The OFW secret RADYO

radio

(by Ely M.)“BANGUN!” ang malakas na sigaw ng radio namin kaninang umaga. For a second akala ko nagising akong bigla na nasa Pilipinas ako at nakikinig ng DZRH. Kaso ang karugtong, eh: “Apa kabar, Bapak-bapak dan Ibu-ibu?” (roughly translated “How are you, Gentlemen and Ladies?”). Nanlaki ang tenga ko habang nakangiwi. Nasa Indonesia pa rin pala ako. Indonesian radio pa rin ang umaalingawngaw. OFW pa rin ako.

Pareho lang nga pala ang meaning ng “bangun” in Tagalog at Indonesian. So, ‘yun na nga ang ginawa ko; bumangon na ako at na-miss ko na naman ang Pinas.

Habang nagkakape, bigla kong naisip, “Alangan namang walang online radio ang DZRH?

I’m one believer that the Internet was created by the Supreme Being to make His people happy-er. Kaya imposibleng wala, ‘di ba?

Humangos akong nakangiti papunta sa aking laptop at nanginginig na nag-type sa Google ng keyword na “DZRH “.

Among the Top 3 na lumabas, ito ang nakatawag ng atensyon ko:

DRZH– 666 AM Manila – Listen Online <<< CLICK THIS NOW!

May word doon saying “LISTEN”.

I clicked it.

At maluha-luha ako sa tuwa: MAY DZRH NGA ONLINE! Streaming in Live Tagalog! Loud and Clear!

Hindi lang ‘yun. In the same website you can get all other AM and FM Radio Stations!

http://radiotime.com/region/c_101036/Manila.aspx << < CLICK THIS, TOO!

Sa FM. I tried NU107, RX93, MAGIC 89.1 at DWLL–  Works fine!

Sa AM, sinubok ko rin ang DZMM (Kapamilya) at siyempre, DZBB (Kapuso) para balanced news. Ayus rin!

“Is this my lucky day?” asked the cheapskate in me.

Hmmm… Meron kayang free live streaming ng Philippine TV Shows? (ang mahal kasi ng TFC at GMA Pinoy TV ‘kala n’yo)

Naghahanap pa rin ako.

So far, wala.

But, I found these sites:

http://www.pinoyonline.tv/2009/07/gma-online-live-streaming.html << CLICK THIS QUICK for GMA-7!!!

http://www.pinoyonline.tv/2009/07/kapamilya-online-tv-streaming-abs-cbn.html<< CLICK THIS QUICK for ABS-CBN 2!!!

Works like Tivo.

From A-Z. ‘Yung past shows ng Dos (from Agimat Series: Tiyagong Akyat to Wowowie) at Siyete (from 24 Oras, Eat Bulaga, hanggang Zorro)  meron sila. You have got to try it.

But also promise to keep these sites a secret for the sake of your kababayans abroad.

Alam n’yo naman kung gaano kahigpit ang corporate side ng mga istasyong ito.

‘Pag nagkabistuhan: Bye-bye Freebies!

At tuwing umaga mabubuwisit na naman ako sa sigaw na “Bangun” in another language.

Setyembre 25, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot.

Mga Puna

  1. hitokirihoshi replied:

    wow I’m really happy for you! talagang na -feel ko ang katuwaan mo.

    at isi-share ko itong info sa mga kapatid kong nasa middle east. thanks sa info!

  2. scannedthoughts replied:

    yes, please. pampabawas homesick. at alam mo, puwede rin ngang tumawag sa local radio stations para bumati sa mga kamag-anak abroad na mahirap kontakin, hindi makita o nagtatago. galeng, ‘di ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: