Kuwentong Taho

taho_vendor

MERON akong kainuman. Kaka-promote lang niya sa trabaho. After five gruelling years, na-promote siya from a “taho-maker” to a  “taho-seller”. Big career leap for him dahil mula sa marumi at madilim na pabrika ng taho sa may Pasig, makakalabas na siya ngayon ng pabrika at masisikatan ng araw. With option to travel pa around Pasig, QC and San Juan. Maglalakad nga lang. Karga ‘yung balde ng taho, sago at arnibal.

Pero in the course of his conversation with Da Boss, ‘eto daw ang sinabi sa kanya–

“Tandaan mo iho, malaking promosyon ito para sa trabaho mo. Pero ‘wag kang umasang ‘andito ka sa pabrika ko habambuhay. Kaya pilitin mong matutuhan ang lahat nang dapat mong matutuhan. Balang-araw magagamit mo ito sa ibang paraan, sa ibang panahon… sa ibang trabaho.”

Kinabahan ang kainuman ko sa mga katagang iyon. Na-promote nga ba siya? O na-demote? O na-warning-an?

“… ‘wag kang umasang nandito ka sa pabrika ko habambuhay?… magagamit mo ito sa ibang trabaho?”– “What the hell does that mean?!”– sigaw niya in a mix of British and Bisayan twang habang kinakamot ang kanyang ulo… sa taas, ‘tapos ‘yung sa baba.

Kinabukasan maaga siyang pumasok. Kinuha ang kanyang brand new balde ng taho. Isinukbit iyun sa kaliwang bahagi ng bagong kinis na kawayan. Sa kanan naman, isinabit niya ang lalagyan ng arnibal, plastic cup at sago. Inilagay ang Sunshine White Towel sa kanyang leeg at isinuot ang baseball cap na may tatak na Nikee.

Taas noo siyang lumabas ng pabrika at naglakad papalayo.

Papalayo ng pabrika

Patungo sa istasyon ng bus pabalik sa Bicol.

Hindi na nga siya babalik.

At hindi na rin niya ibabalik sa may-ari ang mga taho container niyang bitbit.

(tahophoto)

Hunyo 14, 2009. Mga kataga , , , , , , . KUPAL nation. 2 mga puna.