Growing Up With MICHAEL JACKSON

 (LJI) MATAWA na kayong lahat, aamin ako today, I’m a big Michael Jackson fan. Kung magkakaroon kasi ng music playlist ang henerasyong kinabibilangan ko, malamang puro awitin ni Michael and pupuno dito. It was such a long time ago but I feel I need to write this down.

1. Give Love On Christmas Day (released 1970)

Sabi ng mga elders ng pamilya namin, noong mga bata pa raw kami, dinala nila kami sa isang concert ng Jackson 5 sa Araneta Coliseum diyan sa may Cubao, QC. Pero wala nga akong naaalala dito. Basta ang alam ko, isa sa senyales na malapit na ang Pasko sa bahay namin o sa buong Pilipinas ang pagpapatugtog till your ears bleed ng Christmas classic na “Give Love On Christmas Day” ng Jackson 5. At kung hindi n’yo pa alam, isang 12 year old Michael Jackson ang nagbu-vocals dito. At magpahanggang ngayon, required na chorus after ng linyang “…Taking time to be kind to one and all…” ang “hooo-hooo-hooo…”

2. She’s Out Of My Life (released 1979)

Hindi ko ‘to makakalimutan dahil kinanta ito ng isang babaeng classmate ko nu’ng high school para sa isang lalaking classmate ko rin. Sabi niya before singing, “This is dedicated to Neil…” at gaya nga ni Michael humihikbi din ‘yung girl at the end of the song dahil ayaw siyang pansinin si Neil. Natatawa naman si Neil dahil “HE’S out of my life” daw dapat ang tamang linya kung para sa kanya nga ‘yung dedication. Loko.

3. Don’t Stop Till You Get Enough (released 1979)

Sa sobrang kasikatan ng kantang ito ni Michael, may nag-translate nito in Tagalog. Ang kinalabasan ng linyang “Keep on with the force don’t, don’t stop till you get enough…” ay “Kaya John, magsumikap… dapat magsumikap ka…” at ginawa itong theme song ng “John En Marsha” ni Dolphy sa lumang Channel 9.

 4. Someone In The Dark (special edition, released 1982)

Kasama ang kantang ito sa isang special album na ni-release to promote the movie “E.T. (the Extra Terrestrial) ” na dinirek ni Steven Spielberg. Hindi ko alam ‘yun dahil sa VCD ko na napanood ang E.T. after 10 years from its original showing dahil ayaw ni Spielberg mag-release ng video version. Pero 10 years ko nga itong ginigitara dahil masarap siyang kantahin. Sabi ni E.T. sa gitna ng kanta “Thaaaaaank you” kay Michael. Sana sumagot si Michael nang “Your Wehhhhhhhhllcome.”

5. Billie Jean (released as a single 1983)

The 1984 Grammy Awards was the first one I ever watched on TV sa Channel 9 (again). Sa TV plug kasi nito, nominated si Michael for several Grammy Awards including Best R&B Song for Billie Jean. Laking pasalamat ko dahil it was truly an historic night. He ended up with a record 8 Grammy Awards. Kinabukasan na-realize ko naging Jackson fanatic akong bigla nang napansin kong ginagaya ko na ‘yung Jackson walk sa intro ng Bilie Jean video habang ini-imagine kong umiilaw ‘yung tiles ng sahig namin sa bawat hakbang ko. Later on, ‘yung isang best friend ko named his first child “Billy” after the song. Joke namin, para ‘pag malaki na si Billy puwede siyang utusang bumili ng alak ng tatay niya with the words, “Billy– bili Gin.”

6. Beat It (released as a single 1983)

This was the song that kept playing in my head everyday while walking to school. Walking to the beat, ‘eka nga. I love the guitar solo sa song na ito at kung meron ngang list ng best guitar solos in a pop song, ‘yung guitar solo dito sa “Beat It” ang No. 1 ko. At bakit nga hindi siya magiging hayup sa galing – si Eddie Van Halen (ng rock band na Van Halen) ang nag-solo dito. Hindi nga lang guitars ang magaling sa song. Hayup din ang choreography at dance moves ni Michael sa video. During this time I discovered dancing. I hated dancing. But it became a guilty pleasure. Sabi nga ni Madonna sa kantang “Into the Groove“…lock the doors so no one else could see…” Siyempre kasama na porma namin ‘yung pormang Michael: konting “S” na palawit ng buhok sa may bandang noo—a la Superman at secretly pagdadala ng sequined glove in my pocket. ‘Pag may nagtatanong kung bakit may sequined glove ako, sagot ko “Nagta-trapik ako dyan sa kanto.”

7. Thriller (released as an album 1982)

If you’re a child of the ‘80s, I’m sure you know some of the dance moves from this classic song and video. Naglabas ng “The Making of Thriller” noon at ang ginagawa namin ng mga barkada ko, sino-slow motion naming ‘yung video para lang ma-imitate every dance move. Dito nga naming napatunayan na possible palang umikot nang pitong beses gaya ni Michael kung naka-Blah Blah kang sapatos. Sa sobrang familiar nga ng choreography nito, may nag-perform nito perfectly sa high school field demo namin nu’ng 1984. So, ‘yung mga bilanggo na nagti-Thriller sa Youtube, sorry to say, hindi sila ang original.

8. I Just Can’t Stop Lovin You (released 1987)

College student ako na naglalakad pauwi sa loob ng SM North Edsa (hindi pa siya “City” noon) nu’ng marinig ko ang kantang ito. Sabi ko, “Kaboses ni Michael? It’s been 5 years mula nu’ng na-release ang “Thriller”—may bago kaya siyang album? Lo and behold, sa harap ng record store (Odyssey yata) naroon nga ang poster ng album na “Bad”! Unti-unti akong nangiti. Nagbalik sa aking alaala ‘yung teenage Michael Jackson phase ko  “Here we go again,” isip ko. Pero habang tinititigan ko ‘yung poster napansin ko, nag-iba na rin ang mukha ni Michael: mahaba ang buhok, maputi na may cleft chin at iba na naman ang kanyang ilong. He looked bad. Parang hindi kasi bagay ‘yung physical changes. Kaso sabi nga sa kanta, “I just can’t stop lovin you… Michael.” Nag-moonwalk ako happily the rest of my way going home na ikina-pudpod ng suot kong Chuck Taylor.

9. Smooth Criminal (released 1987)

“Moonwalker” ang title ng movie at dito pinagsama-sama ang lahat ng video ng album na “Bad”. Pinalabas ito sa isang movie theatre sa Recto kung saan malapit ang university namin. Buong tropa ko sa college nag-cut classes para lang manood nito at magsasayaw sa loob ng sinehan, especially during the extended video ng “Smooth Criminal”. It was the nearest thing to a Michael Jackson concert. Alam namin lahat ng kanta, alam naming ang dance moves at nagkabistuhan na na saan ka man lupalop ng Pilipinas lumaki, imposibleng hindi naimpluwensiyahan ang pagkabata mo ng musika ni Michael. Favorite dance move namin after watching “Bad” ay ang “crotch hold” (o hawak betlog). Dahil kay Michael hindi ka na nga mahihiya mag-adjust ng kargada mo in public kung kinakailangan.

 HISTORY WORLD TOUR—December 10 1996 Asia World, Paranaque.

After 15 looooong years, nangyari nga ang imposible. Nagkaroon ng concert schedule si Michael Jackson sa Pilipinas. Nagtatrabaho na ako by this time sa isang showbiz magazine. At parang pinagtagpo nga ng panahon dahil nakakuha ang editorial office namin ng invites para sa press launching ng concert sa Manila Hotel. First time ko sa Manila Hotel at napakaengrande ng “ambulance” sa loob, siyempre engrande din ang concert (‘eto ‘yung same video na ipinakita during the launch). Dahil sa excitement na na-build up in me during the press launch, hindi nga ako na-satisfy sa free tickets na bigay sa press na pinauupo ka sa pinakalikod ng reclaimed land are ng Asia World, sa tabi ng naglalakihang metal cargo containers na ginawa nilang pader. Bumili ako ng tatlong middle seat audience tickets worth 3 thousand pesos each, mapalapit sa aking idol. One for me, one for another friend na MJ fan din and one for my future-misis. Ubos ang laman ng credit card ko only for this once in a lifetime chance to get close to my childhood idol.

10. Childhood (released 1995)

Among the 30 songs na included sa double album na “HIStory” ito ang nas-stick sa mind ko. Sabi sa first line ng kanta, tinatanong tayo ni Michael: “Have you seen my childhood?” Only then I finally understood kung ano nga ba si Michael, ano siya sa buhay ko. Sa buhay natin.

Siya ‘yung nagpapaalala nu’ng mga masayang Pasko sa Pilipinas nu’ng musmos pa tayo sa “Give Love On Christmas Day”; ‘yung teenage loneliness nu’ng wala ka pang girlfriend sa “Someone In The Dark” ; falling totally in love sa “I Just Can’t Stop Lovin You”; makagunaw mundong teenage heartbreaks natin  sa “She’s Out Of My Life”; mga kalokohan ng tropang high school sa “Thriller”, “Beat It” at “Billie Jean” at goodtime sa college while listening to “Bad” at “Smooth Criminal”. Hindi lang pala nakadugtong si Michael sa ilang highlights sa buhay natin kundi naka-link din siya sa mga taong nakasama at nakilala natin habang pinapatugtog ang mga awitin niya sa radio o sa mga cassette at CD players noon. Kaya nga ‘pag nakikinig tayo ng iPod today ng illegally downloaded nating Michael Jackson song at ipipikit natin ang ating mga mata, nakikita natin muli ‘yung mga taong ‘yun at bumabalik lahat ng feelings from our own childhood.

After feeling like a child again during the two hour concert na ‘yun kung saan nakita ko ang 38  year old na si Michael nang malapitan, of course he looked old–er. May tiyan na—parang maliit beer belly. Parang nagli-lipsynch na. At parang hindi na niya kayang mag-spin seven times. But the same energy, the same passion and the same commitment to entertain us, hindi nawala. The crowd of 90,000 na nanood with us showed the same energy, passion and commitment kahit nga naghintay kami ng 15 years to get to that moment.

Pagkatapos ng concert, naglakad lahat ng audience from Paranaque hangang Manila bago makasakay ng taxi. Puno ang buong Roxas Blvd ng mga taong naglalakad: puyat, pagod, paos pero lahat nakangiti. Kami lalo dahil kung nakalimutan ko na nga ‘yung supposedly Jackson 5 concert sa Araneta nu’ng kamusmusan ko nu’ng late ‘70s—‘etong 1996 concert na ito ni Michael Jackson nagbalik muli for a moment ang “wonder in my youth”.

The next morning we all grew up and finally moved on (LJI).

Hulyo 2, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz.

Mga Puna

  1. anakngpating replied:

    huwaaa si kuya wala ao masabi dito..
    pero talagang avid fan ka nga nya..because nakanood ka ng consert nya..at lahat ng kanta na pinasikat nya alam mo..
    well kahit madaming kontrebersyal sknya..tumayo pa rin sya at patuloy na lumalaban ..

    galing talaga..

  2. frenchy replied:

    Hehe. Nagkabistuhan ba?

  3. anakngpating replied:

    hehe nahuhulaan ko na kuya kung ilan taon ka na hehe..

  4. Teri replied:

    Ewan ko pero pakiramdam ko dapat kong isulat lahat nang gusto kong sabihin para gumaan pakiramdam ko dahil sa pagpanaw mi MJ.

    I’m a big fan too, napanood ko rin ang concert nya dito sa Pilipinas. 3K rin ang ticket ko, nagmakaawa pa ako sa nanay ko nun kasi wala pa akong work, I was newly grad then. Ang sama-sama talaga ng loob ko ngayon at iyak pa rin ng iyak.

    Ciao MJ😦

  5. dhyoy replied:

    hindi masyadong halata na avid fan ka niya!🙂
    sayang noh, dami pa sana siyang mapapasayang tao…

  6. hitokirihoshi replied:

    wow! i think kahit ipinapanganak pa lang ako nung kasikatan niya nung 80s… damang-dama ko naman siya nung 90s. naalala ko when we used to watch his musc videos and concerts sa betamax. kumpleto yung buong pamilya habang nakaupo sa harap n TV. tas talagang pati kapit-bahay namin nakikinood din. and sobrang like na like ko ang Bille Jean, Thriller , Beat it ( yun nga lang sa huli naalala ko yung regal movie ni Rene requiestas kung uso pa ang sayawan sa film)… hindi ako mahilig sa mga sad or mellow song pero lately gusto kong pakinggan yung one day in your life, I’ll be there and you are not alone… tama even may britney, j.lo, beyonce and BEP na noong college talagang part pa rin dapat ng list ang mga kanta ni MJ. like rin pala yung smooth criminal and black and white.

    hay… and then i realize now, si MJ pala ang ilan sa mga kauna-unahang dance instructor o kung bakit ako mahilig magsayaw. hehehe

    pero bilib ako sa iyo… fan na fan ka talaga. hehehe
    mabuhay and condolence talaga kay MJ… an icon like no other

  7. frenchy replied:

    ahehe… naalala ko ‘yang rene requiestas movie na ‘yan– “michael and madonna” ang title kasama si manilyn reynes.

    same as before nasusuka pa rin ako ‘pag naaalala ko ‘yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: