P35 Lang ang Sweldo ng Isang Senador?!!

HINDI ako ang nagsulat nito.

Galing ito sa isang kaibigan ng kapitbahay ng pinsan ng kinakapatid ng katulong ng isang manunulat pampulitika. Sa sobrang dami ng pinagpasahan, nakalimutan na nga ang pangalan ang author. Eniwey, ang mensahe naman ang mas mahalaga. Ire-relay ko na lang nang buo.

At sabay-sabay tayong magmura sa ending.

telembang

MAGANDA rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Sa isang episode ng Correspondents sa ABS-CBN sabi ni Senator Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na ang

P35,000 suweldo nila monthly ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador.

Ang totoo, kada buwan ay may

P2 Milyon Fixed Monthly Budget (meaning: panggastos) ang bawat Senador.

Para sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang na

P500,000 ang budget nila for Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at

P500,000 para sa Staff at Personal expenses (personal use, ‘eka nga). Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Kadalasan mga kamag-anak din nila ito. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employees?

Bukod diyan, may

P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel (biyaheng abroad for whatever dahil madali namang gumawa ng dahilan). At ang masakit pa nito, hindi na kailangang i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement. Meaning OK lang kahit walang resibo.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mga Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng isang Senador na humigit-kumulang

 P1 Milyon din! — ahehe! Nadudoble ‘ika nga ‘pag chairman ka.

Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There’s food for everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

P200 milyon ang Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S..O.P. o kita ng Senador na

P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng

P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 – 30% ang komisyon ang hinihingi sa mga kontratista. Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming palpak proyekto ang gobyerno. Naibibigay kasi lagi ang kontrata sa pinakabobong kontraktor na pinakamalaking maglagay.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan?

Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! ! ! ”

PLEASE COPY AND FORWARD to as many of your friends and let the whole country know na sa mga KUPAL lang napupunta ‘yung mga tax na kinakaltas sa suweldo natin tuwing kinsenas at katapusan.

Haaay, nako.

(telembangfrom)

Hunyo 18, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation.

Mga Puna

  1. jason replied:

    ha nakong mga $%^#%^ pa la yang mga senador na yan…

    mga gahaman… sa tingin mo meron kashit isang senador ang kumukita ng wasto? na walang kupit, na walang daya?? sana meron

  2. anakngpating replied:

    ay naku sorry kuya hindi ko tinapos ang entry na to hehe..
    naiinis lang ako …
    badtrip na nga ko sa customer ko ganyan pa ang mababasa ko sarap batuhin ng tae ng kalabaw eh hehe..

    ang laki na nga ng sahod at may mga expenses pa..
    nakukuha pa nilang mangurakot..

  3. frenchy replied:

    pareng jason, lahat ng ‘yan walang kupit at walang daya. bigay talaga sa kanila ‘yan ayon sa batas. ang nakaka-kupal lang ay ‘yung ang laki-laki na ng suweldo nila (from the taxes of hard working filipinos), tapos hindi nagtatrabaho nang tama. syet.

    speaking of syet, tama ka rin “anakngpating”. masarap talaga silang batuhin ng tae ng kalabaw… meron ka bang kalabaw diyan na pagkukunan natin ng tae?

  4. anakngpating replied:

    hehe kuya naku eh nasa syudad tayo ikaw ba nasan ka baka meron kang naitatago jan hehe..

  5. frenchy replied:

    meron. kaso hindi tae ng kalabaw. it’s from my “personal collection”.

  6. Jenn Besonia replied:

    Dapat sapat lang sahod ng mga politiko, o kaya mababa, o kaya wal. haha. para yung mga mukang pera di na mag-asam na magkaron ng pwesto sa Malacañang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: