BAKIT may TAMBOK sa aking PANTALON?

Caught with pants down

(Ely M.) KUNG bibilangin mo ang lahat ng bagay na nakasabit sa katawan mo araw-araw, magugulat ka sa bigat ng  daigdig na pinapasan mo.

‘Eto ang mga nakabukol sa pantalon ko:

Sa kaliwang bulsa ng aking pantalon:

  • SUSI– napakaraming susi na hindi ko alam kung para buksan ang alin. Basta as far as I can remember, isa dito ay susi ng bahay namin.
  • KENDI– Stork, Mentos at isa pang kulay Cherry na wala nang balot na nakadikit na sa bulsa. Tawag ko dito “emergency snack” lalo na kung matagal ang biyahe at walang fast food na madadaanan.
  • COINS– Napakaraming barya na kung bibilangin ko, siguro kulang-kulang 50 pesos ang katumbas(kung iku-convert into pesos). Sa sobrang dami, minsan tinatanong na ako ng mga kaibigan ko kung may luslos daw ba ako.

Sa kanang bulsa ng aking pantalon:

  • 2 USB– Mga impostanteng files na kung ipi-print lahat ay makakapuno ng dalawang steel cabinets.
  • RESIBO– Ng kung anu-anong mga bagay na binili, ginamit, kinain ko at oo ‘yung iba dito, napulot ko lang sa kalye << save the earth ‘eka.
  • CELLPHONE– Kung saan naka-record ang aking non-existing social life. At dahil lumang model at sobrang laki nito, madalas itong napapagkamalan ng mga babae as my  “talong”. I wish.

Sa kanang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • WALLET lang– Pero hindi ganu’n kasimple dahil narito ang …
  1. Mas maraming RESIBO– Dito, nakatupi pa ang lahat. Ito ‘yung mga resibong may nakakabit na “memories” (kung sentimental ka, you know what I mean). “Ah, my FIRST foot massage…”
  2. 5 ID CARDS– 1 from college, 1 PRC Card, 3 lumang IDs galing sa tatlong huling kumpanya na pinagtrabahuhan ko. Yes, I did not surrender them. What can I do, eh, sa naiwala ko, eh.
  3. 3 MEMBERSHIP DISCOUNT CARDS– Mula sa groceries hanggang video rental at Timezone.
  4. 2 CREDIT CARDS– Ito ang pinakamabigat dalhin, lalo na pag singilan na.
  5. 2 E-LOADS– Mahirap nang maubusan habang naglo-long distance.
  6. 1 CONDOM– Mahirap nang mapalaban habang nasa long distance.
  7. 1 TOOTHPICK– Hindi kasi kasya ang toothbrush sa wallet.
  8. POST ITs– Na iba-ibang kulay. Isa sa Post-It ko ay may nakasulat: “Throw all of these  Post-Its away!”
  9. TISSUE PAPER– Kung saan nakalista ang iba’t ibang phone numbers ng hopefully  “cute girls”  na hindi ko na matandaan kung saan ko napagkikilala. ‘Pag walang magawa, pinapahiran ko na rin ng kulangot ‘yung bawat sulok ng tissue paper kaya medyo yellowish na ito.

Sa kaliwang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • Isang malinis na puting PANYO (strange, but true!)

Isama n’yo na riyan ang actual weight ng isang lumang Levis 501, more or less mga dalawang kilo siguro ang bigat ng lahat.

Pantalon ko pa lang ‘yan.

Kaya nga tuwing gabi, pag-uwi ko galing trabaho na pagod na pagod sa maghapong kaka-chat, este….  kakagawa ng “customer’s files”, dahan-dahan akong lalakad papasok at tatayo sa gitna ng aming malamig na kuwarto…

luluwagan ko ang aking cowboy belt

at dali-daling itataas ang aking dalawang braso…

sa sobrang bigat ng aking pantalon, automatic na itong dadausdos pababa  mula sa aking beywang tungo sa aking mga tuhod.

Titingala ako sa kisame

at ng gaya ni Mel Gibson sa “Braveheart” nu’ng kinoronggo na siya sa puwet ng isang steel rod…

sumisigaw ako ng nakakabinging…

(photofrom: www.getreligion.org … Note: Hindi ako ‘yung nasa pic. Maputi ang legs ko.)

Advertisements

Agosto 27, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 4 mga puna.

Mahirap MABUHAY ‘pag WALANG CABLE

american-idol

(Ely M.) Bago ako nag-abroad I was an idiot to think na pare-pareho ang palabas sa TV kahit saan ka pang lupalop ng mundo mapadpad—Mali. Kahit naka-cable ka pa, iba’t iba ang programming ng bawat bansa para sa same cable channel. Tailor made ito sa taste ng mga tao sa bansang tinitirhan mo. So, ang mga pelikula sa HBO sa States ay iba sa movies ng HBO Asia (kasama dito ang  ‘Pinas).

Ang bad trip niyan kung wala kang cable sa labas ng Pilipinas—kasi hindi mo ma-afford. Ang mahal nga ng cable service dito sa abroad. At ang pinaka-baddest trip ay kung hindi nag-i-English ang citizens ng bansang kinalulugaran mo. You’ll get the worst kind of “free” shows sa local channel nila.

Nu’ng bagong salta pa lang ako dito sa Indonesia at wala pa kaming cable, wala ni isang English show sa local TV. Lahat ng palabas nagba-Bahasa Indonesia (ito ang tawag sa lenguwahe dito) . Ang Bahasa Indonesia ay parang pinagrambol na Ilokano, Bisaya at Kapangpangan—para ma- imagine n’yo kung papaano ito, ‘eto ang sampol: “Bisa saya ambil uang dengan kartu kredit saya?”

Anudaw?

Can I use my credit card to withdraw money? << in English

Kaya nga tuwing manonood ako ng local TV noon with my roommate, sumasakit ang ulo namin pagkatapos. Hindi ma-comprehend ng utak ko kung anuba ang sinasabi nila?!

Anoooobaaa?!

Like the local news– ang ginagawa namin, binabase na lang namin ‘yung supposedly message ng balita according sa actions nu’ng nagsasalita or ng eksena sa video.

“Ah, nagtatakbuhan… siguro may bombang pinasabog?”

“Hindi nakatawa ‘yung mga tao, e?”

“Artista siguro ‘yang pinagkakaguluhan nila?”

“Ah, presscon?!”

“Ahhhhhh…. Oo, nga.”

“May Biogesic ka pa ba?”

“Teka, ‘eto tubig. Puwede hati tayo?”

(Note all the question marks?)

BUT it doesn’t mean na hindi marunong mag-English ang mga Indonesians sa TV. Slang  pa nga sila mag-English dahil karamihan ng celebrities dito or newscasters for that matter ay lumaki or nag-aral sa isang English speaking country, like Australia and the States. They speak Bahasa Indonesia by choice. So, dahil walang choice ang foreign-gers like us, you have to adapt to this kinda system.

On my second week sa bansang ito noong 2006, may isang gabi na hindi ako makatulog. Dahil hindi pa nga ako nakaka-adapt sa pamumuhay, binuksan ko ang TV. Mga 1 am na yata ‘yun.

At parang milagro – sa isang local channel—ipinapalabas ang Season 5 ng…

American Idol—AI…!!!

Hindi ito translated in Bahasa Indonesia… wala itong subtitles in Bahasa Indonesia.

Nagsasalita ang mga tao sa TV— IN ENGLUSH!

Nakita ko muli sina Simon Cowell, Randy Jackson at Paula Abdul na nagpapaiyak ng isang contestant na walang karapatang kumanta using their “destructive” criticisms.

Natuwa ako… at unti-unting tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.

Before I knew it, umiiyak na ako.

Ang dami kong naalala.

Favorite kasi namin itong panoorin sa cable TV namin sa ‘Pinas bago ako nag-aboard.

So, habang nanonood ako at umiiyak… kumakanta ang mga contestants ng kani-kanilang “Stevie Wonder” themed songs.

Naalala ko ‘yung mga kasama kong nanonood ng AI mula pa nu’ng unang ipalabas ito sa Star World channel sa Pilipinas.

‘Yung mga kumpare kong mahihilig sa karaoke na it follows (in our case) mahihilig din sa AI.

‘Yung mga dati kong kaopisina na laging idini-discuss over lunchbreak  kung bakit natsugi at nag-move on ang isang contestant.

‘Yung mga kapitbahay naming nakikinood dahil wala silang cable or pinutol na ng Sky Cable ‘yung tapped nilang linya.

‘Yung mga tawanan at alaskahan sa harap ng TV.

At ‘yung pamilya ko na naiwan sa Pinas.

Haaay nako.

Hindi ka ba naman iiyak niyan?

After the show I realized, hindi naman talaga ‘yung English language ang nami-miss ng mga tulad kong OFW na nakadestino sa isang non-English speaking country kundi ‘yung mga bagay na isinakripisyo naming huwag munang makita at marinig para lang mapaunlad ng konti ang buhay.

In some cases, like this one, kasama nga ang mga pamilyar na lengguwahe sa mga hindi mo muna maririnig.

Believe it or not, it took me nine months bago ulit nakapanood ng American Idol dito sa Indonesia.

Nu’ng finally nagka-cable na kami.

Sa awa ng Diyos.

 (photofrom: mediadecoder.blogs.com)

Agosto 12, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 5 mga puna.

Noong Unang Panahon… Part 2

the 80s

ONCE AGAIN, I did not write this. Somebody sent it to me and it’s too good not to share with others.

Ito kasi ‘yung mga ginagawa naman namin nu’ng mga huling taon ng pagkapresidente ni Cory, pagkatapos ng kauna-unahang EDSA Revolt at pagsisimula ng pagkalat ng sticker na  “EDsa ’92”– “Ed” meaning “Eddie” Ramos– si FVR, na nanalo nu’ng 1992.

Ito ang mga huling taon ng Dekada ’80 at ang mga unang taon ng Dekada ’90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.

Ito ang panahong tapos na ang Bagong Lipunan, pero malayo pa ang New Millennium. Hindi pa high-tech pero ‘di naman old fashioned. Saktong-sakto lang.

Ito ang panahon namin. “Kraakk-Booom!!!!” < sound epek ng kulog at kidlat.

Paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?

Narito ang listahan na makapagpapatunay if you’re one of us.

R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng
hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Ajo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey
Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa ‘yun, eh, taga
Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106” hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa school niyo at  namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na nakaitim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na sa sobrang luwag , eh, kita na minsan na ang dalawang “santol” sa loob ng pantalon.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang  kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa ikinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (Hi-tech na ‘yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga karton na may sukat na 1 inch by 1 1/2 inch na may mga drawing ng pelikulang Pinoy. (At may dialog pa!). Kukuha ka ng tatlong text at pipitikin mo, sabay sigaw ng “TSOB!” Kung mananalo ka (medyo kumplikado ang explanation kung papaano– basta may “tsob”, ibig sabihin taob) bibilang ka nang ganito: “Sa-i, Mudawa, Mutayo-tayo-ta, Tomple!”

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler,  si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga sa  saliw
na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can’t Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday Group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Kilala mo ang Smokey Mountain , (first and second generation)

16. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong “MightyKid”.

17. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores (pelikula na ito ngayon).

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

19. Naniwala kang original ang isang (baseball) cap kapag maywalong tahi sa visor nito. At kung original ang cap mo, siguradong mai-isnatch ito ‘pag nakasakay ka nang jeep o nakadungaw sa bintana ng bus na walang air-con (remember the red JD Bus sa EDSA?)

20. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga.)

21. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”

22. Alam mo din ang ibig sabihin ng “PERIOD– NO ERASE!”

23. For girls: malamang nag-away na kyo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at Gimik! Pero nagkakasundo kayo dahil sa Tabig Ilog. (Jologs na kung jologs pero umamin ka!)

24. Madalas kang bumili ng “Wonder Boy” sa iyong suking tindahan.

25. Nilalagyan mo ng “Pritos Ring” ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.

26. Binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kalbo o kotseng kuba (Volkswagen) tapos magtataas ka ng peace sign.

27. At minsan yung linyang “PERIOD NO ERASE” ay may dagdag pang “AKIN PADLOCK, AKIN SUSI” (Eh, di sayo! Hehe.)

28. Noon for little girls, hindi ka “in” pag wala kang magnetic pencil case na maraming pindutan at maraming lalagyan ng lapis at kung ano ano pa.

29. Noon wala ka sa “fashion” pag wala kang Pop Swatch (‘yung relong sinlaki ng wall clock for your wrist.)

30. Kabisado mo ang “Three O’clock Prayer” dahil sa “Three O’clock Habit” at saulado mo din pati ‘yung part na “we have just as one nation started the beautiful three o’clock habit…we hope that this becomes a daily habit with you…”

Bakit kaya ganon? Kahit ‘sang lupalop ka ng Pilipinas lumaki noon, eh, nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.

Siguro’y dahil wala pang Cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang Playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote.

Kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho ng mga karanasan natin, masaya na rin akong naging bata (at binata) ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan, ‘di ba?

Haay, nako. Nakaka-miss ang ‘Pinas.

More Reminiscing…

(imagefrom: fanpop.com)

Agosto 6, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 6 mga puna.

Paano kung mali para sa ‘yo si MR. RIGHT?

girl with binoculars

(LJI) LAHAT ng lalaki na nanliligaw—nambobola rin.

Madali lang magsabi ng “I love you” pero mahirap pangatawanan ng salitang ito.

So—tanong ng isa kong kaibigang babae—ano ang pagkakaiba ng sinungaling sa seryoso?

Kung babae ka, sampung tanong lang ang dapat mong sagutin kung gusto mo talagang malaman kung totoong mahal ka nga ng syota mo.

Una: Nabigyan ka na ba niya ng bulaklak?

Kung hindi ka niya kayang bigyan ng napakasimpleng halaman (na puwedeng pitasin kahit sa tabi ng kalye), ano pa ang maaasahan mong maibibigay niya sa iyo?

Pangalawa: May naibigay na ba siya sa iyong “lovenote”?

Importante ang “lovenote” (sa papel man o sa text) kasi he’s putting his feelings in black and white, na puwede ring i-printed. In any court case, legal document na ito as proof of his undying love.

Pangatlo: Kaya ka ba niyang titigan nang matagal habang sinasabi ang “I love you.”

Maraming lalaki na sasabihing korni ang pag-a-“I love you”. Kung hindi niya kayang mag-exert man lang ng effort na sabihin ito sa harap mo, magduda ka na. Baka nga hindi ka niya mahal.

Pang-apat: Naipakilala ka na ba niya sa parents niya?

‘Eto ang secret girls—‘yung mga totoong mahal lang ng mga lalaki ang ipinapakilala nila sa mga magulang nila. Bihira itong gawin ng boys kasi, mahirap na kada buwan e iba ang ipinapakilala mo sa parents mo. Kahit ako, sa dinami-dami ng naging syota ko (ehermm…), ‘yung naging misis ko lang ang nakarating sa amin.

Panglima: Naaalala ba niya ang “monthsary” n’yo?

Kung lagi niya itong kinakalimutan ngayon pa lang, mas marami siyang makakalimutan sa darating pang panahon. Ang masama baka ikaw na ang kasunod na ma-erase sa memory niya.

Pang-anim: Nililibre ka ba niya tuwing date n’yo?

Kung ikaw ang laging gumagastos sa date n’yo, ganito rin ang mangyayari kung sakaling magkatuluyan kayo. Ikaw ang magtatrabaho at gagastos for your future family—believe me.

Pangpito: Nagho-holding hands ba kayo in public?

Ang PDA (Public Display of Affection) ang pinakakongretong  katunayan na proud siya na kasama ka. Na nawawala siya sa sarili niya tuwing magkatabi kayo. Na ikaw lang ang mahalaga sa moment na ‘yun. Kung hindi niya kayang gawin ito, natatakot ‘yan na baka may makakita sa inyo—malamang ‘yung iba pa niyang girl friend o mga kaibigan ng girl friend niya, o ‘yung mismong misis niya..

Pangwalo: Madalas mo ba siyang kasama sa loob ng isang linggo?

Kung once a week mo lang nakakasama ang boyfriend mo, don’t expect na uuwi ‘yan sa bahay n’yo everyday kung sakaling kasal na kayo. ‘Yung mga ganitong lalaki, laging nasa lakwastahan, kabarkada o trabaho (kunyari). Kung uuwi man ‘yan, gabi na palagi kung kelan tulog ka na.

Pangsiyam: Nasigawan ka na ba niya?

‘Eto ang pinakamasama na puwedeng gawin ng boyfriend mo sa iyo. Kahit matagal na kayong mag-on, he has no right na sigawan ka niya dahil wala siyang karapatan. Legally speaking, he’s a stranger shouting at you. Wala kayong binding agreement na puwede ka niyang talakan or mag-feeling superior. Just imagine kung mister mo na ‘yan—baka hindi lang sigaw ang aabutin mo. Leave this kind of guy as soon as possible.

Pangsampu: Mas madalas ka bang umiiyak o tumatawa ‘pag kasama ka?

Ang love dapat nagpapasaya sa iyo. Kung mahal ka ng lalaki, dapat gagawin niya ang lahat para mapasaya ka niya. Kung puro problema, pasakit at sama ng loob lang ang ibinibigay niya sa iyo—DO NOT EXPECT THIS SITUATION TO CHANGE. Isa itong sneak preview ng magiging buhay mo kung magkakatuluyan nga kayo as husband and wife.

Sabi nga ng kasabihan, pakasalan mo ‘yung taong minamahal ka kahit hindi mo masyadong feel at ‘wag yung taong mahal na mahal mo na hindi ka naman feel.

At ituring mo na napakalaking blessing kung suwerte kang mahal ka rin ng minamahal mo dahil bihira na nga itong mangyari.

 (visual from brendapool.com)

Agosto 3, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 9 mga puna.