BAKIT may TAMBOK sa aking PANTALON?

Caught with pants down

(Ely M.) KUNG bibilangin mo ang lahat ng bagay na nakasabit sa katawan mo araw-araw, magugulat ka sa bigat ng  daigdig na pinapasan mo.

‘Eto ang mga nakabukol sa pantalon ko:

Sa kaliwang bulsa ng aking pantalon:

  • SUSI– napakaraming susi na hindi ko alam kung para buksan ang alin. Basta as far as I can remember, isa dito ay susi ng bahay namin.
  • KENDI– Stork, Mentos at isa pang kulay Cherry na wala nang balot na nakadikit na sa bulsa. Tawag ko dito “emergency snack” lalo na kung matagal ang biyahe at walang fast food na madadaanan.
  • COINS– Napakaraming barya na kung bibilangin ko, siguro kulang-kulang 50 pesos ang katumbas(kung iku-convert into pesos). Sa sobrang dami, minsan tinatanong na ako ng mga kaibigan ko kung may luslos daw ba ako.

Sa kanang bulsa ng aking pantalon:

  • 2 USB– Mga impostanteng files na kung ipi-print lahat ay makakapuno ng dalawang steel cabinets.
  • RESIBO– Ng kung anu-anong mga bagay na binili, ginamit, kinain ko at oo ‘yung iba dito, napulot ko lang sa kalye << save the earth ‘eka.
  • CELLPHONE– Kung saan naka-record ang aking non-existing social life. At dahil lumang model at sobrang laki nito, madalas itong napapagkamalan ng mga babae as my  “talong”. I wish.

Sa kanang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • WALLET lang– Pero hindi ganu’n kasimple dahil narito ang …
  1. Mas maraming RESIBO– Dito, nakatupi pa ang lahat. Ito ‘yung mga resibong may nakakabit na “memories” (kung sentimental ka, you know what I mean). “Ah, my FIRST foot massage…”
  2. 5 ID CARDS– 1 from college, 1 PRC Card, 3 lumang IDs galing sa tatlong huling kumpanya na pinagtrabahuhan ko. Yes, I did not surrender them. What can I do, eh, sa naiwala ko, eh.
  3. 3 MEMBERSHIP DISCOUNT CARDS– Mula sa groceries hanggang video rental at Timezone.
  4. 2 CREDIT CARDS– Ito ang pinakamabigat dalhin, lalo na pag singilan na.
  5. 2 E-LOADS– Mahirap nang maubusan habang naglo-long distance.
  6. 1 CONDOM– Mahirap nang mapalaban habang nasa long distance.
  7. 1 TOOTHPICK– Hindi kasi kasya ang toothbrush sa wallet.
  8. POST ITs– Na iba-ibang kulay. Isa sa Post-It ko ay may nakasulat: “Throw all of these  Post-Its away!”
  9. TISSUE PAPER– Kung saan nakalista ang iba’t ibang phone numbers ng hopefully  “cute girls”  na hindi ko na matandaan kung saan ko napagkikilala. ‘Pag walang magawa, pinapahiran ko na rin ng kulangot ‘yung bawat sulok ng tissue paper kaya medyo yellowish na ito.

Sa kaliwang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • Isang malinis na puting PANYO (strange, but true!)

Isama n’yo na riyan ang actual weight ng isang lumang Levis 501, more or less mga dalawang kilo siguro ang bigat ng lahat.

Pantalon ko pa lang ‘yan.

Kaya nga tuwing gabi, pag-uwi ko galing trabaho na pagod na pagod sa maghapong kaka-chat, este….  kakagawa ng “customer’s files”, dahan-dahan akong lalakad papasok at tatayo sa gitna ng aming malamig na kuwarto…

luluwagan ko ang aking cowboy belt

at dali-daling itataas ang aking dalawang braso…

sa sobrang bigat ng aking pantalon, automatic na itong dadausdos pababa  mula sa aking beywang tungo sa aking mga tuhod.

Titingala ako sa kisame

at ng gaya ni Mel Gibson sa “Braveheart” nu’ng kinoronggo na siya sa puwet ng isang steel rod…

sumisigaw ako ng nakakabinging…

(photofrom: www.getreligion.org … Note: Hindi ako ‘yung nasa pic. Maputi ang legs ko.)

Agosto 27, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot.

Mga Puna

  1. jason replied:

    ahahahha pano nagkasya lahat yan!

    hahaha

    sakin ang bmubukol lang bukod sa natural na bukol

    ay Cellphone, coins, ahh un lang hahaha

    ay pati pala mga panyo.. marami…

    pede na ipakilo pantalon mo.
    o kaya pag hinagis mo
    kusang aandar na parang may sariling buhay

    hehehe

  2. frenchy replied:

    ahehe! ‘eto pa, ‘pag hindi ko nilabhan ang pantalon ko for a week, kaya niyang tumayo nang mag-isa sa sulok.

  3. aLps replied:

    Hindi ako naglalagay ng kahit ano sa pockets ko–naiinitan kasi ako. hehe.

  4. pinkdiaries replied:

    na curious aku sa tittle kaya sinundan ko agad ang link, hehehe

    ayus, tenks sa pag daan sa blog ko!

    have a nice day!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: