Paano kung mali para sa ‘yo si MR. RIGHT?

girl with binoculars

(LJI) LAHAT ng lalaki na nanliligaw—nambobola rin.

Madali lang magsabi ng “I love you” pero mahirap pangatawanan ng salitang ito.

So—tanong ng isa kong kaibigang babae—ano ang pagkakaiba ng sinungaling sa seryoso?

Kung babae ka, sampung tanong lang ang dapat mong sagutin kung gusto mo talagang malaman kung totoong mahal ka nga ng syota mo.

Una: Nabigyan ka na ba niya ng bulaklak?

Kung hindi ka niya kayang bigyan ng napakasimpleng halaman (na puwedeng pitasin kahit sa tabi ng kalye), ano pa ang maaasahan mong maibibigay niya sa iyo?

Pangalawa: May naibigay na ba siya sa iyong “lovenote”?

Importante ang “lovenote” (sa papel man o sa text) kasi he’s putting his feelings in black and white, na puwede ring i-printed. In any court case, legal document na ito as proof of his undying love.

Pangatlo: Kaya ka ba niyang titigan nang matagal habang sinasabi ang “I love you.”

Maraming lalaki na sasabihing korni ang pag-a-“I love you”. Kung hindi niya kayang mag-exert man lang ng effort na sabihin ito sa harap mo, magduda ka na. Baka nga hindi ka niya mahal.

Pang-apat: Naipakilala ka na ba niya sa parents niya?

‘Eto ang secret girls—‘yung mga totoong mahal lang ng mga lalaki ang ipinapakilala nila sa mga magulang nila. Bihira itong gawin ng boys kasi, mahirap na kada buwan e iba ang ipinapakilala mo sa parents mo. Kahit ako, sa dinami-dami ng naging syota ko (ehermm…), ‘yung naging misis ko lang ang nakarating sa amin.

Panglima: Naaalala ba niya ang “monthsary” n’yo?

Kung lagi niya itong kinakalimutan ngayon pa lang, mas marami siyang makakalimutan sa darating pang panahon. Ang masama baka ikaw na ang kasunod na ma-erase sa memory niya.

Pang-anim: Nililibre ka ba niya tuwing date n’yo?

Kung ikaw ang laging gumagastos sa date n’yo, ganito rin ang mangyayari kung sakaling magkatuluyan kayo. Ikaw ang magtatrabaho at gagastos for your future family—believe me.

Pangpito: Nagho-holding hands ba kayo in public?

Ang PDA (Public Display of Affection) ang pinakakongretong  katunayan na proud siya na kasama ka. Na nawawala siya sa sarili niya tuwing magkatabi kayo. Na ikaw lang ang mahalaga sa moment na ‘yun. Kung hindi niya kayang gawin ito, natatakot ‘yan na baka may makakita sa inyo—malamang ‘yung iba pa niyang girl friend o mga kaibigan ng girl friend niya, o ‘yung mismong misis niya..

Pangwalo: Madalas mo ba siyang kasama sa loob ng isang linggo?

Kung once a week mo lang nakakasama ang boyfriend mo, don’t expect na uuwi ‘yan sa bahay n’yo everyday kung sakaling kasal na kayo. ‘Yung mga ganitong lalaki, laging nasa lakwastahan, kabarkada o trabaho (kunyari). Kung uuwi man ‘yan, gabi na palagi kung kelan tulog ka na.

Pangsiyam: Nasigawan ka na ba niya?

‘Eto ang pinakamasama na puwedeng gawin ng boyfriend mo sa iyo. Kahit matagal na kayong mag-on, he has no right na sigawan ka niya dahil wala siyang karapatan. Legally speaking, he’s a stranger shouting at you. Wala kayong binding agreement na puwede ka niyang talakan or mag-feeling superior. Just imagine kung mister mo na ‘yan—baka hindi lang sigaw ang aabutin mo. Leave this kind of guy as soon as possible.

Pangsampu: Mas madalas ka bang umiiyak o tumatawa ‘pag kasama ka?

Ang love dapat nagpapasaya sa iyo. Kung mahal ka ng lalaki, dapat gagawin niya ang lahat para mapasaya ka niya. Kung puro problema, pasakit at sama ng loob lang ang ibinibigay niya sa iyo—DO NOT EXPECT THIS SITUATION TO CHANGE. Isa itong sneak preview ng magiging buhay mo kung magkakatuluyan nga kayo as husband and wife.

Sabi nga ng kasabihan, pakasalan mo ‘yung taong minamahal ka kahit hindi mo masyadong feel at ‘wag yung taong mahal na mahal mo na hindi ka naman feel.

At ituring mo na napakalaking blessing kung suwerte kang mahal ka rin ng minamahal mo dahil bihira na nga itong mangyari.

 (visual from brendapool.com)

Agosto 3, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan.

Mga Puna

  1. erratic09 replied:

    Kelangan pa ba nila ng ganito? Kung sa pakikipagrelasyon lang as bf/gf, maloloko sila ng mga lalaki, wag na sila lumandi. haha! Tama!

    Ewan ko kung ba’t may ewan na tao. hehehe. Ang dalidali naman malaman kung niloloko sila. In the first place, pumayag sila makipagrelasyon sa lalaking yon, dapat kilala na nila yun.

    Pano kasi yung iba, oo agad porke gwapo lang (sa paningin nila. first time ata makakita ng tao. haha. joke lang).

  2. anakngpating replied:

    na incounter ko lang kuya..x ko madalas mag bakla-bakalaan..
    un pala sa totoong buhay ..bading talaga..haha..

    kuya pa update naman ng url ko..datcom na kasi ako..
    http://www.anakngpating.com

  3. frenchy replied:

    approve.
    dot com ka na? papaano?– magkano?
    paturo naman?
    at congratulations.

  4. frenchy replied:

    ‘eka nga naming magkakabarkada–
    mahirap maging guwapo
    maraming nagpapaloko.
    hehe.

  5. Bebenibadoodles replied:

    Sana mabasa ito ng mga girlfriends. Higit sa lahat, wag padadaig sa nararamdaman mo sa ngayon. Importante talaga yung looking forward into the future. Kung ganyan na ang ugali ni boyfriend ngayon, malamang mas lumala pa yan sa pagdaan ng panahon.

    Ganun talaga ang emote eh. Nice post!

  6. badong replied:

    pwede mo ring idagdag iyung
    nagkakaroon ba kayo ng panahong nakaupo lang kayo, hindi naguusap, pero ramdam mo iyung comfort at presence ng isa’t isa.
    laking bagay yan.
    di kailangan ng distraction, masaya lang kayo kung asan kayo.
    kung dumating na, tyak yon, lab na

  7. anakngpating replied:

    naku sobrang ang daming proseso pag nag datcom ka..buti na lang at anjan ang isang kaibigan na tumulong ayusin ang datcom ko hehe..

    ung domain kuya napanalunan ko lang sya sa isang kontes, hehe..

  8. frenchy replied:

    silent moment…
    looking at each other’s eyes…
    holding hands….
    leaning on one’s shoulders…
    hugging…
    cuddling…
    kissing…
    necking….
    censored 🙂

  9. jamila millar replied:

    i’ve read your comment on my post. thank you! i appreciate it.

    nga pala, nice post! tinamaan ako… gano’n nga talaga siguro ‘yon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: