GROCERY ng mga BALIW

(ely m.)–  SA pagpasok ng 2010, maraming mga bagay na dapat nang ibahin, alisin at itapon kasama ng 2009.

Sa paborito naming grocery, sinadya kong kausapin ang may-ari upang bigyan siya ng suhestiyon tungkol sa ilang produkto na kanyang ibinebenta sa kanyang tindahan.

Sabi ko sa kanya, mas makakatulong kung iibahin, aalisin at itatapon na niya ang mga ito sa mula sa kanyang grocery dahil hindi ito nakakatulong sa pagpaparami ng kanyang mga kliyente.

Muntik na nga naming i-boycott ang kanyang tindahan dahil marami sa paninda niya ang nakakainsulto.

Ito ang ilan sa mga produktong sa tingin ko’y nararapan na niyang tantanan:

FIESTA POKPOK (breaded chicken)– Binatukan ako ng isa kong kaibigan nang iregalo ko ito sa kanya noong nakaraang Pasko. Nainsulto raw siya. Ano raw ba ang gusto kong palabasin. Nakalimutan ko kasing dati nga pala siyang Japayuki. Hangang ngayong Enero hindi pa kami nag-uusap.

GERY SALUUT (chocolates) — Hindi lang ang kaibigan kong Japayuki ang nagagalit sa akin ngayon, kundi lalo na ang bestfriend kong si Gery. Laking pagkakamali ko nga nang ito ang iniregalo ko sa kanya sa aming exchange gift last December dahil pagkatanggap na pagkatanggap niya nito, nagkaroon bigla ng epidemic ng Bird Flu sa baryo nila. Siya nga ang sinisisi ngayong nagdala ng virus sa liblib na lugar na ‘yun pagkatapos niyang ipamigay ang mga tsokolateng ito sa mga kapitbahay nila.

BIG SHEET (dried sea weeds)– Noong binili ko ito, tuwang-tuwa ako at masarap naman talaga siyang papakin. Nakatatlong pakete yata ako. Laking gulat ko na lang dahil pagkatapos noon, tatlong araw din akong sinumpong ng constipation– hindi nga ako matae. Bakit? Kasi hindi magkasya ang size ng ebs ko papalabas sa butas ng pwet ko. Importante talagang intindihin ang “title” ng bawat kinakain natin.

POO (chips) — Ito ang nakita kong solusyon sa aking constipation problems dahil sa pagkain ng “Big Sheet”. Isang linggo akong kumakain ng “Poo”, mula Pasko hanggang Bagong Taon. Epektib naman ang produktong ito. Mula nang kumain ako ng “Poo”, hindi ko na nga kinakailang umire tuwing ako ay magpu-“poo”. Kusa na siyang lumalabas. Parang bukas na gripo. Advice ko lang matapos ninyong kumain nito, bumili na rin kayo ng maraming Modess at Whisper at mahirap ngang pigilan ang “cycle” ‘pag nagsimula na siyang tumulo.

BAWAL (kainin) — AT LEAST, sa fish section ng grocery naging honest ang may-ari to advice us kung ano ang pwede at “BAWAL” kainin. Nilampasan ko na nga ang area na ito at naghanap na ako ng ibang mabibili.

BULL FROG — Wala kaming mabiling Chicken or Ham noong New Year’s Eve kaya ito na lang ang ti-nurbo namin. Masarap pala kumain ng palaka habang umiinom ng Kopi Luak. What is Kopi Luak? Click THIS.

TRANSMORPHERS 2 — Sino ba naman ang hindi nase-sexy-han kay Megan Fox? Si Megan nga lang ang dahilan kung bakit ko pinanood ang “Transformers”. At inabangan ko talaga ang pagpapalabas ng Transformers 2. Kaya nang makita ko ito, binili ko agad. Kaso, hindi na naman nga ako nagbasa ng label– ibang pelikula pala ito. After wasting two hours watching this piece of sheet waiting for Megan Fox to appear, noon ko lang naintindihan ang ibig sabihin ng tag line na nasa cover ng (pirated) Blu-Ray Disc na ito: “Even the most dedicated Bad Movie fans will have difficulty slogging through this one”. And worst– wala nga si Megan sa pelikula.

AIR CORPSE (t-shirt) — IREREGALO ko sana ito sa kaibigan naming kapitan sa US Air Force. Mabuti na lang may nakapansin sa diyaskeng spelling na itinatak sa t-shirt. Imaginin n’yo na lang, idedestino siya sa Middle East at nakasuot siya ng ganito?

SUMMER VACATION (tour package) — SINO nga ba naman ang hindi matutuwa sa regalong ganito: Isang Summer Vacation Tour Package going to Singapore? Okey na sana, kaso ang sama ng mensahe sa ibaba ng poster. Kayo ba magpapa-schedule pa sa “departed” date na naka-post on this summer trip? Bagay na bagay nga ang package tour na ito kung balak ninyong bilhin at isuot ‘yung AIR CORPSE t-shirt sa itaas. Hahaha!

J.CO’s J.PoPs “Has Born” ! — PAGLABAS namin sa Grocery ng mga Baliw, napadaan kami sa isa J.Co Doughnut Store.  May bago pala silang produkto: ang “baby donuts”. Nang mabasa namin ang tag line sa display shelves nila, naengganyo na kaming bumili. Tamang-tama itong pansalubong sa bagong taon  — dahil 2010 Has Born!

Happy New Year sa lahat ng readers ng scannedthoughts!

Let’s continue scannedthoughting each other in 2010!

Enero 2, 2010. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot.

Mga Puna

  1. jason replied:

    wahahhaha ayos ng mga produkto ah..

    hahaha

    lalao na yung big sheet wahahahaha

    parang nakakainis lang kainin haha

    gusto ko ma experience yung bul frog..

    happy new year sayo!!

  2. scannedthoughts replied:

    Happy New Year din sa iyo, Jason.
    May you have all the bull frog
    experiences you wish for this 2010.

  3. aLps replied:

    Benta! Gusto kong makabili kahit isa lang sa mga ‘yan! :))

  4. scannedthoughts replied:

    Alright, aLps!
    I’m taking orders now. Alin ba ang gusto mo? Ipapadala ko sa ‘yo via Balikbayan Box. Isang kahong “Big Sheet”? Dalawang kilong “Pok-Pok”? Just send your orders and give me your address. I accept credit cards or Paypal.
    Nyha-ha-ha!

    Salamat sa pagbasa.

  5. etchosera replied:

    ang kukuletz ng mga pangalan ng mga paninda nyan lol:)

  6. scannedthoughts replied:

    uu nga, etchosera. wa etchos ‘yan.
    tnx sa pagdyoan ditesh. go akesh sa blog mo later.
    –fafa scannedthoughts

  7. leah replied:

    ely!!!!! ang galing mo talaga magsulat! keep it up! from now on, isa na me sa masugid mong tanga-hanga hahaha. joke lang! oy, babasahin mo rin blogs ko ha kahit boring at walang kwenta.

  8. scannedthoughts replied:

    thanks, leah, ha. ang sarap ng may tanga-hanga. magtatayo na ako ng fans club.

  9. hitokirihoshi replied:

    wahahahaha ang kukulit ng mga produkto dyan sa gorcery ng mga baliw, talaganag nakakaaliw.

    wala ba nyan dito sa pInas, nang mabisita naman.

    Happy Valentine’s Day po!

  10. scannedthoughts replied:

    mabuti naman at natawa ka, hitokirihoshi.
    sana nga magkaroon ng mga ito sa pilipinas at marami ngang pokpok at gerry na matutuwa sa asar.
    thanks for reading.
    ely m.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: