The Future’s So Gay

BAKIT nga ba parang pabata nang pabata ang mga bading ngayon? Sa mga susunod na araw pakinggan n’yo ang mga kinakanta at nilalaro ng mga bata sa kalye at kung maririnig n’yo ang mga sumusunod, tanggapin na lang natin nang maluwag sa dibdib that the future’s so gay!

Napanood n’yo ba itong episode na ito ng Bubble Gang ? After ipalabas ito, lahat ng bata sa baranggay namin ito na ang kinakanta.

NAALALA MO BA ANG LARONG ITO?
Sasara ang bulaklak. Bubuka ang bulaklak.
Papasok ang reyna. Sasayaw ng cha-cha.
Boom-tiyaya-boom. Tiyaya-boom. Ti-yeah-yeah.
Boom-tiyaya-boom. Tiyaya-boom. Ti-yeah-yeah.
Ah-boom!

BINAKLA NA NGAYON:
Bubukesh and floweret. Jojosok ang reynabelz.
Shochurva ng cha-cha. Pa-jembot-jembot fah.
Boom-tiyaya-vush, tiyaya-vush, che-nes.
Boom-tiyaya-vush, tiyaya-vush, che-nes.
Ah-vush!

EH, ANG CLASSIC ‘PENPEN DE SARAPEN” NOON?
Penpen de Sarapen, de kutsilyo de almasen.
How, how de carabao, batuten.
Pipit namamalipit. Ginto-pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat.
Sayang pula, tatlong pera. Sayang puti, tatlong salapi.
Bugbog. Manggang hinog.

‘ETO ANG REVIVAL GAY VERSION:
Pen pen de chorvaloo. De kemerloo. De eklavoo.
Hao, hao de chenelyn. De big yuten!
Sfriti! Dapat iipit. Goldness-filak na chumuchorva
Sa tabi ng chenes.
Shoyang fula, talong na fula.
Shoyang fute, talong na mafute.
Chuk-chak chenes. Namo uz ek!

ANG “TAGUAN-PUNG” NOON:
Tagu-taguan sa ilalim ng buwan.
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo!
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Anim, pito, walo, siyam, sampu!
Handa man o hindi, ‘eto na ako.

BAKLA NA RIN NGAYON:
Shogu-shoguan, ningning galore ang buwan.
Pang-counting ng krompu, naka-shogu na kayey:
Jisa, krolawa, shotlo, kyopat, jima,
Kyonim, nyitoert, walochi, syamert, krompu!
Mga beki andetrax na si atashi!

‘Yun na!

Gays have taken over the world!

CLICK THE ‘PANGET’ PICTURE BELOW TO SEE THE TRUTH!

Hunyo 16, 2009. Mga Marka: , , , , , , , . LOVE or kamunduhan.

Mga Puna

  1. hitokirihoshi replied:

    aray ko… naloka ako nung napanood yan hahaah

    pero wag naman sana… kasi sayang naman yhung sentimental value ng mga churvang yan, ang maigi e create na lang sila ng bonggang mga laro (yung wholesome na pambatang gay ha!)

  2. anakngpating replied:

    tawa rin ako ng tawa nung napanood ko yan eheh..
    adeeekkkk..
    hang kulet…
    hope hindi ganyan ang maging future ng mga chikiting ko hehe..

  3. dhyoy replied:

    kalerkey! haha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Trackback URI

%d bloggers like this: