Totoo nga mahirap ibalik ang nakaraan pero pwede namang balik-balikan.

Noong unang panahon…

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan.

Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang.

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon.

Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a.

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana.

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams.

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak…

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, “sketeng” (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo.

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas – suot mo pa rin.

Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob…

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.

Noong wala pang mga drugs at malls.

Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.

Tayo noon…

Doon …

Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan.

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa  “Mga Aninong Gumagalaw”

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator.

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama.

Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae.

Inaasbaran ng mga suberbiyo.

Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan.

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?

“‘Susmaryosep” ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata…

“Estigo santo” kapag nagmamano.

Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa “berdugo” at sa “kapre”.

Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

‘Yung crush mo?

‘Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?

Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel.

Kung gusto mo naman – pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat.

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin…

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog.

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

Lipstick mo ay papel de hapon.

Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit.

Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…

May mga program kapag Lunes sa paaralan.

May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na ‘yon…

Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang inaalaala iyon…

‘Di ba noon…

Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “Sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “Sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?”…

Awit muna: “Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten…”

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman.

Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti.

Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa.

Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

‘Yung matatandang kapatid ang pinakaayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

‘Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.

Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa

KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay…
MATANDA ka na rin! He he he!

Pero kung hindi ka maka-relate, tanungin mo lolo, lola, tatay, nanay mga tiyuhin at tiyahin mo at siguradong mapapangiti rin sila.

more reminiscing…

(photo from pbiongriffin)

Hunyo 20, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 26 mga puna.