Krep Yas Ni Ai Ai

UNA kong napanood¬†Ai-Ai Delas Alas sa isang karaoke bar (‘di pa uso videoke n’un) diyan sa may QC mga late-’80s.¬† Sabi niya nagbu-bus lang siya noon. Tipong gutom at poorelya. Laging nakasuot ng wardrobe na pinaghalong Bellestar Dancers at Alien from outer space (pinagtitinginan siya sa bus, ha! Pero wa siya care.). Kahit mukha siyang weirdo, masaya siyang panoorin at masayang kasama. At luka-luka na talaga siya nu’n na tipong malalaglag ka sa upuan sa katatawa sa kanyang mga spontaneous jokes.

Of course, with talent like that it was only a matter of time na madi-discover si Ai-Ai. Eventually sumikat at nagkapera. Bumili ng Jaguar (‘yung kotse, hindi ‘yung hayop). Bumili ng mansiones. Ang wardrobe niya ngayon, puro branded and sometimes even hot couture. Oo nga, nagmukha na siyang tao at super-sosyal dahil napalibutan na siya ng mga sosyal na tao.

Pero kapansin-pansin, naging korni siyang bigla. Hindi na ganu’n nakakatawa ‘yung jokes niya. Along with fame nawala yata ang pagka-luka-luka ni Ai-Ai. Nagmukha siyang malungkot. Parang mas madalas na siyang nakikita sa TV na kung hindi umiiyak ay nakikipag-sagutan sa mga katsismisan walang kinalaman sa comedy.

I stopped following her career along with a lot of people.

Until, nakita ko ito sa EeewwTube. Nalaglag ulit ako sa upuan. Tawa ako nang tawa. It was the ’80s once again.

Could it be?– Nabaliw na ulit si Ai-Ai?!

Happy na ulit siya.

Well, looks like it.

And I hope it stays that way.

CLICK the frozen picture below and see what I mean.

(videofrom)

Hunyo 17, 2009. Mga kataga , , , , , , . SHOO! biz. 3 mga puna.