“BAGETS” baduy but BELOVED
PARA sa akin ang pelikulang “Bagets” ng Viva Films ang pinakakorning pagsusuma ng buhay-tinedyer noong Dekada ‘80. Sa sobrang kakornihan nito, natatawa kami ng misis ko tuwing napapanood namin ito sa cable TV. Natatawa pero nagno-nostalgia. Guilty pleasure, ‘eka nga.
Sunod usong-Bagets din kasi kami noong 1984 (edad-kinse kami noon). At unti-unti kong nadi-discover sa mga kuwentuhang-inuman kasama ng mga kaedad ko ngayon (kuwarenta na kami) na nasaan ka man naroon sa ‘Pinas noong pinalabas ito sa sinehan, malamang pa-bagets-bagets ka rin.
’Eto ang “Ultimate Bagets Quiz” . Kung alam mo ang karamihan sa mga sagot sa tanong na ito, itanggi mo man, ikaw din ang magbibisto sa tunay mong nakaraan: (ANSWERS are at the end of this piece.)
1. Sino ang kumanta ng theme song ng “Bagets” na may linyang “… I’m growing up, getting down, putting my both feet on the ground…”? Diabetic siya.
2. Sino sa limang castmembers ng “Bagets” ang nakasalamin? Vice Mayor na siya ngayon.
3. Sino ang pinakamatandang miyembro ng cast “Bagets” na sa tunay na buhay ay pinakasalan ang ka-love team niya sa pelikulang ito?
4. Sino ang ka-loveteam ni JC Bonnin sa pelikula?
5. Ano ang title ng dance anthem ng pelikula? Sinasayaw ito sa pamamagitan ng pagse-shake ng isang nakataas na braso, closed fist ( a la flying Superman), at ang isang kamay naman ay nakatapat sa tenga?
6. Ano ang sinasakyan ni Herbert Bautista noong nakilala niya si Jobelle Salvador?
7. Paano namatay ang karakter ni Yayo Aguila?
8. Anong kanta ni Raymond Lauchengco ang background music sa date sequence nila ni Eula Valdes?
9. Dalawa sa limang “Bagets” ang walang ka-date sa prom night sequence ng pelikula. Sino sila?
10. Sinong foreign singer ang ina-idolize ni Aga Muhlach sa movie?
MGA SAGOT:
1. Sino pa, di si Gary Valenciano. At kung alam mo ang title nito– “Growing Up” — malamang alam mo rin ang buong lyrics.
2. Si Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista.
3. Si William Martinez. Kinailangan siyang isama dahil siya ang pinakasikat na heartthrob noon. Malaking risk kasi ang pelikulang puro bago ang artista kaya hiniram siya from Regal Films. Ka-loveteam niya ang misis niya ngayong si Yayo Aguila.
4. Si Chanda Romero. May-December affair ang drama nila.
5. “Just Got Lucky” ng Joe Boxers. Hanggang ngayon ito pa rin ang isa sa most identified dance step ‘pag Dekada ‘80 ang topic.
6. Bisekleta ang sinasakyan ni Bistek nu’ng makita niyang nagdidilig ng halaman si Jobelle. Nahulog pa siya nang ma-love at first sight siya sa dalaga. Falling in love, literally.
7. Namatay sa car crash ang karakter ni Yayo. Nakipag-drag race kasi si William habang angkas siya sa kool na kool nilang dune buggy.
8. Ang walang kamatayang “So It’s You”. Highlight ng sequence na ito ang pagkanta ni Raymond na naka-black tux siya at si Eula naman nasa gitna ng isang malaking staduium (Rizal Memorial?) at nakasuot ng pang-Santacruzang gown. Surreal.
9. Sina Aga (dahil may asawa na ang love interest niya rito na si Baby Delgado) at si Herbert (dahil sa ending pa ng pelikula niya mapapasagot si Jobelle dahil akala niya boyfriend nito si Mon Alvir– pinsan pala).
10. Sino pa, si Michael Jackson. Sumayaw pa si Aga ng “Wanna Be Starting Somethin” na tuluyan nang nagpabaduy kay Michael Jackson sa mga Pilipino.
REFLECTION:
Kung napangiti ka ng 8 out of 10 questions dito at alam mo ang sagot mentally (kahit ayaw mong sabihin verbally), naki-”Bagets” ka rin pala noon. At malamang hanggang ngayon, naggi-gel ka pa rin. May nakatago kang Topsiders na pang-driving (lame excuse). At ‘pag natutuwa ka sa sinabi ng isa mong kausap, sasagot ka ng “Nice one! (Sabay apir.)
Kung napag-isip ka ng 5 out of 10 questions dito at habang sinasabi mong “Oo nga, no. Naalala ko na,” closet-”Bagets” ang tawag sa’yo. Pilit mong kinakalimutan ang ’80s. Kasi siguro wala kang kabarkada noon. O wala kang naging boy friend o girl friend. In short, kulang sa pagkabata.
Kung wala kang alam (0 ang score mo), you need to see this flick.
You’re either too young or chromosome ka pa lang noong pinalabas ito:
part 1: http://www.youtube.com/watch?v=-fpftOPjJ3I&feature=related
part 2: http://www.youtube.com/watch?v=4PfzlII0L4Y&feature=related
part 3: http://www.youtube.com/watch?v=johse1ryNh8&feature=related
part 4: http://www.youtube.com/watch?v=_VJ4JKRXPOs&feature=related
part 5: http://www.youtube.com/watch?v=DGtDqN0gvo0&feature=related
THE REST OF THE MOVIE: Kayo na ang maghanap sa YouTube
(at magpasalamat tayo kay JONETTE salamat sa pag-a-upload ng klasik na ito)
Para maunawaan mo kung bakit may mga pag-uugaling baduy ang parents mo or mga nakakatanda mong kapatid, panoorin mo ito dahil ganito sila noon. Baduy na talaga… pero kool.
Nice one!!! Apppiiir!
(aLjI05)
TATTOO or FALSE

(by ely m.) I also call this entry: “It’s easier to write in English as long as you don’t care about grammar and spelling.”
I HAVE always wanted a tattoo.
When I was 24, I planned to get one to match my Eddie Vedder hair (yes, it was the ‘90s).
But then I also needed an office job, so the hair had to go and without that as an accessory, getting a tattoo would have been pointless.
I was either going to be a rocker for the rest of my life or just be my geeky old self.
That was 16 years ago today and I have remained a geek.
But I haven’t scratched out “get a tattoo” from my “to-do-list”.
To celebrate my 40th summer, I’ve decided that this is definitely the year.
I was on my way to the tattoo shop when I had this awful toothache.
It was aching like mad; I had to change my plan and went straight to the dentist.
She said I have an infracted tooth that’s pushing against my gums causing this terrible ache.
She said I need tooth extractions—that’s extraction with an “s”—meaning more than one.
If I remember correctly I only have two gum teeth left. So, they both had to go.
How the hell am I going to chew now?
She said she will make for me some dentures.
Or, if I was against that idea, I can just keep my infected tooth and wait for my cheeks to swell.
That totally isn’t cool.
So, choices: A cool tattoo on my arm or an aching bloated face?
Suddenly, I was back in the ‘90s.
I had tears in my eyes when I said, “Make me some dentures… please.”
She made some molds of my teeth using this green plaster and told me my new dentures will be ready in a couple of days.
“This really is not cool,” I told her while shaking my head in disbelief.
“There’s a way to make it cool,” she answered.
“Put some water and ice in a glass…
“And dip your dentures in it overnight…
“That will make it cooler…
“Happy birthday, old man.”
(photo from castlerockdental.com)
Ang NAWAWALANG photos sa ELLAGANDA.COM
(ni Ely M.) MAY isang blogger na nagtanong:
“AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO?” << < click!
(strangely, hindi ma-download ang photos ni ella sa site niya. kaso kumalat na sa emails– see below)
May isang presidente na sumagot:
“LUZON RELIEF CARAVAN’S DELAY IRKS ARROYO” << < click!
May presidential-alalay na nagngitngit:
“DSWD CRIED FOUL OVER ALLEGATIONS OF HOARDING.” <<< click!
‘Yung mga biktima???
NAGDASAL NA LANG. <<< click!
So, where’s the…
PHOTOS (they did not want you to see) AND CAPTIONS BY ELLAGANDA?
Ito po– kayo na ang humusga:
NOTE from ELLA: “Pinagbawalan kaming kumuha ng photos. I wonder why…”
“Parang haunted warehouse ang dating…”
“Daig pa ang Divisoria sa dami nang naka-stack na kaldero…”

“Halos matakpan na ang bintana sa dami ng mga kahon…”

“Umabot na hanggang kisame ang stack ng mga kahon… Imported Coleman Camp Pads from the USA… Hindi ito kasama sa mga ni-repack namin.”

“Mahiwagang mga kahon from Japan Aid… Hindi rin ito kasali for repacking… ‘Imported’ is not included we concluded….”

“Imported pork and beans from Spain… Sorry hindi pa rin included…”
“Let’s take a look at what a victim will get… Kaldero ang unang ilalagay sa sako. Sabong panglaba at sampung lata ng sardinas sa ilalim. Siyam na sabon sa gilid ng kaldero. LOCAL GOODS lahat siyempre…”

“Tapos papatungan ng tuwalya, SANITARY napkin. Tatlong rolyo ng kumot. Blue water jugs (see first photo). Last but not the least, lalagyan ng dalawang banig.”

“Wow! May bagong shipment na naman…”
Sana eleksyon na…
Sana Pasko na…
Para mapunta na sa mga biktima
‘Yung matagal nang ibinigay para sa kanila.
‘Di ba ‘pag “PHILIPPINE” dapat PILIPINO?

(visualfrompinoydoglover.com)
(ni Ely M.) ANG katagang “Philippine” sa Tagalog ay katumbas ng katagang “Pilipinas”.
Sa Pilipinas pinakamarami ay ‘yung nagta-Tagalog, kaya ‘pag sinabing–salita ng “Pilipino” – Tagalog ang ibig sabihin niyan.
Kahit sa abroad ‘pag sinabi nilang “Oh, you’re Filipino—you speak TahGAlogk!”
Karamihan din kasi sa mga Pilipino o Filipino (pagsamahin na natin: F/Pilipino) sa pagkakaalala ko, nagkakaintindihan lang sa salitang Tagalog kahit na saan pang probinsiya ang pinanggalingan nila.
Eklat lang kadalasan ‘yung “You know, I speak in English because my Tagalog is not good.”
Ganu’n din ‘yung iba ‘pag nagsusulat: “You know, I write in English because my Filipino is not good.”
Yeh, yur PILIPINO is not good, but who kers?
Nag-isip ako—meron bang nagba-Blog in Fee-lee-pee-know “because their F/Pilipino is good”?
Hinanap ko ang pinakamagagaling na Pinoy Blogs sa Internet.
Kaya nag-Google ako. Tinayp ko: Best Pinoy Blogs…or Best Pilipino Blogs… or Best Filipino Blogs…
Pinindot ko ‘yang lahat… isa-isa.
(Wala kasi akong magawa.)
Nadismaya ako.
Wala ni isang best site na nagpi-Pilipino.
Wala ni isang best site na nagta-Tagalog.
Ang huli kong pag-asa:
“The 2009 Philippine Blog Awards.”
Ito raw ang listahan ng pinakamagagaling na F/Pilipino Bloggers sa Pilipinas at sa ibang bansa!!!
‘ETO ang listahan ng mga nanalo.
Pinuntahan ko lahat ng site ng winners.
Magagaling silang lahat– walang argumento riyan.
Ang mas nadismaya ako…
Bukod sa tuyongtintangbolpen.blogspot.com… (nanalo ng “Best Post”)
Lahat ng winners hindi nagpi-F/Pilipino.
Lahat ng winners hindi nagta-Tagalog.
Parang may mali.
Sa dinami-rami ng F/Pilipino bloggers na pagpipilian sa bawat sulok ng mundo na may Pinoy
… isa lang ang nakalusot?!
Para sa akin ngayon, si bolpen ang “Best Blogger of the Philippines.”
Tunay na Pilipino na nagta-Tagalog… nagpi-Filipino… nagpi-Pilipino…
(Teka—hindi ko kilala si Tuyong Tinta Ng Bolpen.
Wala rin akong intensyong makipagkilala.
Wala rin akong intensyon sa kontes na ‘to.
Natutuwa lang ako at pinili siya.)
Sana sa susunod—malamang hiling MO rin ito, oo IKAW na nagbabasa ngayon—
Mas marami sanang blogs na Tagalog – F/ Pilipino ang manalo.
Para mas maging makatotohanan ‘yung katagang “Philippine” na nakasabit sa mga katagang “Blog Awards”
Dahil ang katotohanan…
Pilipino rin lang naman ang TUNAY na makakaintindi ng mga pinagsusulat natin.
At kahit mag-type pa tayo ng patiwarik habang nagba-blog in English
puro Pinoy pa rin naman ang pabalik-balik na magbabasa ng mga bagay
at kaisipang tungkol sa Pilipinas at pagiging-Pilipino.
Tama ba ‘ko?
Oras na para i-click
ang “Reply”, “Puna” o “Komento”
Bagong QUALIFICATIONS for PRESIDENTIAL candidates

(by Ely M.) ANO ba ang kuwalipikasyon para mag-presidente ng Pilipinas?
According sa konstitusyon natin:
“In order to serve as the President of the Philippines one must be…
“A Filipino citizen by birth
“Able to read and write
“A registered voter
“A resident of the Philippines 10 years prior to the elections
“At least 40 years of age.”
Kaya pala ang mga batang musmos noon, ‘pag tinatanong sila
“Ano’ng gusto mong maging paglaki mo?
Sagot nila kadalasan: “Gusto kong maging presidente ng Pilipinas!”
Eh, kasi, madali lang talaga.
Pagkapanganak mo pa lang, qualified ka na sa Criteria Number 1.
Magtapos ka lang ng grade three, qualified ka na sa Criteria Number 2.
Bago matapos ang pagka-teenager mo, parehistro ka lang sa COMELEC, qualified ka na sa Criteria Number 3.
‘Wag ka lang mag-ambisyon na mag-abroad, qualified ka na sa Criteria Number 4.
At tumambay ka lang sa kanto hanggang tumanda ka, qualified ka na sa Criteria Number 5.
Kadali, ‘di ba?
Pero sa takbo ng situwayon ngayon dapat na yatang baguhin ang limang criteria na ito.
‘Eto na dapat:
“In order to serve as the President of the Philippines one…
“Must be a political clan member by birth or by ambition
“Must be able to hire family members or family friends to read and write on his/her behalf
“Must be able to pay 200 to 500 pesos per registered voter to win.”
“Must return to the Philippines after spending half-a-lifetime abroad as a double-citizenship cardholder 10 years prior to the elections. Must also be able to flee to his/her mansions abroad during worst case scenarios.
“Must be a self-righteous, self-centered, stubborn adult who’s quite familiar with menopause, mid-life crises and showbusiness.
“And must be able to break Philippine laws and get away with it.”
(photo from ryanericsongcanlas)
BAHA, BUBONG at BOBONG pulitiko
(ni Ely M.) TINA-type ko ito habang nakikinig sa OFW Secret RADYO .
Binaha ang Metro Manila today, September 26, 2008.
Maraming tao ay nasa bubong dahil lubog na ang mga bahay nila.
Lahat sila sumisigaw ng …
“Saklolo!”
(AFP photo)
“Sagipin n’yo kami!”
(photo from luisandthepolice@flicker)
“Malulunod na kami!”
(from www.boston.com)
“Nagugutom na kami!”
(photo from mylesgj@flicker)
Sagot ng mga autoridad:
“Konti ang rubber boats natin– hindi kayang sagipin ang lahat.”
“Naka-deploy na lahat ng trucks– antabay lang po.”
“‘Wag kayong mag-attempt na lumusong para hindi kayo malunod.”
“Hindi kayo mamamatay sa gutom kung hanggang bukas.”
“Konting hintay lang at paumanhin po.”
Hanggang sa dumilim na.
Tigil daw muna ang rescue para sa ilang lugar.
“Paano kami kung isang dangkal na lang lubog na ang ulo namin sa baha…
…kahit nasa bubong na kami?” sigaw ng mga tao.
Walang sagot.
Si Baranggay Captain, walang sagot.
Si Mayor, walang sagot.
Si Governor, walang sagot.
Si Congressman, walang sagot.
Si Senador, walang sagot.
Si Presidente, walang sagot.
Walang sagot.
Lagot.
(simulan na ang sisihan)
The OFW secret RADYO

(by Ely M.)“BANGUN!” ang malakas na sigaw ng radio namin kaninang umaga. For a second akala ko nagising akong bigla na nasa Pilipinas ako at nakikinig ng DZRH. Kaso ang karugtong, eh: “Apa kabar, Bapak-bapak dan Ibu-ibu?” (roughly translated “How are you, Gentlemen and Ladies?”). Nanlaki ang tenga ko habang nakangiwi. Nasa Indonesia pa rin pala ako. Indonesian radio pa rin ang umaalingawngaw. OFW pa rin ako.
Pareho lang nga pala ang meaning ng “bangun” in Tagalog at Indonesian. So, ‘yun na nga ang ginawa ko; bumangon na ako at na-miss ko na naman ang Pinas.
Habang nagkakape, bigla kong naisip, “Alangan namang walang online radio ang DZRH?
I’m one believer that the Internet was created by the Supreme Being to make His people happy-er. Kaya imposibleng wala, ‘di ba?
Humangos akong nakangiti papunta sa aking laptop at nanginginig na nag-type sa Google ng keyword na “DZRH “.
Among the Top 3 na lumabas, ito ang nakatawag ng atensyon ko:
DRZH– 666 AM Manila – Listen Online <<< CLICK THIS NOW!
May word doon saying “LISTEN”.
I clicked it.
At maluha-luha ako sa tuwa: MAY DZRH NGA ONLINE! Streaming in Live Tagalog! Loud and Clear!
Hindi lang ‘yun. In the same website you can get all other AM and FM Radio Stations!
http://radiotime.com/region/c_101036/Manila.aspx << < CLICK THIS, TOO!
Sa FM. I tried NU107, RX93, MAGIC 89.1 at DWLL– Works fine!
Sa AM, sinubok ko rin ang DZMM (Kapamilya) at siyempre, DZBB (Kapuso) para balanced news. Ayus rin!
“Is this my lucky day?” asked the cheapskate in me.
Hmmm… Meron kayang free live streaming ng Philippine TV Shows? (ang mahal kasi ng TFC at GMA Pinoy TV ‘kala n’yo)
Naghahanap pa rin ako.
So far, wala.
But, I found this site:
http://www.dapeke.co.nr/ << CLICK THIS QUICK!!!
Then, click “Home” first para sa complete list ng ABS-CBN at GMA Shows and Live Stream.
Works like Tivo.
From A-Z. ‘Yung past shows ng Dos (from Agimat Series: Tiyagong Akyat to Wowowie) at Siyete (from 24 Oras hanggang Zorro) meron sila. You have got to try it.
But also promise to keep these sites a secret for the sake of your kababayans abroad.
Alam n’yo naman kung gaano kahigpit ang corporate side ng mga istasyong ito.
‘Pag nagkabistuhan: Bye-bye Freebies!
At tuwing umaga mabubuwisit na naman ako sa sigaw na “Bangun” in another language.
IT’S so KORNY it’s FUNNY
STRAIGHT from my Yahoo inbox. Isang email na nakapagpasaya sa araw ko.
THE MARK OF…

MISTER: “Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!”
MISIS: “Eh, ako, sino?”
MISTER: “Ikaw si DACOS!”
MISIS: “Dacos? Sino ‘yun?”
MISTER: “DA COS of all my ZORROs!”
JOB INTERVIEW:

BOSS: “Ano ba’ng alam mo?”
APLIKANTE: “Ah, eh… alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis n’yo at kung saan nakatira ang kabit n’yo.”
BOSS: “Congratulations. Tanggap ka na!”
PROJECT

ANAK: “‘Tay, penge ng pera. May project kami, bibili ako ang ‘cocomban’.
TATAY: “Ano ka ba naman, anak. Hanggang ngayon ‘cocomban’ pa rin ang tawag mo.”
ANAK: “Ano po ba ang tama?”
TATAY: “Bomb paper.”
HEARING AID

LOLO PEDRO: “Galing ako sa doktor. Nakabili na ako ng hearing aid. Grabe! Ang linaw ngayon ng pandinig ko!”
LOLO JUAN: “Wow! Galing! Magkano ang bili mo sa hearing aid?”
LOLO PEDRO: “Kahapon lang!”
PUSA

MISIS: “Dear, iligaw mo nga itong pusa. Naka-sako na. Dalhin mo sa malayo.”
MISTER: “Okey, dear.”
(Pagkaraan ng anim na oras)
MISIS: “O, bakit ka ginabi? Nailigaw mo ba ‘yung pusa?”
MISTER: “Bwisit na pusang ‘yan! Kundi ko siya sinundan, ‘di na ko nakauwi.”
TATLONG TANGA, NAGSISIKSIKAN SA KAMA

TANGA No. 1: “Pare, ‘di tayo kasya. Bawas tayo ng isa. Sa lapag na lang matulog.”
(Bumaba si TANGA No. 2)
TANGA No. 3: ‘”Ayan pare. Maluwag na. Akyat ka na dito!”
PUZZLE

ELY: “Yahoo! Ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!”
JULIO: “Talaga? Gaano kabilis?”
ELY: “5 months!”
JULIO: “Ang tagal naman.”
ELY: “Matagal ba ‘yun? Eh, nakalagay nga rito sa kahon: ‘For 3 years and up!’”
KAPE

MISIS: “Ano ba’ng hinahanap mo riyan sa supot ng 3-in-1 coffee? Kanina ka pa silip nang silip diyan?”
MISTER: “Hinahanap ko ‘yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton, ‘SUGAR FREE’!”
KABAYO

PROCOPIO: “Sobrang tabatsoy ng misis ko kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya.”
JACK: “Ano’ng resulta?”
PROCOPIO: “Nabawasan ng sampung kilo ‘yung kabayo!”
(visuals courtesy of google images)
The FLYING HERMAPHRODITE
(Ely M.) PUNTA kami sa Bali Island ng Indonesia nu’ng July 2009. Alam na ng international community na maganda ang isla at puno ng “culture and tradition”. Ang nakakasorpresa ay ‘yung mga estatwa na nakakalat sa buong isla. May maliit. May malaki. Pero ang nakakagulat, marami sa kanila walang saplot (ahi-hi-hi!).
Sabi sa mga kuwento, bago sinakop ng mga taga-Netherlands ang Indonesia (same time na sinakop naman ang ‘Pinas ng mga Kastila), naka-topless din ang mga tao dito—gaya ng mga tao noon sa Banaue ng Baguio at mga tambay-kalye ngayon sa bawat kanto. At kung may “Barrel Man” nga ang Baguio, bagyo naman ang mga designs ng estatwa sa Bali. Medyo may pagka-wild.
Isa lang sa pinagtataka ko, mas maraming aring-lalaki ang naka-display sa mga estatwa nila at kokonti ang aring-babae. Ire-research ko nga kung bakit for later blogs.
In the meantime, here are some proofs of what I’m talking about:

“HABA LA DILA” statue (above): Kuha ito sa Monkey Forest, called as such dahil nagkalat ang mga unggoy sa loob ng kagubatan. Think Subic’s monkey forest but times three ang dami ng mga tsonggo sa loob. Mahalay tignan but it is in fact a religious statue. Nakita ko ito sa labas ng isa sa mga Balinese temples doon kung saan nag-aalay ang mga tao ng pagkain sa “Monkey King”. Transgender ang motif pero naisip ko, ke babae o lalaki siya, ang sarap siguro niyang maging syota.
Sa Pilipinas ‘pag ganito kahaba ang dila mo, malamang habulin ka ng taongbayan dahil pagkakamalan kang manananggal na humihigop sa tiyan ng mga buntis mula sa bubong ng mga bahay.

“WATER-WATER LILY” SCULPTURE (above): Nakita ko ito sa pond ng Bebek Bengkil, isang restaurant doon famous for serving the best roasted duck in Bali. Perfect partner ang picture na ito ng “mananaggal photo” sa itaas. Hindi dahil sa refreshing ang foliage sa background kundi ‘yung nakakatuwang maliit na statue in the pond. Kung mahaba nga ang dila sa first picture, ito naman, mahaba ang…
Look closely…

Ito ba ay estatwa ng… (a) isang cobra na handang tukain ang isang lalaki, (b) security guard sa Bebek Bingkil hawak ang kanyang batuta, (c) hita ng paa sa aktong nagpa-fying kick, (d) malaking buntot na mali ang tubo?
“BREAST MILK IS STILL BEST FOR BABIES” SCULPTURE (below): ITO nakaka-amuse din. Kuha ko ito sa loob ng isang souvenir shop sa lugar na tinatawag nilang Ubud. Para siyang advertisement for a breastfeeding campaign. Sarap na sarap ‘yung baby sa masustansiyang boobs ng nanay niya.

Pero on secandthought… hindi naman mukhang bata ‘yung dumedede dahil halos magkasing-laki lang sila nung may-ari ng boobs. At hindi naman yata nakakandong sa babae ‘yung dumedede kundi naka-“scissors” ang legs nila. Nu’ng na-realise ko ito, napalitan ang aking pagka-amuse ng pagka-arouse.
Ang sarap sanang mag-imagine.
Kaso, nu’ng tumingala ako…
‘Eto ang nakita ko.
Ang diyosa ng mga bading…

THE FYING HERMAPHRODITE!
Nagtatakbo ako pabalik sa hotel sa takot.
Baka habulin niya ako at sibatin sa puwet.
BAKIT may TAMBOK sa aking PANTALON?

(Ely M.) KUNG bibilangin mo ang lahat ng bagay na nakasabit sa katawan mo araw-araw, magugulat ka sa bigat ng daigdig na pinapasan mo.
‘Eto ang mga nakabukol sa pantalon ko:
Sa kaliwang bulsa ng aking pantalon:
- SUSI- napakaraming susi na hindi ko alam kung para buksan ang alin. Basta as far as I can remember, isa dito ay susi ng bahay namin.
- KENDI- Stork, Mentos at isa pang kulay Cherry na wala nang balot na nakadikit na sa bulsa. Tawag ko dito “emergency snack” lalo na kung matagal ang biyahe at walang fast food na madadaanan.
- COINS- Napakaraming barya na kung bibilangin ko, siguro kulang-kulang 50 pesos ang katumbas(kung iku-convert into pesos). Sa sobrang dami, minsan tinatanong na ako ng mga kaibigan ko kung may luslos daw ba ako.
Sa kanang bulsa ng aking pantalon:
- 2 USB- Mga impostanteng files na kung ipi-print lahat ay makakapuno ng dalawang steel cabinets.
- RESIBO- Ng kung anu-anong mga bagay na binili, ginamit, kinain ko at oo ‘yung iba dito, napulot ko lang sa kalye << save the earth ‘eka.
- CELLPHONE- Kung saan naka-record ang aking non-existing social life. At dahil lumang model at sobrang laki nito, madalas itong napapagkamalan ng mga babae as my ”talong”. I wish.
Sa kanang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:
- WALLET lang- Pero hindi ganu’n kasimple dahil narito ang …
- Mas maraming RESIBO- Dito, nakatupi pa ang lahat. Ito ‘yung mga resibong may nakakabit na “memories” (kung sentimental ka, you know what I mean). “Ah, my FIRST foot massage…”
- 5 ID CARDS- 1 from college, 1 PRC Card, 3 lumang IDs galing sa tatlong huling kumpanya na pinagtrabahuhan ko. Yes, I did not surrender them. What can I do, eh, sa naiwala ko, eh.
- 3 MEMBERSHIP DISCOUNT CARDS- Mula sa groceries hanggang video rental at Timezone.
- 2 CREDIT CARDS- Ito ang pinakamabigat dalhin, lalo na pag singilan na.
- 2 E-LOADS- Mahirap nang maubusan habang naglo-long distance.
- 1 CONDOM- Mahirap nang mapalaban habang nasa long distance.
- 1 TOOTHPICK- Hindi kasi kasya ang toothbrush sa wallet.
- POST ITs- Na iba-ibang kulay. Isa sa Post-It ko ay may nakasulat: “Throw all of these Post-Its away!”
- TISSUE PAPER- Kung saan nakalista ang iba’t ibang phone numbers ng hopefully ”cute girls” na hindi ko na matandaan kung saan ko napagkikilala. ‘Pag walang magawa, pinapahiran ko na rin ng kulangot ‘yung bawat sulok ng tissue paper kaya medyo yellowish na ito.
Sa kaliwang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:
- Isang malinis na puting PANYO (strange, but true!)
Isama n’yo na riyan ang actual weight ng isang lumang Levis 501, more or less mga dalawang kilo siguro ang bigat ng lahat.
Pantalon ko pa lang ‘yan.
Kaya nga tuwing gabi, pag-uwi ko galing trabaho na pagod na pagod sa maghapong kaka-chat, este…. kakagawa ng “customer’s files”, dahan-dahan akong lalakad papasok at tatayo sa gitna ng aming malamig na kuwarto…
luluwagan ko ang aking cowboy belt
at dali-daling itataas ang aking dalawang braso…
sa sobrang bigat ng aking pantalon, automatic na itong dadausdos pababa mula sa aking beywang tungo sa aking mga tuhod.
Titingala ako sa kisame
at ng gaya ni Mel Gibson sa “Braveheart” nu’ng kinoronggo na siya sa puwet ng isang steel rod…
sumisigaw ako ng nakakabinging…
(photofrom: www.getreligion.org … Note: Hindi ako ‘yung nasa pic. Maputi ang legs ko.)
Mahirap MABUHAY ‘pag WALANG CABLE

(Ely M.) Bago ako nag-abroad I was an idiot to think na pare-pareho ang palabas sa TV kahit saan ka pang lupalop ng mundo mapadpad—Mali. Kahit naka-cable ka pa, iba’t iba ang programming ng bawat bansa para sa same cable channel. Tailor made ito sa taste ng mga tao sa bansang tinitirhan mo. So, ang mga pelikula sa HBO sa States ay iba sa movies ng HBO Asia (kasama dito ang ‘Pinas).
Ang bad trip niyan kung wala kang cable sa labas ng Pilipinas—kasi hindi mo ma-afford. Ang mahal nga ng cable service dito sa abroad. At ang pinaka-baddest trip ay kung hindi nag-i-English ang citizens ng bansang kinalulugaran mo. You’ll get the worst kind of “free” shows sa local channel nila.
Nu’ng bagong salta pa lang ako dito sa Indonesia at wala pa kaming cable, wala ni isang English show sa local TV. Lahat ng palabas nagba-Bahasa Indonesia (ito ang tawag sa lenguwahe dito) . Ang Bahasa Indonesia ay parang pinagrambol na Ilokano, Bisaya at Kapangpangan—para ma- imagine n’yo kung papaano ito, ‘eto ang sampol: “Bisa saya ambil uang dengan kartu kredit saya?”
Anudaw?
Can I use my credit card to withdraw money? << in English
Kaya nga tuwing manonood ako ng local TV noon with my roommate, sumasakit ang ulo namin pagkatapos. Hindi ma-comprehend ng utak ko kung anuba ang sinasabi nila?!
Anoooobaaa?!
Like the local news– ang ginagawa namin, binabase na lang namin ‘yung supposedly message ng balita according sa actions nu’ng nagsasalita or ng eksena sa video.
“Ah, nagtatakbuhan… siguro may bombang pinasabog?”
“Hindi nakatawa ‘yung mga tao, e?”
“Artista siguro ‘yang pinagkakaguluhan nila?”
“Ah, presscon?!”
“Ahhhhhh…. Oo, nga.”
“May Biogesic ka pa ba?”
“Teka, ‘eto tubig. Puwede hati tayo?”
(Note all the question marks?)
BUT it doesn’t mean na hindi marunong mag-English ang mga Indonesians sa TV. Slang pa nga sila mag-English dahil karamihan ng celebrities dito or newscasters for that matter ay lumaki or nag-aral sa isang English speaking country, like Australia and the States. They speak Bahasa Indonesia by choice. So, dahil walang choice ang foreign-gers like us, you have to adapt to this kinda system.
On my second week sa bansang ito noong 2006, may isang gabi na hindi ako makatulog. Dahil hindi pa nga ako nakaka-adapt sa pamumuhay, binuksan ko ang TV. Mga 1 am na yata ‘yun.
At parang milagro – sa isang local channel—ipinapalabas ang Season 5 ng…
American Idol—AI…!!!
Hindi ito translated in Bahasa Indonesia… wala itong subtitles in Bahasa Indonesia.
Nagsasalita ang mga tao sa TV— IN ENGLUSH!
Nakita ko muli sina Simon Cowell, Randy Jackson at Paula Abdul na nagpapaiyak ng isang contestant na walang karapatang kumanta using their “destructive” criticisms.
Natuwa ako… at unti-unting tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata.
Before I knew it, umiiyak na ako.
Ang dami kong naalala.
Favorite kasi namin itong panoorin sa cable TV namin sa ‘Pinas bago ako nag-aboard.
So, habang nanonood ako at umiiyak… kumakanta ang mga contestants ng kani-kanilang “Stevie Wonder” themed songs.
Naalala ko ‘yung mga kasama kong nanonood ng AI mula pa nu’ng unang ipalabas ito sa Star World channel sa Pilipinas.
‘Yung mga kumpare kong mahihilig sa karaoke na it follows (in our case) mahihilig din sa AI.
‘Yung mga dati kong kaopisina na laging idini-discuss over lunchbreak kung bakit natsugi at nag-move on ang isang contestant.
‘Yung mga kapitbahay naming nakikinood dahil wala silang cable or pinutol na ng Sky Cable ‘yung tapped nilang linya.
‘Yung mga tawanan at alaskahan sa harap ng TV.
At ‘yung pamilya ko na naiwan sa Pinas.
Haaay nako.
Hindi ka ba naman iiyak niyan?
After the show I realized, hindi naman talaga ‘yung English language ang nami-miss ng mga tulad kong OFW na nakadestino sa isang non-English speaking country kundi ‘yung mga bagay na isinakripisyo naming huwag munang makita at marinig para lang mapaunlad ng konti ang buhay.
In some cases, like this one, kasama nga ang mga pamilyar na lengguwahe sa mga hindi mo muna maririnig.
Believe it or not, it took me nine months bago ulit nakapanood ng American Idol dito sa Indonesia.
Nu’ng finally nagka-cable na kami.
Sa awa ng Diyos.
(photofrom: mediadecoder.blogs.com)
It was 20 Years Ago Today

I DID NOT write this. Somebody sent it to me and it’s too good not to share with others.
Ito ‘yung mga ginagawa namin nu’ng mga huling taon ng pagkapresidente ni Cory, pagkatapos ng kauna-unahang EDSA Revolt at pagsisimula ng pagkalat ng sticker na “EDsa ‘92″– “Ed” meaning “Eddie” Ramos– si FVR, na nanalo nu’ng 1992.
Ito ang mga huling taon ng Dekada ‘80 at ang mga unang taon ng Dekada ‘90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.
Ito ang panahong tapos na ang Bagong Lipunan, pero malayo pa ang New Millennium. Hindi pa high-tech pero ‘di naman old fashioned. Saktong-sakto lang.
Ito ang panahon namin. “Kraakk-Booom!!!!” < sound epek ng kulog at kidlat.
Paano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?
Narito ang listahan na makapagpapatunay if you’re one of us.
R U?
1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng
hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.
2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)
3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Ajo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey
Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay
sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa ‘yun, eh, taga
Pilipinas sila?)
4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106″ hanggang maubusan ka ng hininga.
5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
6. Pumunta ang mga taga- MILO sa school niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)
7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na nakaitim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na sa sobrang luwag , eh, kita na minsan na ang dalawang “santol” sa loob ng pantalon.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa ikinakasal.
9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.
10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (Hi-tech na ‘yun noon)
11. Ang “text” noon ay mga karton na may sukat na 1 inch by 1 1/2 inch na may mga drawing ng pelikulang Pinoy. (At may dialog pa!). Kukuha ka ng tatlong text at pipitikin mo, sabay sigaw ng “TSOB!” Kung mananalo ka (medyo kumplikado ang explanation kung papaano– basta may “tsob”, ibig sabihin taob) bibilang ka nang ganito: “Sa-i, Mudawa, Mutayo-tayo-ta, Tomple!”
12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.
13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga sa saliw
na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can’t Touch This.
-
14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday Group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)
15. Kilala mo ang Smokey Mountain , (first and second generation)
16. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong “MightyKid”.
17. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores (pelikula na ito ngayon).
19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)
19. Naniwala kang original ang isang (baseball) cap kapag maywalong tahi sa visor nito. At kung original ang cap mo, siguradong mai-isnatch ito ‘pag nakasakay ka nang jeep o nakadungaw sa bintana ng bus na walang air-con (remember the red JD Bus sa EDSA?)
20. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Flanders a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga.)
21. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”
22. Alam mo din ang ibig sabihin ng “PERIOD– NO ERASE!”
23. For girls: malamang nag-away na kyo ng ibang friends mo dahil sa T.G.I.S. at Gimik! Pero nagkakasundo kayo dahil sa Tabig Ilog. (Jologs na kung jologs pero umamin ka!)
24. Madalas kang bumili ng “Wonder Boy” sa iyong suking tindahan.
25. Nilalagyan mo ng “Pritos Ring” ang bawat daliri mo at kakainin mong isa-isa.
26. Binabatukan mo ang mga kasama mo kapag nakakita ka ng kalbo o kotseng kuba (Volkswagen) tapos magtataas ka ng peace sign.
27. At minsan yung linyang “PERIOD NO ERASE” ay may dagdag pang “AKIN PADLOCK, AKIN SUSI” (Eh, di sayo! Hehe.)
28. Noon for little girls, hindi ka “in” pag wala kang magnetic pencil case na maraming pindutan at maraming lalagyan ng lapis at kung ano ano pa.
29. Noon wala ka sa “fashion” pag wala kang Pop Swatch (‘yung relong sinlaki ng wall clock for your wrist.)
30. Kabisado mo ang “Three O’clock Prayer” dahil sa “Three O’clock Habit” at saulado mo din pati ‘yung part na “we have just as one nation started the beautiful three o’clock habit…we hope that this becomes a daily habit with you…”
Bakit kaya ganon? Kahit ’sang lupalop ka ng Pilipinas lumaki noon, eh, nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.
Siguro’y dahil wala pang Cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang Playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote.
Kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho ng mga karanasan natin, masaya na rin akong naging bata (at binata) ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan, ‘di ba?
Haay, nako. Nakaka-miss ang ‘Pinas.
(imagefrom: fanpop.com)
Paano kung mali para sa ‘yo si MR. RIGHT?

(LJI) LAHAT ng lalaki na nanliligaw—nambobola rin.
Madali lang magsabi ng “I love you” pero mahirap pangatawanan ng salitang ito.
So—tanong ng isa kong kaibigang babae—ano ang pagkakaiba ng sinungaling sa seryoso?
Kung babae ka, sampung tanong lang ang dapat mong sagutin kung gusto mo talagang malaman kung totoong mahal ka nga ng syota mo.
Una: Nabigyan ka na ba niya ng bulaklak?
Kung hindi ka niya kayang bigyan ng napakasimpleng halaman (na puwedeng pitasin kahit sa tabi ng kalye), ano pa ang maaasahan mong maibibigay niya sa iyo?
Pangalawa: May naibigay na ba siya sa iyong “lovenote”?
Importante ang “lovenote” (sa papel man o sa text) kasi he’s putting his feelings in black and white, na puwede ring i-printed. In any court case, legal document na ito as proof of his undying love.
Pangatlo: Kaya ka ba niyang titigan nang matagal habang sinasabi ang “I love you.”
Maraming lalaki na sasabihing korni ang pag-a-“I love you”. Kung hindi niya kayang mag-exert man lang ng effort na sabihin ito sa harap mo, magduda ka na. Baka nga hindi ka niya mahal.
Pang-apat: Naipakilala ka na ba niya sa parents niya?
‘Eto ang secret girls—‘yung mga totoong mahal lang ng mga lalaki ang ipinapakilala nila sa mga magulang nila. Bihira itong gawin ng boys kasi, mahirap na kada buwan e iba ang ipinapakilala mo sa parents mo. Kahit ako, sa dinami-dami ng naging syota ko (ehermm…), ‘yung naging misis ko lang ang nakarating sa amin.
Panglima: Naaalala ba niya ang “monthsary” n’yo?
Kung lagi niya itong kinakalimutan ngayon pa lang, mas marami siyang makakalimutan sa darating pang panahon. Ang masama baka ikaw na ang kasunod na ma-erase sa memory niya.
Pang-anim: Nililibre ka ba niya tuwing date n’yo?
Kung ikaw ang laging gumagastos sa date n’yo, ganito rin ang mangyayari kung sakaling magkatuluyan kayo. Ikaw ang magtatrabaho at gagastos for your future family—believe me.
Pangpito: Nagho-holding hands ba kayo in public?
Ang PDA (Public Display of Affection) ang pinakakongretong katunayan na proud siya na kasama ka. Na nawawala siya sa sarili niya tuwing magkatabi kayo. Na ikaw lang ang mahalaga sa moment na ‘yun. Kung hindi niya kayang gawin ito, natatakot ‘yan na baka may makakita sa inyo—malamang ‘yung iba pa niyang girl friend o mga kaibigan ng girl friend niya, o ‘yung mismong misis niya..
Pangwalo: Madalas mo ba siyang kasama sa loob ng isang linggo?
Kung once a week mo lang nakakasama ang boyfriend mo, don’t expect na uuwi ‘yan sa bahay n’yo everyday kung sakaling kasal na kayo. ‘Yung mga ganitong lalaki, laging nasa lakwastahan, kabarkada o trabaho (kunyari). Kung uuwi man ‘yan, gabi na palagi kung kelan tulog ka na.
Pangsiyam: Nasigawan ka na ba niya?
‘Eto ang pinakamasama na puwedeng gawin ng boyfriend mo sa iyo. Kahit matagal na kayong mag-on, he has no right na sigawan ka niya dahil wala siyang karapatan. Legally speaking, he’s a stranger shouting at you. Wala kayong binding agreement na puwede ka niyang talakan or mag-feeling superior. Just imagine kung mister mo na ‘yan—baka hindi lang sigaw ang aabutin mo. Leave this kind of guy as soon as possible.
Pangsampu: Mas madalas ka bang umiiyak o tumatawa ‘pag kasama ka?
Ang love dapat nagpapasaya sa iyo. Kung mahal ka ng lalaki, dapat gagawin niya ang lahat para mapasaya ka niya. Kung puro problema, pasakit at sama ng loob lang ang ibinibigay niya sa iyo—DO NOT EXPECT THIS SITUATION TO CHANGE. Isa itong sneak preview ng magiging buhay mo kung magkakatuluyan nga kayo as husband and wife.
Sabi nga ng kasabihan, pakasalan mo ‘yung taong minamahal ka kahit hindi mo masyadong feel at ‘wag yung taong mahal na mahal mo na hindi ka naman feel.
At ituring mo na napakalaking blessing kung suwerte kang mahal ka rin ng minamahal mo dahil bihira na nga itong mangyari.
(visual from brendapool.com)
MICHAEL JACKSON FAREWELL– replays HERE!

Malinaw na live video– as it happened July 7, 2009– for those of you who missed it.
CLICK the LINK BELOW:
Growing Up With MICHAEL JACKSON
(LJI) MATAWA na kayong lahat, aamin ako today, I’m a big Michael Jackson fan. Kung magkakaroon kasi ng music playlist ang henerasyong kinabibilangan ko, malamang puro awitin ni Michael and pupuno dito. It was such a long time ago but I feel I need to write this down.
1. Give Love On Christmas Day (released 1970)
Sabi ng mga elders ng pamilya namin, noong mga bata pa raw kami, dinala nila kami sa isang concert ng Jackson 5 sa Araneta Coliseum diyan sa may Cubao, QC. Pero wala nga akong naaalala dito. Basta ang alam ko, isa sa senyales na malapit na ang Pasko sa bahay namin o sa buong Pilipinas ang pagpapatugtog till your ears bleed ng Christmas classic na “Give Love On Christmas Day” ng Jackson 5. At kung hindi n’yo pa alam, isang 12 year old Michael Jackson ang nagbu-vocals dito. At magpahanggang ngayon, required na chorus after ng linyang “…Taking time to be kind to one and all…” ang “hooo-hooo-hooo…”
2. She’s Out Of My Life (released 1979)
Hindi ko ‘to makakalimutan dahil kinanta ito ng isang babaeng classmate ko nu’ng high school para sa isang lalaking classmate ko rin. Sabi niya before singing, “This is dedicated to Neil…” at gaya nga ni Michael humihikbi din ‘yung girl at the end of the song dahil ayaw siyang pansinin si Neil. Natatawa naman si Neil dahil “HE’S out of my life” daw dapat ang tamang linya kung para sa kanya nga ‘yung dedication. Loko.
3. Don’t Stop Till You Get Enough (released 1979)
Sa sobrang kasikatan ng kantang ito ni Michael, may nag-translate nito in Tagalog. Ang kinalabasan ng linyang “Keep on with the force don’t, don’t stop till you get enough…” ay “Kaya John, magsumikap… dapat magsumikap ka…” at ginawa itong theme song ng “John En Marsha” ni Dolphy sa lumang Channel 9.
4. Someone In The Dark (special edition, released 1982)
Kasama ang kantang ito sa isang special album na ni-release to promote the movie “E.T. (the Extra Terrestrial) ” na dinirek ni Steven Spielberg. Hindi ko alam ‘yun dahil sa VCD ko na napanood ang E.T. after 10 years from its original showing dahil ayaw ni Spielberg mag-release ng video version. Pero 10 years ko nga itong ginigitara dahil masarap siyang kantahin. Sabi ni E.T. sa gitna ng kanta “Thaaaaaank you” kay Michael. Sana sumagot si Michael nang “Your Wehhhhhhhhllcome.”
5. Billie Jean (released as a single 1983)
The 1984 Grammy Awards was the first one I ever watched on TV sa Channel 9 (again). Sa TV plug kasi nito, nominated si Michael for several Grammy Awards including Best R&B Song for Billie Jean. Laking pasalamat ko dahil it was truly an historic night. He ended up with a record 8 Grammy Awards. Kinabukasan na-realize ko naging Jackson fanatic akong bigla nang napansin kong ginagaya ko na ‘yung Jackson walk sa intro ng Bilie Jean video habang ini-imagine kong umiilaw ‘yung tiles ng sahig namin sa bawat hakbang ko. Later on, ‘yung isang best friend ko named his first child “Billy” after the song. Joke namin, para ‘pag malaki na si Billy puwede siyang utusang bumili ng alak ng tatay niya with the words, “Billy– bili Gin.”
6. Beat It (released as a single 1983)
This was the song that kept playing in my head everyday while walking to school. Walking to the beat, ‘eka nga. I love the guitar solo sa song na ito at kung meron ngang list ng best guitar solos in a pop song, ‘yung guitar solo dito sa “Beat It” ang No. 1 ko. At bakit nga hindi siya magiging hayup sa galing – si Eddie Van Halen (ng rock band na Van Halen) ang nag-solo dito. Hindi nga lang guitars ang magaling sa song. Hayup din ang choreography at dance moves ni Michael sa video. During this time I discovered dancing. I hated dancing. But it became a guilty pleasure. Sabi nga ni Madonna sa kantang “Into the Groove“…lock the doors so no one else could see…” Siyempre kasama na porma namin ‘yung pormang Michael: konting “S” na palawit ng buhok sa may bandang noo—a la Superman at secretly pagdadala ng sequined glove in my pocket. ‘Pag may nagtatanong kung bakit may sequined glove ako, sagot ko “Nagta-trapik ako dyan sa kanto.”
7. Thriller (released as an album 1982)
If you’re a child of the ‘80s, I’m sure you know some of the dance moves from this classic song and video. Naglabas ng “The Making of Thriller” noon at ang ginagawa namin ng mga barkada ko, sino-slow motion naming ‘yung video para lang ma-imitate every dance move. Dito nga naming napatunayan na possible palang umikot nang pitong beses gaya ni Michael kung naka-Blah Blah kang sapatos. Sa sobrang familiar nga ng choreography nito, may nag-perform nito perfectly sa high school field demo namin nu’ng 1984. So, ‘yung mga bilanggo na nagti-Thriller sa Youtube, sorry to say, hindi sila ang original.
8. I Just Can’t Stop Lovin You (released 1987)
College student ako na naglalakad pauwi sa loob ng SM North Edsa (hindi pa siya “City” noon) nu’ng marinig ko ang kantang ito. Sabi ko, “Kaboses ni Michael? It’s been 5 years mula nu’ng na-release ang “Thriller”—may bago kaya siyang album? Lo and behold, sa harap ng record store (Odyssey yata) naroon nga ang poster ng album na “Bad”! Unti-unti akong nangiti. Nagbalik sa aking alaala ‘yung teenage Michael Jackson phase ko “Here we go again,” isip ko. Pero habang tinititigan ko ‘yung poster napansin ko, nag-iba na rin ang mukha ni Michael: mahaba ang buhok, maputi na may cleft chin at iba na naman ang kanyang ilong. He looked bad. Parang hindi kasi bagay ‘yung physical changes. Kaso sabi nga sa kanta, “I just can’t stop lovin you… Michael.” Nag-moonwalk ako happily the rest of my way going home na ikina-pudpod ng suot kong Chuck Taylor.
9. Smooth Criminal (released 1987)
“Moonwalker” ang title ng movie at dito pinagsama-sama ang lahat ng video ng album na “Bad”. Pinalabas ito sa isang movie theatre sa Recto kung saan malapit ang university namin. Buong tropa ko sa college nag-cut classes para lang manood nito at magsasayaw sa loob ng sinehan, especially during the extended video ng “Smooth Criminal”. It was the nearest thing to a Michael Jackson concert. Alam namin lahat ng kanta, alam naming ang dance moves at nagkabistuhan na na saan ka man lupalop ng Pilipinas lumaki, imposibleng hindi naimpluwensiyahan ang pagkabata mo ng musika ni Michael. Favorite dance move namin after watching “Bad” ay ang “crotch hold” (o hawak betlog). Dahil kay Michael hindi ka na nga mahihiya mag-adjust ng kargada mo in public kung kinakailangan.
HISTORY WORLD TOUR—December 10 1996 Asia World, Paranaque.
After 15 looooong years, nangyari nga ang imposible. Nagkaroon ng concert schedule si Michael Jackson sa Pilipinas. Nagtatrabaho na ako by this time sa isang showbiz magazine. At parang pinagtagpo nga ng panahon dahil nakakuha ang editorial office namin ng invites para sa press launching ng concert sa Manila Hotel. First time ko sa Manila Hotel at napakaengrande ng “ambulance” sa loob, siyempre engrande din ang concert (‘eto ‘yung same video na ipinakita during the launch). Dahil sa excitement na na-build up in me during the press launch, hindi nga ako na-satisfy sa free tickets na bigay sa press na pinauupo ka sa pinakalikod ng reclaimed land are ng Asia World, sa tabi ng naglalakihang metal cargo containers na ginawa nilang pader. Bumili ako ng tatlong middle seat audience tickets worth 3 thousand pesos each, mapalapit sa aking idol. One for me, one for another friend na MJ fan din and one for my future-misis. Ubos ang laman ng credit card ko only for this once in a lifetime chance to get close to my childhood idol.
10. Childhood (released 1995)
Among the 30 songs na included sa double album na “HIStory” ito ang nas-stick sa mind ko. Sabi sa first line ng kanta, tinatanong tayo ni Michael: “Have you seen my childhood?” Only then I finally understood kung ano nga ba si Michael, ano siya sa buhay ko. Sa buhay natin.
Siya ‘yung nagpapaalala nu’ng mga masayang Pasko sa Pilipinas nu’ng musmos pa tayo sa “Give Love On Christmas Day”; ‘yung teenage loneliness nu’ng wala ka pang girlfriend sa “Someone In The Dark” ; falling totally in love sa “I Just Can’t Stop Lovin You”; makagunaw mundong teenage heartbreaks natin sa “She’s Out Of My Life”; mga kalokohan ng tropang high school sa “Thriller”, “Beat It” at “Billie Jean” at goodtime sa college while listening to “Bad” at “Smooth Criminal”. Hindi lang pala nakadugtong si Michael sa ilang highlights sa buhay natin kundi naka-link din siya sa mga taong nakasama at nakilala natin habang pinapatugtog ang mga awitin niya sa radio o sa mga cassette at CD players noon. Kaya nga ‘pag nakikinig tayo ng iPod today ng illegally downloaded nating Michael Jackson song at ipipikit natin ang ating mga mata, nakikita natin muli ‘yung mga taong ‘yun at bumabalik lahat ng feelings from our own childhood.
After feeling like a child again during the two hour concert na ‘yun kung saan nakita ko ang 38 year old na si Michael nang malapitan, of course he looked old–er. May tiyan na—parang maliit beer belly. Parang nagli-lipsynch na. At parang hindi na niya kayang mag-spin seven times. But the same energy, the same passion and the same commitment to entertain us, hindi nawala. The crowd of 90,000 na nanood with us showed the same energy, passion and commitment kahit nga naghintay kami ng 15 years to get to that moment.
Pagkatapos ng concert, naglakad lahat ng audience from Paranaque hangang Manila bago makasakay ng taxi. Puno ang buong Roxas Blvd ng mga taong naglalakad: puyat, pagod, paos pero lahat nakangiti. Kami lalo dahil kung nakalimutan ko na nga ‘yung supposedly Jackson 5 concert sa Araneta nu’ng kamusmusan ko nu’ng late ‘70s—‘etong 1996 concert na ito ni Michael Jackson nagbalik muli for a moment ang “wonder in my youth”.
The next morning we all grew up and finally moved on (LJI).
