MICHAEL JACKSON FAREWELL– replays HERE!

thriller-michael-jackson

Malinaw na live video– as it happened July 7, 2009– for those of you who missed it.

CLICK the LINK BELOW:

MTV’s MICHAEL JACKSON: The Memorial

Hulyo 7, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 6 mga puna.

Growing Up With MICHAEL JACKSON

 (LJI) MATAWA na kayong lahat, aamin ako today, I’m a big Michael Jackson fan. Kung magkakaroon kasi ng music playlist ang henerasyong kinabibilangan ko, malamang puro awitin ni Michael and pupuno dito. It was such a long time ago but I feel I need to write this down.

1. Give Love On Christmas Day (released 1970)

Sabi ng mga elders ng pamilya namin, noong mga bata pa raw kami, dinala nila kami sa isang concert ng Jackson 5 sa Araneta Coliseum diyan sa may Cubao, QC. Pero wala nga akong naaalala dito. Basta ang alam ko, isa sa senyales na malapit na ang Pasko sa bahay namin o sa buong Pilipinas ang pagpapatugtog till your ears bleed ng Christmas classic na “Give Love On Christmas Day” ng Jackson 5. At kung hindi n’yo pa alam, isang 12 year old Michael Jackson ang nagbu-vocals dito. At magpahanggang ngayon, required na chorus after ng linyang “…Taking time to be kind to one and all…” ang “hooo-hooo-hooo…”

2. She’s Out Of My Life (released 1979)

Hindi ko ‘to makakalimutan dahil kinanta ito ng isang babaeng classmate ko nu’ng high school para sa isang lalaking classmate ko rin. Sabi niya before singing, “This is dedicated to Neil…” at gaya nga ni Michael humihikbi din ‘yung girl at the end of the song dahil ayaw siyang pansinin si Neil. Natatawa naman si Neil dahil “HE’S out of my life” daw dapat ang tamang linya kung para sa kanya nga ‘yung dedication. Loko.

3. Don’t Stop Till You Get Enough (released 1979)

Sa sobrang kasikatan ng kantang ito ni Michael, may nag-translate nito in Tagalog. Ang kinalabasan ng linyang “Keep on with the force don’t, don’t stop till you get enough…” ay “Kaya John, magsumikap… dapat magsumikap ka…” at ginawa itong theme song ng “John En Marsha” ni Dolphy sa lumang Channel 9.

 4. Someone In The Dark (special edition, released 1982)

Kasama ang kantang ito sa isang special album na ni-release to promote the movie “E.T. (the Extra Terrestrial) ” na dinirek ni Steven Spielberg. Hindi ko alam ‘yun dahil sa VCD ko na napanood ang E.T. after 10 years from its original showing dahil ayaw ni Spielberg mag-release ng video version. Pero 10 years ko nga itong ginigitara dahil masarap siyang kantahin. Sabi ni E.T. sa gitna ng kanta “Thaaaaaank you” kay Michael. Sana sumagot si Michael nang “Your Wehhhhhhhhllcome.”

5. Billie Jean (released as a single 1983)

The 1984 Grammy Awards was the first one I ever watched on TV sa Channel 9 (again). Sa TV plug kasi nito, nominated si Michael for several Grammy Awards including Best R&B Song for Billie Jean. Laking pasalamat ko dahil it was truly an historic night. He ended up with a record 8 Grammy Awards. Kinabukasan na-realize ko naging Jackson fanatic akong bigla nang napansin kong ginagaya ko na ‘yung Jackson walk sa intro ng Bilie Jean video habang ini-imagine kong umiilaw ‘yung tiles ng sahig namin sa bawat hakbang ko. Later on, ‘yung isang best friend ko named his first child “Billy” after the song. Joke namin, para ‘pag malaki na si Billy puwede siyang utusang bumili ng alak ng tatay niya with the words, “Billy– bili Gin.”

6. Beat It (released as a single 1983)

This was the song that kept playing in my head everyday while walking to school. Walking to the beat, ‘eka nga. I love the guitar solo sa song na ito at kung meron ngang list ng best guitar solos in a pop song, ‘yung guitar solo dito sa “Beat It” ang No. 1 ko. At bakit nga hindi siya magiging hayup sa galing – si Eddie Van Halen (ng rock band na Van Halen) ang nag-solo dito. Hindi nga lang guitars ang magaling sa song. Hayup din ang choreography at dance moves ni Michael sa video. During this time I discovered dancing. I hated dancing. But it became a guilty pleasure. Sabi nga ni Madonna sa kantang “Into the Groove“…lock the doors so no one else could see…” Siyempre kasama na porma namin ‘yung pormang Michael: konting “S” na palawit ng buhok sa may bandang noo—a la Superman at secretly pagdadala ng sequined glove in my pocket. ‘Pag may nagtatanong kung bakit may sequined glove ako, sagot ko “Nagta-trapik ako dyan sa kanto.”

7. Thriller (released as an album 1982)

If you’re a child of the ‘80s, I’m sure you know some of the dance moves from this classic song and video. Naglabas ng “The Making of Thriller” noon at ang ginagawa namin ng mga barkada ko, sino-slow motion naming ‘yung video para lang ma-imitate every dance move. Dito nga naming napatunayan na possible palang umikot nang pitong beses gaya ni Michael kung naka-Blah Blah kang sapatos. Sa sobrang familiar nga ng choreography nito, may nag-perform nito perfectly sa high school field demo namin nu’ng 1984. So, ‘yung mga bilanggo na nagti-Thriller sa Youtube, sorry to say, hindi sila ang original.

8. I Just Can’t Stop Lovin You (released 1987)

College student ako na naglalakad pauwi sa loob ng SM North Edsa (hindi pa siya “City” noon) nu’ng marinig ko ang kantang ito. Sabi ko, “Kaboses ni Michael? It’s been 5 years mula nu’ng na-release ang “Thriller”—may bago kaya siyang album? Lo and behold, sa harap ng record store (Odyssey yata) naroon nga ang poster ng album na “Bad”! Unti-unti akong nangiti. Nagbalik sa aking alaala ‘yung teenage Michael Jackson phase ko  “Here we go again,” isip ko. Pero habang tinititigan ko ‘yung poster napansin ko, nag-iba na rin ang mukha ni Michael: mahaba ang buhok, maputi na may cleft chin at iba na naman ang kanyang ilong. He looked bad. Parang hindi kasi bagay ‘yung physical changes. Kaso sabi nga sa kanta, “I just can’t stop lovin you… Michael.” Nag-moonwalk ako happily the rest of my way going home na ikina-pudpod ng suot kong Chuck Taylor.

9. Smooth Criminal (released 1987)

“Moonwalker” ang title ng movie at dito pinagsama-sama ang lahat ng video ng album na “Bad”. Pinalabas ito sa isang movie theatre sa Recto kung saan malapit ang university namin. Buong tropa ko sa college nag-cut classes para lang manood nito at magsasayaw sa loob ng sinehan, especially during the extended video ng “Smooth Criminal”. It was the nearest thing to a Michael Jackson concert. Alam namin lahat ng kanta, alam naming ang dance moves at nagkabistuhan na na saan ka man lupalop ng Pilipinas lumaki, imposibleng hindi naimpluwensiyahan ang pagkabata mo ng musika ni Michael. Favorite dance move namin after watching “Bad” ay ang “crotch hold” (o hawak betlog). Dahil kay Michael hindi ka na nga mahihiya mag-adjust ng kargada mo in public kung kinakailangan.

 HISTORY WORLD TOUR—December 10 1996 Asia World, Paranaque.

After 15 looooong years, nangyari nga ang imposible. Nagkaroon ng concert schedule si Michael Jackson sa Pilipinas. Nagtatrabaho na ako by this time sa isang showbiz magazine. At parang pinagtagpo nga ng panahon dahil nakakuha ang editorial office namin ng invites para sa press launching ng concert sa Manila Hotel. First time ko sa Manila Hotel at napakaengrande ng “ambulance” sa loob, siyempre engrande din ang concert (‘eto ‘yung same video na ipinakita during the launch). Dahil sa excitement na na-build up in me during the press launch, hindi nga ako na-satisfy sa free tickets na bigay sa press na pinauupo ka sa pinakalikod ng reclaimed land are ng Asia World, sa tabi ng naglalakihang metal cargo containers na ginawa nilang pader. Bumili ako ng tatlong middle seat audience tickets worth 3 thousand pesos each, mapalapit sa aking idol. One for me, one for another friend na MJ fan din and one for my future-misis. Ubos ang laman ng credit card ko only for this once in a lifetime chance to get close to my childhood idol.

10. Childhood (released 1995)

Among the 30 songs na included sa double album na “HIStory” ito ang nas-stick sa mind ko. Sabi sa first line ng kanta, tinatanong tayo ni Michael: “Have you seen my childhood?” Only then I finally understood kung ano nga ba si Michael, ano siya sa buhay ko. Sa buhay natin.

Siya ‘yung nagpapaalala nu’ng mga masayang Pasko sa Pilipinas nu’ng musmos pa tayo sa “Give Love On Christmas Day”; ‘yung teenage loneliness nu’ng wala ka pang girlfriend sa “Someone In The Dark” ; falling totally in love sa “I Just Can’t Stop Lovin You”; makagunaw mundong teenage heartbreaks natin  sa “She’s Out Of My Life”; mga kalokohan ng tropang high school sa “Thriller”, “Beat It” at “Billie Jean” at goodtime sa college while listening to “Bad” at “Smooth Criminal”. Hindi lang pala nakadugtong si Michael sa ilang highlights sa buhay natin kundi naka-link din siya sa mga taong nakasama at nakilala natin habang pinapatugtog ang mga awitin niya sa radio o sa mga cassette at CD players noon. Kaya nga ‘pag nakikinig tayo ng iPod today ng illegally downloaded nating Michael Jackson song at ipipikit natin ang ating mga mata, nakikita natin muli ‘yung mga taong ‘yun at bumabalik lahat ng feelings from our own childhood.

After feeling like a child again during the two hour concert na ‘yun kung saan nakita ko ang 38  year old na si Michael nang malapitan, of course he looked old–er. May tiyan na—parang maliit beer belly. Parang nagli-lipsynch na. At parang hindi na niya kayang mag-spin seven times. But the same energy, the same passion and the same commitment to entertain us, hindi nawala. The crowd of 90,000 na nanood with us showed the same energy, passion and commitment kahit nga naghintay kami ng 15 years to get to that moment.

Pagkatapos ng concert, naglakad lahat ng audience from Paranaque hangang Manila bago makasakay ng taxi. Puno ang buong Roxas Blvd ng mga taong naglalakad: puyat, pagod, paos pero lahat nakangiti. Kami lalo dahil kung nakalimutan ko na nga ‘yung supposedly Jackson 5 concert sa Araneta nu’ng kamusmusan ko nu’ng late ‘70s—‘etong 1996 concert na ito ni Michael Jackson nagbalik muli for a moment ang “wonder in my youth”.

The next morning we all grew up and finally moved on (LJI).

Hulyo 2, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 7 mga puna.

CyberSex Anyone?

chat

(LJI)

Ayon sa Wikipedia ang cybersex ay…

…Synonymous to “computer sex”, “internet sex” or “net sex”. It is a “virtual sex encounter” in which two or more persons connected remotely via a computer network send one another sexually explicit messages describing a sexual experience. It is a form of role-playing in which the participants pretend they are having actual sexual relations to arouse each other. Cybersex can be accomplished through the use of Usernames in a multiuser software environment, like YM, MSN, wordpress (i’m kidding!) or any internet website chatroom.

SEXAMPLE (translated from bash.org):

GalitnasiPedro: Hi, Lakambini. ASL?

Lakambini: 20 F Pasay. Kaw?

GalitnasiPedro: 22 M Makati. Private Message?

Lakambini: K

GalitnasiPedro: (in PM mode) What do you look like?

Lakambini: (in PM mode) 5’3” in height. Nakapula akong silk blouse ngayon, maong na mini-skirt at black high heels. 36-24-36 ang measurements ko sabi ng gym instructor ko. Ikaw?

GalitnasiPedro: I’m 6’2″. 280 pounds. Cute ako kaso  I wear thick glasses. Naka-pajama ako ngayon at T-shirt na natapunan ng ketchup. Kumain kasi kami ng galunggong kani-kanina lang dinner. LOL

Lakambini: LOL. R u feelin hot? Wanna cyber?

GalitnasiPedro: Ah, OK

Lakambini: Isipin mo nasa bedroom tayo. May lovesong na tumutugtog sa CD player. Dim light kasi scented candles lang ang ilaw. I’m looking up into your eyes, smiling. My hand works its way down to your crotch and begins to fondle your huge, swelling bulge.

GalitnasiPedro: Ambilis mo naman. Napalunok ako. Pinagpapawisan nang malamig.

Lakambini: I’m pulling up your shirt and kissing your chest.

GalitnasiPedro: Now I’m unbuttoning your blouse. Nanginginig ang mga braso ko.

Lakambini: I’m moaning softly.

GalitnasiPedro: Dahan-dahan kong inaalis ang malambot mong blouse.

Lakambini: I’m throwing my head back in pleasure. The cool silk slides off my warm skin. I’m rubbing your bulge faster, pulling and rubbing.

GalitnasiPedro: Napa-igwas ako dahil sa kiliti… Ay! napunit ko ang blouse mo. Sorry.

Lakambini: Ok lang. Mura lang naman ang bili ko diyan. Lmao.

GalitnasiPedro: Bayaran ko na lang.

Lakambini: Don’t worry about it. I’m wearing a lacy black bra. My soft breasts are rising and falling, as I breathe harder and harder.

GalitnasiPedro: Ah, e… HIndi ko mabuksan ang bra mo. Mahigpit ang lock. May gunting ka ba dyan?

Lakambini: I take your hand and kiss it softly. I’m reaching back undoing the clasp. The bra slides off my body. The air caresses my breasts. My nipples are erect for you.

GalitnasiPedro: How did you do that? Yumuko ako.. para pulutin ang bra mo sa sahig. Tinitignan ko kung paano mo nabuksan?

Lakambini: I’m arching my back. Oh baby. I just want to feel your tongue all over me.

GalitnasiPedro: I’m dropping the bra. Now I’m licking your… you know, breasts. Hihi. They’re nice!

Lakambini: I’m running my fingers through your hair. Now I’m nibbling your ear.

GalitnasiPedro: I suddenly sneezed. Your breasts are now covered with spit and phlegm.

Lakambini: What?

GalitnasiPedro: I’m so sorry. Ganu’n kasi ako ‘pag nahahatsing.

Lakambini: I’m wiping your phlegm off my breasts with the remains of my blouse.

GalitnasiPedro: I’m taking the wet blouse from you. I drop it with a plop… puno nga talaga ito ng plema at dura. Eeww.

Lakambini: OK. I’m pulling your pajamas down and rubbing your hard tool.

GalitnasiPedro: Eeeeeeeeee!!!! Napatili ako. Malamig ang kamay mo!

Lakambini: I’m pulling up my miniskirt. Take off my panties.

GalitnasiPedro: I’m pulling off your panties. My tongue is going all over, in and out nibbling on you…umm… Wait… wait a minute.

Lakambini: What’s the matter?

GalitnasiPedro: I’ve got a pubic hair caught in my throat. Kaahhk! KaaahhKK!! << choking

Lakambini: Are you OK?

GalitnasiPedro: Kaaahhkk!! Khaaakh!! Ubo! Ubo! Cough! Cough!

Lakambini: Can I help?

GalitnasiPedro: Napatakbo ako sa kusina. Kailangan ko ng tubig. Kaaahhk!!! Saan mo nilalagay ‘yung mga baso n’yo?

Lakambini: ????

GalitnasiPedro: I’m drinking a glass of water. There, that’s better.

Lakambini: Come back to me, lover.

GalitnasiPedro: Teka, huhugasan ko muna ang baso. Nakakahiya naman.

Lakambini: I’m on the bed arching for you.

GalitnasiPedro: Pinupunasan ko muna ang baso at ibabalik sa cabinet. Baka magalit nanay mo. And now I’m walking back to the bedroom. TekA, I’m lost. Where’s the bedroom nga ulit?

Lakambini: Last door on the left at the end of the hall.

GalitnasiPedro: I found it.

Lakambini: I’m tuggin’ off your pants. I’m moaning. I want you so badly.

GalitnasiPedro: Me too.

Lakambini: Your pants are off. I kiss you passionately-our naked bodies pressing each other.

GalitnasiPedro: Your face is pushing my glasses into my face. Dinidiinan mo ang salamin ko. It hurts.

Lakambini Why don’t you take off your glasses?

GalitnasiPedro: OK, but I can’t see very well without them. Oh, well. Hinubad ko ang salamin ko at inilagay sa side table.

Lakambini: I’m bending over the bed. Give it to me, baby!

GalitnasiPedro: Teka, teka..  iihi muna ako. Gumegewang-gewang akong nagmamadali papunta sa banyo. I can’t see well. Sa’n na nga ba salamin ko?

Lakambini: Hurry back, lover.

GalitnasiPedro: I find the bathroom and it’s dark. I’m feeling around for the toilet. I lift the lid.

Lakambini: I’m waiting eagerly for your return.

GalitnasiPedro: Madlim sa banyo. Hindi ko Makita ang ilaw. Ihing-ihi na ako! Ahhhh… ditto na lang… Oooops.

Lakambini: What’s the matter now?

GalitnasiPedro: Naihian ko ‘yung laundry hamper mo. Sorry ulit. HIndi ko napigil. Akala ko bowl.

Lakambini: Mmm, OK. Come on.

GalitnasiPedro: OK, now I’m going to put my…you know …Pedro…in your…you know…alam mo na.

Lakambini: Yes! Do it, baby! Do it!

GalitnasiPedro: I’m touching your smooth pwet. It feels so nice. I kiss your neck. Umm, I’m having a little trouble here.

Lakambini: I’m moving my ass back and forth, moaning. I can’t stand it another second! Slide in! Screw me now!
GalitnasiPedro: Teka… teka… lumambot.

Lakambini: What?!!!<< asar na

GalitnasiPedro: Lumambot si Pedro… ayaw nang tumayo…

Lakambini: I’m standing up and turning around; Nakakainsulto naman ‘yan.

GalitnasiPedro: I’m getting sad. Tumayo na ako sa kama. Kukunin ko ang salamin ko para tignan nang malapitan si Peds.

Lakambini: No, never mind. I’m getting dressed. I’m putting on my underwear. Now I’m putting on my wet nasty blouse na puno ng plema mo!

GalitnasiPedro: No wait! Kinakapa ko kung saan ko pinatong ang salamin ko… kapa… kap…Nasagi ko ang scented candles mo… natumba… papunta sa…

Lakambini: I’m buttoning my blouse. Nagbibihis na ako. Now I’m putting on my heels.

GalitnasiPedro: I’ve found my glasses. I’m putting them on. OH, NOOO! ‘Yung kandila… nasusunog ang kurtina ng kuwarto… Ahhhhh!!!!  Suuunoooggg!!!.

Lakambini: Go to hell. Putangina mo! I’m logging off. Loser!!!

GalitnasiPedro: Now the carpet is on fire! Oh noooo! Helllppp!!!! Nanaangkupooo!!!

LAKAMBINI HAS JUST SIGNED OUT

(imagefrom:cartoonstock)

Hunyo 23, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 2 mga puna.

Noong Unang Panahon…

carabao

KUNG sino man ang nagsulat nito (definitely NOT ME. It was sent via email), salamat nang malaki at naipaalala niya kung ano ‘yung mga bagay na nami-miss naming medyo “mature” na at kung ano ang nami-miss ng mga bata ngayon. Totoo nga mahirap ibalik ang nakaraan pero pwede namang balik-balikan.

Noong unang panahon…

Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan.

Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang.

10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon.

Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.

Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a.

Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.

Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa tumana.

Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal’s office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams.

Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak…

Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy’s noon.

Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong, “sketeng” (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.

Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.

Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)

May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo.

Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas – suot mo pa rin.

Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.

Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin… mas masaya noong araw!

Sana pwedeng maibalik…

Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob…

Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo…

Balik tayo sa nakaraan kahit saglit…

Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.

Noong wala pang mga drugs at malls.

Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.

Tayo noon…

Doon …

Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan.

Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa  “Mga Aninong Gumagalaw”

Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin, kasi wala namang calculator.

Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama.

Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae.

Inaasbaran ng mga suberbiyo.

Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.

Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?

Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?

Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan.

Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok, susuwi at espada?

“‘Susmaryosep” ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata…

“Estigo santo” kapag nagmamano.

Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa “berdugo” at sa “kapre”.

Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!

‘Yung crush mo?

‘Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -alembong, taeng-kabayo o biscocho?

Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel.

Kung gusto mo naman – pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat.

Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.

Madami pa…

Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin…

Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog.

Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.

Lipstick mo ay papel de hapon.

Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit.

Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan…

May mga program kapag Lunes sa paaralan.

May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.

Di ba masaya? Naalala mo pa ba?

Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na ‘yon…

Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang inaalaala iyon…

‘Di ba noon…

Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na “Sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?” Pag ayaw ang resulta di ulitin: “Sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?”…

Awit muna: “Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten…”

Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman.

Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti.

Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa.

Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.

‘Yung matatandang kapatid ang pinakaayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.

‘Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.

Kung naaalaala mo ito… nabuhay ka na sa

KAPAYAPAAN!

Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay…
MATANDA ka na rin! He he he!

Pero kung hindi ka maka-relate, tanungin mo lolo, lola, tatay, nanay mga tiyuhin at tiyahin mo at siguradong mapapangiti rin sila.

more reminiscing…

(photo from pbiongriffin)

Hunyo 20, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . TIMEtravel. 26 mga puna.

YOUtube ME, I tube YOU (Ah, Saraaaap!)

youtube

(LJI)

DIYASKENG YouTube.

Nagkaroon ako bigla ng bagong addiction bukod sa panonood ng cable, pagkain at pag-ebak, I can’t stop myself from ‘YouTubing’. Mula nu’ng maikabit ‘yung bagong ‘interweb’ connection namin dito sa aming tree house, hindi ko na mapigil ang sarili kong mag-online. I became an obsessed YouTube community member.

What’s my purpose? I’m in the process of stumping the site: ‘Ano’ng video kaya ang WALA sila?’ Halos lahat kasi ng topic naka-upload dito. Eh, ultimo ‘yung kasal ni Queen Elizabeth nu’ng 19kopongkopong, meron. Speech ni Ninoy Aquino nu’ng buhay pa siya–meron. Pati ‘yung hindi maintindihang report ni Michael Fajatin sa Saksi ng GMA7, nandu’n. At ‘yung Wowowee contestant na nagpasalamat sa Eat Bulaga, naroon din. Hmm?

So, I tried typing ‘At Seventeen’, ‘yung ’70s love song classic ni Janis Ian — my favorite kasi laging pinapatugtog sa Mellow Touch DWLL nu’ng kabataan ko. Mahirap, ‘di ba? Una luma na. Pangalawa, kanta siya at wa’ pang mTV nu’n. Pangatlo, sino na nga ba si Janis Ian? So, hintay ako ng mga 3 seconds… meron pa rin! 10 video-versions nu’ng kanta. Sampu maniwala ka– mula nu’ng ’70s na kumakanta si Janis sa isang tv show (girly pa siya dito), hanggang sa isang vid na 2000ish sa isang revival concert (lesbiana na si Janis dito and very old– the face and gender have changed but her sweet voice remained the same). And the video thread began right there. (Click ALL the BLUE links in this blog to understand what I mean).

A few seconds later, pinapanood ko na si Barry Manilow, kumakanta ng ‘Mandy‘ at age 20ish yata–pogi at lalaki pa. Si Robin Williams, David Letterman at Jay Leno nagsta-standup nu’ng ’80s– all long-haired and I just realized, long din pala ang baba nilang tatlo. ‘Tapos sina Tito, Vic and Joey sa isang ’70s Coke commercial mimicking Freddie Aguilar and Mike Hanopol. MERON din sila!?

Sa thread nina TVJ may nakita akong video entries titled ‘sexy commercials’ so I clicked it. Engrossing. Mga sexy ladies endorsing different products from beers to–sex? Nu’ng nakita ko ‘yung title na ‘sex’ , tumayo ang… balahibo ko. Totoo kaya? So I clicked it. I ended with a 7 minute very sexy video titled ‘Seducing a Maid’ from Spain– two girls kissing like there are no men on earth (Ha-ha! “Nakaisa” ako! No links this time. It’s all up to you to look for it.). To my surprise (ka-ching!) it’s an ad for a porno site pala. And YouTube allowed it. Kina-cut lang ‘pag magpapakita na ng nipples ‘yung mga ‘actresses’. But with or without the nips, pwede na rin.

The porno ad was very convincing…so, after a few more “accidental” clicks, aside from my membership to YouTube I also became an instant member of YouTubeMe.com (or Tubuhin Mo Ako). And it’s not a site for plumbers.

Diyaske.

(youtubephotofrom)

Hunyo 19, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 2 mga puna.

P35 Lang ang Sweldo ng Isang Senador?!!

HINDI ako ang nagsulat nito.

Galing ito sa isang kaibigan ng kapitbahay ng pinsan ng kinakapatid ng katulong ng isang manunulat pampulitika. Sa sobrang dami ng pinagpasahan, nakalimutan na nga ang pangalan ang author. Eniwey, ang mensahe naman ang mas mahalaga. Ire-relay ko na lang nang buo.

At sabay-sabay tayong magmura sa ending.

telembang

MAGANDA rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Sa isang episode ng Correspondents sa ABS-CBN sabi ni Senator Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na ang

P35,000 suweldo nila monthly ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador.

Ang totoo, kada buwan ay may

P2 Milyon Fixed Monthly Budget (meaning: panggastos) ang bawat Senador.

Para sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang na

P500,000 ang budget nila for Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at

P500,000 para sa Staff at Personal expenses (personal use, ‘eka nga). Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Kadalasan mga kamag-anak din nila ito. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employees?

Bukod diyan, may

P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel (biyaheng abroad for whatever dahil madali namang gumawa ng dahilan). At ang masakit pa nito, hindi na kailangang i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin ‘yan kundi Certification lang ang Requirement. Meaning OK lang kahit walang resibo.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mga Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng isang Senador na humigit-kumulang

 P1 Milyon din! — ahehe! Nadudoble ‘ika nga ‘pag chairman ka.

Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There’s food for everybody ‘ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

P200 milyon ang Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S..O.P. o kita ng Senador na

P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng

P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 – 30% ang komisyon ang hinihingi sa mga kontratista. Ito rin ang dahilan kung bakit napakaraming palpak proyekto ang gobyerno. Naibibigay kasi lagi ang kontrata sa pinakabobong kontraktor na pinakamalaking maglagay.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan?

Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!

ANG SARAP MAGING SENADOR! ! ! ”

PLEASE COPY AND FORWARD to as many of your friends and let the whole country know na sa mga KUPAL lang napupunta ‘yung mga tax na kinakaltas sa suweldo natin tuwing kinsenas at katapusan.

Haaay, nako.

(telembangfrom)

Hunyo 18, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 6 mga puna.

Shower Time

BAGO ako maligo, pakisagot lang ang aking tanong:

Please, CLICK the “box” of your choice.

Then CLICK  the “vote” button.

CLICK “view results” kung uzisero ka.

Tenkyu.

Hunyo 16, 2009. Mga kataga , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 1 puna.

Ano nga ba ang “KUPAL”?

smegma

(LJI)

Ano nga ba ang kupal?

Nag-search ako sa interweb at ito ang mga nakuha kong impormasyon:

Ayon sa www.urbandictionary.com and kupal ay

“tagalog word, meaning, a yellowish paste-like substance found inside the skin of an uncircumcised penis ”

or

“a term used to decribe an annoying, arrogant, stupid, dumb and/or foolish person.”

Anyway, for me, they are one and the same.

Parehong walang kwenta.

‘Yung una, walang kwentang tinga ng titi.

‘Yung pangalawa, walang kwentang tao sa mundo.

So, sila ‘yung ilan sa mga topic ng blog na ito– ‘yung mga entry na may TAG na ‘KUPAL Nation’, du’n natin sila idi-discuss.

Doon pag-uusapan ang mga kabuwisitan na gawa ng mga buwisit na tao.

At dito din natin sila bubuwisitin.

Dahil kupal silang lahat.

(drawingby)

Hunyo 14, 2009. Mga kataga , , , , . KUPAL nation. 11 mga puna.

Sa Wakas

blog cartoon

(LJI)

NGAYON ko lang na-realize marami palang ibig sabihin ang “sa wakas”.

Una, ibig sabihin may bagay na natapos. Tipong “Haaaaayy! Sa wakas! Natapos din!”

Pangalawa, senyales din ito na may magsisimula: “Haaaayy! Sa wakas ‘eto na!”

Oo nga. SA WAKAS

… nahanap ko rin ang instructions kung papaano gumawa ng isa pang blogsite sa wordpress.

…nakapili rin ako ng theme para sa blog na ito (I’m sure papalitan ko rin bukas–ulit).

… naka-formulate ng title (na tatlong oras ko yatang pinag-isipan. Ang ending ‘lang kwenta pa rin.)

Pero SA WAKAS may bago na naman akong website.

Pang-lima ko na yata ito.

Minsan tuloy naiisip ko mas nag-eenjoy pa yata akong gumawa ng website kesa mag-blog.

Kumuha na lang kaya ako ng web designing course?

Hunyo 14, 2009. Mga kataga , , , , , , , . I THOUGHT utot. 1 puna.

4:30

insomnia_cartoon_chruch_com

(LJI)

ALAS- kuwatro nang madaling araw.

Mahirap makatulog.

Minsan nagigising ka na lang na nag-iisip nang kung anu-ano.

Una tungkol sa mga problema sa buhay.

Pagkatapos segue sa mga nangyari nung mga nakaraang araw.

‘Yung mga nakaka-senti. Nakaka-asar.

‘Tapos ‘yung nga nakakatawa. Nakakakilig.

‘Tapos papasok sa isip mo ‘yung mga napanood mo sa TV bago ka matulog.

‘Yung pelikulang medyo bastos.

‘Yung leading lady sa pelikula na sexy.

‘Yung mga ginawa nung leading lady at leading man.

Tapos mapapatingin ka sa katabi mo.

Kakalabitin mo… “Honey…?”

Gigising siya.

At sabay…

BATOK SA ULO MO!

Habang sinasabi —

“KUNG AYAW MONG MATULOG MAGPATULOG KA!”

Diyaske.

Makapag-kape na nga lang.

Hunyo 6, 2009. Mga kataga , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 2 mga puna.

Naunang Pahina