‘Di ba ‘pag “PHILIPPINE” dapat PILIPINO?

Blog Awards

(visualfrompinoydoglover.com)

(ni Ely M.) ANG katagang “Philippine” sa Tagalog ay katumbas ng katagang “Pilipinas”.

Sa Pilipinas pinakamarami ay ‘yung nagta-Tagalog, kaya ‘pag sinabing–salita ng “Pilipino” – Tagalog ang ibig sabihin niyan.

Kahit sa abroad ‘pag sinabi nilang “Oh, you’re Filipino—you speak TahGAlogk!”

Karamihan din kasi sa mga Pilipino o Filipino (pagsamahin na natin: F/Pilipino) sa pagkakaalala ko, nagkakaintindihan lang sa salitang Tagalog kahit na saan pang probinsiya ang pinanggalingan nila.

Eklat lang kadalasan ‘yung “You know, I speak in English because my Tagalog is not good.”

Ganu’n din ‘yung iba ‘pag nagsusulat:  “You know, I write in English because my Filipino is not good.”

Yeh,  yur PILIPINO is not good, but who kers?

Nag-isip ako—meron bang nagba-Blog in Fee-lee-pee-know “because their F/Pilipino is good”?

Hinanap ko ang pinakamagagaling na Pinoy Blogs sa Internet.

Kaya nag-Google ako. Tinayp ko: Best Pinoy Blogs…or Best Pilipino Blogs… or Best Filipino Blogs

Pinindot ko ‘yang lahat… isa-isa.

(Wala kasi akong magawa.)

Nadismaya ako.

Wala ni isang best site na nagpi-Pilipino.

Wala ni isang best site na nagta-Tagalog.

Ang huli kong pag-asa:

“The 2009 Philippine Blog Awards.”

Ito raw ang listahan ng pinakamagagaling na F/Pilipino Bloggers sa Pilipinas at sa ibang bansa!!!

‘ETO ang listahan ng mga nanalo.

Pinuntahan ko lahat ng site ng winners.

Magagaling silang lahat–  walang argumento riyan.

Ang mas nadismaya ako…

Bukod sa tuyongtintangbolpen.blogspot.com…  (nanalo ng “Best Post”)

Lahat ng winners hindi nagpi-F/Pilipino.

Lahat  ng winners hindi nagta-Tagalog.

Parang may mali.

Sa dinami-rami ng F/Pilipino bloggers na pagpipilian sa bawat sulok ng mundo na may Pinoy

… isa lang ang nakalusot?!

Para sa akin ngayon, si bolpen ang “Best Blogger of the Philippines.”

Tunay na Pilipino na nagta-Tagalog… nagpi-Filipino… nagpi-Pilipino…

(Teka—hindi ko kilala si Tuyong Tinta Ng Bolpen.

Wala rin akong intensyong makipagkilala.

Wala rin akong intensyon sa kontes na ‘to.

Natutuwa lang ako at pinili siya.)

Sana sa susunod—malamang hiling MO rin ito, oo IKAW na nagbabasa ngayon—

 Mas marami sanang blogs na Tagalog – F/ Pilipino ang manalo.

Para mas maging makatotohanan ‘yung katagang “Philippine” na nakasabit sa mga katagang “Blog Awards”

Dahil ang katotohanan…

Pilipino rin lang naman ang TUNAY  na makakaintindi ng mga pinagsusulat natin.

At kahit mag-type pa tayo ng patiwarik habang nagba-blog in English

puro Pinoy pa rin naman ang pabalik-balik na magbabasa ng mga bagay

at kaisipang tungkol sa Pilipinas at pagiging-Pilipino.

Tama ba ‘ko?

Oras na para i-click

ang “Reply”, “Puna” o “Komento”

Oktubre 30, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation.

Mga Puna

  1. NEIL LORD V. GUITANG replied:

    oo tama ka sa iyong punto. kaya naman kahit nagnanais akong magsulat sana ng aking blog sa wikang ingles (sapagkat mas marami ang gumagamit nito) nagsisikap ako na hanggat maaari, ang laman ng aking blog ay wikang Pilipino. Sapagkat, bagamat marami ang gumagamit ng wikang ingles sa ating mga bloggers, mas marami naman ang mas nakakaunawa sa mga akdang isinulat sa wikang Pilipino, lalo na yaong mga ordinaryong Pinoy lamang.

  2. lovely replied:

    tama ka kuya..
    kasali sana ako dito un nga lang huli na ng mabasa ko ung email sakin ng PBA tagal ko di kasi nag open o nag check ng mails ko huli na ng mabasa ko..kaya ayun di ko tuloy na experience hehe..yay..

    pero talagang may punto ka 100% kasi dapat talaga pilipino dami ko nga kilala na kasali jan ang pilipino nga ang lahi pero ang lengwaheng ginamit ay sa wikang ingles..

  3. scannedthoughts replied:

    dear lovely,

    yor rayt. dats way ay pramis tu rite inn tagalohg prom naw on.
    neks yir i howp mor filifino blag wil won in dis contents.
    tenks por reedhing.

    koya.

    (ulso, wat hapeng to yur abatar–
    so wird luking, huh. nhot too lably)

  4. j replied:

    minsan nga natatawa ako sa mga sumasali sa PBA. naisip ko, pano kaya sila naging best blogger of the “Philippine” ngayong banyaga naman ang panitikang ginagamit nila. ang totoo maraming magagaling na pinoy blogger dito hindi lang sumasali sa mga pakontes ng blogpersyo

    na search ko tong post mo na ito. :d salamat sa info.

  5. scannedthoughts replied:

    thanx jex at tama ka pare.

    ang daming mas magagaling magsulat dito sa wordpress, ‘di ba?

    dapat yata magkaroon ng isa pang philippine blog awards organization na pang-tagalog/filipino/probinsiyano bloggers naman.

    magtayo kaya tayong mga taga-wp?

    pinoysawordpressawards, anyone?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: