MANNY PACQUIAO sings “IMAGINE”… could you imagine?!

IN this day and age, impossible things happening are quite possible.

“Black” Obama is now living in the White House.

Ninoy’s Noynoy got elected in the Philippines.

State Communism disappeared, individual terrorism appeared.

The most Perfect Tiger in the history of golf wasn’t as perfect as everybody thought.

A Time Traveler from the 21st Century was caught on film in Charlie Chaplin’s 1928 movie.

And now this:

MANNY PACQUIAO DOES A DUET WITH COMEDIAN WILL FERRELL!!!

Go, Manny!!!

PAC THEM ALL!

Nobyembre 3, 2010. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . SHOO! biz. 5 mga puna.

When I’m Alone I *bleep* Myself…

HERE’S my favorite song this week:

 

You know that I am called THE COUNT

Because I really love to *bleep*

Sometimes I sit and *bleep* all day

Sometimes I get carried away

**REFRAIN:

I *bleep* slowly, slowly, slowly getting faster

Once I start *bleep-ing* it’s very hard to stop

HEY!

Faster, faster, it is so exciting

I could *bleep* forever

*Bleep* until I drop– Hah!

1…2…3…4 — 1,2,3,4 — 1,2,3,4 —

1, 2… I love *bleep-ing* whatever the amount

Hah-hah!

 1,2,3,4… Hey-yeh-yeh-yeh…. hey-yeh-yeh-yeh

1,2,3,4… 1,2– that’s the song of the Count

I *bleep* the spiders on the wall

I *bleep* the cobwebs on the hall

I *bleep* the candles on the shelf

When I’m alone I *bleep* Myself

Repeat **REFRAIN

(AND NOW FOR THE MELODY, CLICK THE VIDEO BELOW)

Tired of Waiting? … CLICK THIS INSTEAD.

Setyembre 22, 2010. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 4 mga puna.

LOVE LETTER

Dear Koya,

IT was jazz an ordinary day. The skies were clear, the birds were chipping. Ang ganda-ganda ng araw! Nasa SM ako noon at katatapos ko lang mamili ng groceries. Timing naman nasa foodcore si Angel Locsin, nagpro-provoke ng movie nya. Grabe, andaming fans, pull-packed talaga! Dahil fans nya rin ako, nakipila na rin ako. Then suddenly, out of the loo, may bumulong sa akin ng :

 “Indaaayyyyy….”

 Huh? It sounded like a familiar sound. Who can it be now? “Dodong!” sigaw ko. Napalakas yata voice ko. Kasi the other fans turned their backs to their behind at napatingin sa amin. Sabi ko “Sorry, I didn’t mean to be loud and proud.” Hinawakan na lang ni Dodong ang kamay ko at lumayo kami from the crowd. 

 “Kamusta na Inday? Do you come here open?” tanong nya.

“Bihira lang, Dodong. I’m just droppings by. Ethnic ang schedule ko eh” sabi ko. Memories came flushing in my mind. How can I forget to remember Dodong? Siya na may mata ni Piolo, dimple ni Aga, at bigote ni Rex Cortez. He’s every woman’s dreamboat. I was just starting my tour of duty kay ate noon nang unang makilala ko si Dodong. Contraction worker siya sa ginagawang bahay sa tapat namin. Naging kami for a while then after that were not an item anymore.

“Tanghali na Inday. What did you say we have lunch together?” tanong ni Dodong. “I don’t mine,” sagot ko.

Sa restaurant, nilapitan kaagad kami ng waiter. “What’s your odor sir?” sabi nung waiter kay Dodong. “Do you have porkshop?” tanong ni Dodong. “Yes sir” sabi nito. “Our porkshop with a resistance to the teeth of boast of our chef. Domestic careful selection of pork with little fat of female liking is used. The exquisite cooking which repeated trial and error and was completed. It also has healthy vegetables with salad feeling fully,” dagdag pa niya.

“And you mam?” sabay tingin naman sa akin. Hmmm.. Mukhang masarap yung porkshop. Pero I’m cutting down on my carbon kaya pinigilan ko. “I’ll just have water, thanks. Liquidate diet ako eh,” sagot ko. 

Pagkatapos kumain, nagyaya si Dodong manood ng sine. Teka teka, this is going too far. Besides, it’s a long, long, way to run. “Reality chess, Dodong. May asawa na ako, si Jay. As a mother of fact, I’m happily married” pagmamalaki ko. “Di na pwede yung tulad ng dati. Sorry pero I didn’t expect you still have more feelings than I expected. I don’t want you getting the way. Past is fast. Therefore, cause and defect.” dagdag ko pa. Tumahimik sya. Parang may language barrel na namagitan sa amin. The seconds that passed seemed like fraternity. Di nagla-on, nagsalita na rin sya.

“I don’t care less!” sigaw ni Dodong.

Shocks, give me a brake! The nerd ng taong ito para sigawan ako! To think it’s his other woman that caused our separation to part. Kinabahan na ako. I felt speedbumps all over my body and was having panic attach. Tinalikuran ko siya at nagmadali akong lumakad palayo. Pero sumunod pa rin siya like a monkey on my butt. Hanggang sa makakita ako ng security guard. Biglang nawala si Dodong. “Excuse me kuya, pwedeng magtanong?” sabi ko sa mamang guard. “Of course miss, I can help you with my pleasure.” sagot niya. “Saan po ba ang exit? Could you point me to the right erection? I got lost in my eyes.” “Diretso lang.”sabi niya. “Then turn right anytime with care.” “Thanks for your corporation” sabi ko. Buti na lang nandun si kuya. Pero saglit lang, I smell something peachy. As I turned, nakita ko na namang nakasunod si Dodong! Delaying static lang pala kanina ang pag-disappear nya. “Nyahahaha! You can run but you can hide, Inday. No matter where you go, there you are!” pananakot nya.

Oh no, is this the end? This is too much, I feel degradable. My world started falling afar. Then suddenly, Jay come from behind! Dodong was caught to the act! In the matter of minute, it’s all over. I’m out of arm’s way. “Thanks Jay, my love. But how did you.?” bago pa man ako matapos, sabi niya “I was in the neighborhood. Fans din ako ni Angel eh. I heard you shout but at first I didn’t give it a thought. Pero nang makita ko kayong magkahawak ng holding hands, then I give it a thought. I know something is a missed.” 

Prom then on, Dodong did not brother me again. In fact, he didn’t even sister me. As in platonic at wala na talaga. Pero kami ni Jay, heto, shoot sailing pa rin ang relationship. Lalo pa ngayon, open na kami sa isa’t isa at walang exhibitions.

I feel I’m on cloud line. 

Same to you,

INDY

Setyembre 13, 2010. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . LOVE or kamunduhan. 6 mga puna.

“Age” by Larry Miller

(by ely m.) WHILE digging into some more email trash that’s been clogging my yahoo account (been doing this for a couple of months now– I’m sure you’ve noticed if you’re a regular “scannedthoughtero”), I came across this classic philosophical chainmail disguised as internet goobledigook. The thing is, this one actually makes a lot of sense.

And having all the time in the world, I Googled for more info about it: about George Carlin mainly, because it was attributed to this late, great standup comic. Turns out, Carlin was not the author of this standup classic. It was actually Larry Miller.

We all know who George Carlin is (yes, he’s the ponytailed  “Rufus”  in “Bill and Ted’s Excellent Adventure“).

But who the hell is Larry Miller?

He’s the gay guy from “Princess Diaries 1 and 2“– the one who did the makeover for hottie Anne Hattaway.

So, this blog will help hopefully in setting the record straight: That Larry Miller is THE MAN!

And George Carlin had a totally diferent take on “Ageing”.

Here’s the whole Classic Email:

Do you realize that the only time in our lives when we like to get old is when we’re kids?

If you’re less than 10 years old, you’re so excited about aging that you think in fractions. ‘How old are you?’

‘I’m four and A HALF!’

You’re never thirty-six and a half. You’re four and a half, going on five! That’s the key.

You get into your teens, now they can’t hold you back. You jump to the next number, or even a few ahead.

‘How old are you?’

 ‘I’m GONNA be 16!’

You could be 13, but hey, you’re gonna be 16!

And then the greatest day of your life ! You become 21. Even the words sound like a ceremony.

“You BECOME 21. Yesss!!! “

But then you

TURN 30.

Oooohh, what happened there? Makes you sound like bad milk! He TURNED; we had to throw him out. There’s no fun now, you’re Just a sour-dumpling. What’s wrong? What’s changed?

You BECOME 21

 You TURN 30

then you’re PUSHING 40.

Whoa! Put on the brakes, it’s all slipping away.

Before you know it,

you REACH 50

and your dreams are gone.

 But wait!!!

 You MAKE it to 60.

 You didn’t think you would!

  So you

BECOME 21, TURN 30, PUSH 40, REACH 50 and MAKE it to 60.

 You’ve built up so much speed

 that you HIT 70!

 After that it’s a day-by-day thing;

you HIT Wednesday!

 You GET INTO your 80′s

and every day is a complete cycle;

you HIT lunch; you TURN 4:30; you REACH bedtime.

And it doesn’t end there.

Into the 90s, you start going backwards;

‘I WAS JUST 92.’

Then a strange thing happens. If you make it over 100, you become a little kid again.

‘How old are you?’

‘I’m 100 AND A HALF!’

May you all make it to a healthy 100 and a half!!

(Here’s the actual video of Larry doing this bit.)

Here’s George Carlin’s:

And here’s the source that definitely prove where the confusion started:

Case closed.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Abril 19, 2010. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Pilosopo PHILOSOPHY, WTF is GRAMMAR?!. 4 mga puna.

Ang Sikreto ng MAHABANG BUHAY: USE your 9 HOLES everyday!

(ni Ely M.) MARAMING bagay sa mundo ang nadidiskubre nang hindi sinasadya. Karamihan sa mga discovery na ito ay napakahalaga, gaya ng Gravity, DNA, X-rays, Atoms at ‘yung katotohanang hindi pala planeta ang Pluto.

 Pero may mga bagay ring mahalaga na hindi pa nadidiskubre. Gaya ng sikreto ng mahabang buhay. Wala pa raw nakakaalam kung ano talaga ito. “Raw?”

 Akala lang ‘yun ng mga eksperto.

 Ang totoo, alam ko na kung ano ang sikreto ng mahabang buhay: BUTAS!

 Minsang nagbibisikleta ako, nabutas ang gulong ng aking makalumang sasakyan. May pakong-ligaw na tumusok sa gulong nito at nagulat akong bigla nang pumutok ito nang napakalakas. Tumalon ako mula sa bisikleta at nalaglag sa kanal sa tabi ng kalye.

Akala ko baril.

 Naglakad ako sa kahabaang ng kalyeng ‘yun na basang-basa ang aking white walking shorts kunsaan bakat na bakat ang aking yellow walking briefs. Malalim ‘yung kinahulugan kong kanal at maamoy.

Ano nga ba ang tawag sa malalim at mabahong kanal?

 Ah, imburnal.

 Kahit basa, kailangan kong makakita ng vulcanizing shop. Alangan namang kargahin ko ang bisikleta ko nang limang kilometro pabalik sa amin.

 Makaraan ng mga dalawang kilometro, nakakita rin ako ng vulcanizing shop at ang tumulong sa akin na ayusin ang butas kong gulong ay isang matandang Indonesian.

 Kamukha niya si Gandalf ng Lord of the Rings. Brown Gandalf version nga lang. Paika-ika siya at medyo sakang kung lumakad. Pero kakaiba ang kanyang sigla at lakas. Binuhat niya ang bisikleta ko. Tinanggal niyang mag-isa ang gulong. Nilubog sa isang drum ng tubig para makita ang singaw. Pinatsehan ng goma at rugby ang butas. Binombahan ng hangin. Umupo siya sa bisekleta ko at sinubok niya itong i-pedal. Nagpaikut-ikot siya sa vulcanizing shop sakay ng bisikleta. Nag- bunny hop, wheelie at bar spin. Nanlaki ang mga mata ko sa eksenang iyon.

 Mukhang beterano ng 1934 X-Games ni Lolo. Kung may X-games na nga noon.

 Habang naghihintay ako ng aking sukli, tinanong ko siya. “Berapa umurmu?” (roughly translated: “How old are you?”) Sagot niya: “Saya seratus-tiga tahun.”

Nalaglag ang basa kong walking shorts sa sagot niyang ‘yun. Hinatak ko agad pataas bago niya makita ang SpongeBob briefs ko. “I em 103 yers old?!” ulit niya.

 Dito nagsimula ang isang “teachable moment” (words ni Oprah). Ipinasa sa akin ni “Gandalf the Brown” sikreto ng kanyang mahabang buhay:

 “Maximize the 9 holes of your body!”

Gamitin mo ang 9 na butas mo sa katawan araw-araw.

 Ito ang payo ni Lolo Antok (tunay niyang pangalan, hindi pala Gandalf), isang Indonesian na 103 years old na ngayon, may-ari ng isang vulcanizing shop 5 kilometro mula sa bahay namin.

 Tahimik akong nagbilang nang marinig ko ang kanyang payo: 2 ang butas ng mata, 2 sa tainga, 2 sa ilong, 1 sa bibig, 1 sa pwet at 1 sa ari.

Siyam nga.

 Nangiti naman si Lolo ng pilyong ngiti.

 Ipinaliwanag niya ang kanyang pilosopiya (ita-translate naming in Taglish):

 “Ang walong butas ng katawan ang pinaka-sensitibo, “ simula niya habang nakatingin sa malayo na parang may mamumuong luha sa kanyang mata.

 “Mata ang sense of sight. Ilong ang sense of smell. Bibig ang sense of taste. At ang pwet at ari naman ang pinaka-sensitive sa touch.

 “Kung nama-maximize mo ito, nama-maximize mo ang kung papaano mabuhay sa araw-araw.

 “Nama-maximize mo ang pagiging tao.

 “Naaamoy mo ang lahat, mabango man o mabaho.

 “Nalalasahan mo ang lahat: tamis, alat, asim, at pakla.

 “Nakikita mo ang lahat: kabutihan at kasamaan, kagandahan at kapangitan.

 “Naririnig mo ang lahat: musika, ingay, tsismis, katotohanan at kasinungalingan.

 “Nararamdaman mo ang sakit, sarap at hapdi ‘pag may papasok o lalabas man sa iyong katawan.

 “‘Yan ang halaga ng pagiging tao. Hindi ka dapat umiwas o magpanggap na hindi nag-e-exist ang mga damdaming ito.

 “‘Yan ang buhay. At kung buhay ka ngang talaga dapat mong maramdaman iyan nang balanse– araw-araw. Balanse dahil lahat ng sobrang paggamit sa mga butas na ito ay nakakasama sa katawan.

 “Kaya ang bibig, kung gagamitin mo sa pagsasalita, dapat gamitin mo rin ang tainga mo sa pakikinig sa sinasabi ng iba. Hindi puwedeng ikaw lang ang salita nang salita.

 “Ang tainga dapat nakikinig sa lahat ng anggulo ng isang idea o usapin. Hindi puwedeng ang pinakikinggan mo lang ay ang mga bagay na gusto mong marinig at paniwalaaan.

 “Ang ilong, kung puro baho lang ang inaamoy mo, masama rin ito sa katawan. Maghanap ka rin ng mga bagay na nagpapabango sa paligid dahil laging meron nito.

 “Ang ari dapat gamitin mo sa tamang paraan at sa tamang panahon. Tandaan mo na hindi lang ito nagbibigay ng sarap, kailangan mo rin ito sa paglalabas ng mga dumi sa katawan. Kaya umihi ka kung naiihi ka. Ilabas mo kung lalabasan ka.

 “Ang pwet ay basically ay para lang sa pag-ebak. Kung gagamitin mo ito sa ibang paraan– do it at your own risk. At huwag ka ring tae nang tae or sex nang sex. Almoranas ang resulta nang sobrang paggamit nito. Mahirap ngang dumurugo ang pwet araw-araw. At mahal ang hemorroidectomy.”

 So, I supposed sa buong 103 years ni Lolo Antok  sa mundong ito, hindi siya nakaranas ng almoranas?

 Ngumiti lang siya sa biro namin. Bumaba sa bisekleta, tumalikod at naglakad nang pa-ika-ika papalayo.

 Napangiti rin ako nang matitigan  ko ang bakas ng dugo sa likuran ng kanyang salawal.

 Napansin ko ring nag-iwan siya ng ilang patak nito sa upuan ng aking bisikleta.

 What a discovery.

 Naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin.

Pebrero 15, 2010. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Pilosopo PHILOSOPHY. 2 mga puna.

‘Di ba ‘pag “PHILIPPINE” dapat PILIPINO?

Blog Awards

(visualfrompinoydoglover.com)

(ni Ely M.) ANG katagang “Philippine” sa Tagalog ay katumbas ng katagang “Pilipinas”.

Sa Pilipinas pinakamarami ay ‘yung nagta-Tagalog, kaya ‘pag sinabing–salita ng “Pilipino” – Tagalog ang ibig sabihin niyan.

Kahit sa abroad ‘pag sinabi nilang “Oh, you’re Filipino—you speak TahGAlogk!”

Karamihan din kasi sa mga Pilipino o Filipino (pagsamahin na natin: F/Pilipino) sa pagkakaalala ko, nagkakaintindihan lang sa salitang Tagalog kahit na saan pang probinsiya ang pinanggalingan nila.

Eklat lang kadalasan ‘yung “You know, I speak in English because my Tagalog is not good.”

Ganu’n din ‘yung iba ‘pag nagsusulat:  “You know, I write in English because my Filipino is not good.”

Yeh,  yur PILIPINO is not good, but who kers?

Nag-isip ako—meron bang nagba-Blog in Fee-lee-pee-know “because their F/Pilipino is good”?

Hinanap ko ang pinakamagagaling na Pinoy Blogs sa Internet.

Kaya nag-Google ako. Tinayp ko: Best Pinoy Blogs…or Best Pilipino Blogs… or Best Filipino Blogs

Pinindot ko ‘yang lahat… isa-isa.

(Wala kasi akong magawa.)

Nadismaya ako.

Wala ni isang best site na nagpi-Pilipino.

Wala ni isang best site na nagta-Tagalog.

Ang huli kong pag-asa:

“The 2009 Philippine Blog Awards.”

Ito raw ang listahan ng pinakamagagaling na F/Pilipino Bloggers sa Pilipinas at sa ibang bansa!!!

‘ETO ang listahan ng mga nanalo.

Pinuntahan ko lahat ng site ng winners.

Magagaling silang lahat–  walang argumento riyan.

Ang mas nadismaya ako…

Bukod sa tuyongtintangbolpen.blogspot.com…  (nanalo ng “Best Post”)

Lahat ng winners hindi nagpi-F/Pilipino.

Lahat  ng winners hindi nagta-Tagalog.

Parang may mali.

Sa dinami-rami ng F/Pilipino bloggers na pagpipilian sa bawat sulok ng mundo na may Pinoy

… isa lang ang nakalusot?!

Para sa akin ngayon, si bolpen ang “Best Blogger of the Philippines.”

Tunay na Pilipino na nagta-Tagalog… nagpi-Filipino… nagpi-Pilipino…

(Teka—hindi ko kilala si Tuyong Tinta Ng Bolpen.

Wala rin akong intensyong makipagkilala.

Wala rin akong intensyon sa kontes na ‘to.

Natutuwa lang ako at pinili siya.)

Sana sa susunod—malamang hiling MO rin ito, oo IKAW na nagbabasa ngayon—

 Mas marami sanang blogs na Tagalog – F/ Pilipino ang manalo.

Para mas maging makatotohanan ‘yung katagang “Philippine” na nakasabit sa mga katagang “Blog Awards”

Dahil ang katotohanan…

Pilipino rin lang naman ang TUNAY  na makakaintindi ng mga pinagsusulat natin.

At kahit mag-type pa tayo ng patiwarik habang nagba-blog in English

puro Pinoy pa rin naman ang pabalik-balik na magbabasa ng mga bagay

at kaisipang tungkol sa Pilipinas at pagiging-Pilipino.

Tama ba ‘ko?

Oras na para i-click

ang “Reply”, “Puna” o “Komento”

Oktubre 30, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 5 mga puna.

BAHA, BUBONG at BOBONG pulitiko

(ni Ely M.) TINA-type ko ito habang nakikinig sa OFW Secret RADYO .

Binaha ang Metro Manila today, September 26, 2008.

Maraming tao ay nasa bubong dahil lubog na ang mga bahay nila.

Lahat sila sumisigaw ng …

“Saklolo!”

AFP photo(AFP photo)

“Sagipin n’yo kami!”

from flicker3                                                                                 (photo from luisandthepolice@flicker)

“Malulunod na kami!”

from bostondotcom                                                                                                                  (from www.boston.com)

“Nagugutom na kami!”

from flicker2                                                (photo from mylesgj@flicker)

Sagot ng mga autoridad:

“Konti ang rubber boats natin– hindi kayang sagipin ang lahat.”

“Naka-deploy na lahat ng trucks– antabay lang po.”

“‘Wag kayong mag-attempt na lumusong para hindi kayo malunod.”

“Hindi kayo mamamatay sa gutom kung hanggang bukas.”

“Konting hintay lang at paumanhin po.”

Hanggang sa dumilim na.

Tigil daw muna ang rescue para sa ilang lugar.

“Paano kami kung isang dangkal na lang lubog na ang ulo namin sa baha…

…kahit nasa bubong na kami?” sigaw ng mga tao.

Walang sagot.

Si Baranggay Captain, walang sagot.

Si Mayor, walang sagot.

Si Governor, walang sagot.

Si Congressman, walang sagot.

Si Senador, walang sagot.

Si Presidente, walang sagot.

Walang sagot.

Lagot.

(simulan na ang sisihan)

Setyembre 26, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 6 mga puna.

IT’S so KORNY it’s FUNNY

 STRAIGHT from my Yahoo inbox. Isang email na nakapagpasaya sa araw ko.

THE MARK OF…

zorrolegendlogo

MISTER: “Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!”

MISIS: “Eh, ako, sino?”

MISTER: “Ikaw si DACOS!”

MISIS: “Dacos? Sino ‘yun?”

                                   MISTER: “DA COS of all my ZORROs!”

JOB INTERVIEW:

boss

BOSS: “Ano ba’ng alam mo?”

APLIKANTE: “Ah, eh… alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis n’yo at kung saan nakatira ang kabit n’yo.”

BOSS: “Congratulations. Tanggap ka na!”

PROJECT

father and son

ANAK: “‘Tay, penge ng pera. May project kami, bibili ako ang ‘cocomban’.

TATAY: “Ano ka ba naman, anak. Hanggang ngayon ‘cocomban’ pa rin ang tawag mo.”

ANAK: “Ano po ba ang tama?”

TATAY: “Bomb paper.”

HEARING AID

OLD_MEN001

LOLO PEDRO: “Galing ako sa doktor. Nakabili na ako ng hearing aid. Grabe! Ang linaw ngayon ng pandinig ko!”

LOLO JUAN: “Wow! Galing! Magkano ang bili mo sa hearing aid?”

LOLO PEDRO: “Kahapon lang!”

PUSA

cat

MISIS: “Dear, iligaw mo nga itong pusa. Naka-sako na. Dalhin mo sa malayo.”

MISTER: “Okey, dear.”

(Pagkaraan ng anim na oras)

MISIS: “O, bakit ka ginabi? Nailigaw mo ba ‘yung pusa?”

MISTER: “Bwisit na pusang ‘yan! Kundi ko siya sinundan, ‘di na ko nakauwi.”

TATLONG TANGA, NAGSISIKSIKAN SA KAMA

guys bed

TANGA No. 1: “Pare, ‘di tayo kasya. Bawas tayo ng isa. Sa lapag na lang matulog.”

(Bumaba si TANGA No. 2)

TANGA No. 3: ‘”Ayan pare. Maluwag na. Akyat ka na dito!”

PUZZLE

puzzle

ELY: “Yahoo! Ang bilis kong nabuo ‘tong puzzle!”

JULIO: “Talaga? Gaano kabilis?”

ELY: “5 months!”

JULIO: “Ang tagal naman.”

ELY: “Matagal ba ‘yun? Eh, nakalagay nga rito sa kahon: ‘For 3 years and up!’”

KAPE

coffee-cartoon-copyright3

MISIS: “Ano ba’ng hinahanap mo riyan sa supot ng 3-in-1 coffee? Kanina ka pa silip nang silip diyan?”

MISTER: “Hinahanap ko ‘yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton, ‘SUGAR FREE’!”

KABAYO

horse

PROCOPIO: “Sobrang tabatsoy ng misis ko kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya.”

JACK: “Ano’ng resulta?”

PROCOPIO: “Nabawasan ng sampung kilo ‘yung kabayo!”

(visuals courtesy of google images)

Setyembre 23, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . KUPAL nation. 3 mga puna.

BAKIT may TAMBOK sa aking PANTALON?

Caught with pants down

(Ely M.) KUNG bibilangin mo ang lahat ng bagay na nakasabit sa katawan mo araw-araw, magugulat ka sa bigat ng  daigdig na pinapasan mo.

‘Eto ang mga nakabukol sa pantalon ko:

Sa kaliwang bulsa ng aking pantalon:

  • SUSI- napakaraming susi na hindi ko alam kung para buksan ang alin. Basta as far as I can remember, isa dito ay susi ng bahay namin.
  • KENDI- Stork, Mentos at isa pang kulay Cherry na wala nang balot na nakadikit na sa bulsa. Tawag ko dito “emergency snack” lalo na kung matagal ang biyahe at walang fast food na madadaanan.
  • COINS- Napakaraming barya na kung bibilangin ko, siguro kulang-kulang 50 pesos ang katumbas(kung iku-convert into pesos). Sa sobrang dami, minsan tinatanong na ako ng mga kaibigan ko kung may luslos daw ba ako.

Sa kanang bulsa ng aking pantalon:

  • 2 USB- Mga impostanteng files na kung ipi-print lahat ay makakapuno ng dalawang steel cabinets.
  • RESIBO- Ng kung anu-anong mga bagay na binili, ginamit, kinain ko at oo ‘yung iba dito, napulot ko lang sa kalye << save the earth ‘eka.
  • CELLPHONE- Kung saan naka-record ang aking non-existing social life. At dahil lumang model at sobrang laki nito, madalas itong napapagkamalan ng mga babae as my  “talong”. I wish.

Sa kanang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • WALLET lang- Pero hindi ganu’n kasimple dahil narito ang …
  1. Mas maraming RESIBO- Dito, nakatupi pa ang lahat. Ito ‘yung mga resibong may nakakabit na “memories” (kung sentimental ka, you know what I mean). “Ah, my FIRST foot massage…”
  2. 5 ID CARDS- 1 from college, 1 PRC Card, 3 lumang IDs galing sa tatlong huling kumpanya na pinagtrabahuhan ko. Yes, I did not surrender them. What can I do, eh, sa naiwala ko, eh.
  3. 3 MEMBERSHIP DISCOUNT CARDS- Mula sa groceries hanggang video rental at Timezone.
  4. 2 CREDIT CARDS- Ito ang pinakamabigat dalhin, lalo na pag singilan na.
  5. 2 E-LOADS- Mahirap nang maubusan habang naglo-long distance.
  6. 1 CONDOM- Mahirap nang mapalaban habang nasa long distance.
  7. 1 TOOTHPICK- Hindi kasi kasya ang toothbrush sa wallet.
  8. POST ITs- Na iba-ibang kulay. Isa sa Post-It ko ay may nakasulat: “Throw all of these  Post-Its away!”
  9. TISSUE PAPER- Kung saan nakalista ang iba’t ibang phone numbers ng hopefully  “cute girls”  na hindi ko na matandaan kung saan ko napagkikilala. ‘Pag walang magawa, pinapahiran ko na rin ng kulangot ‘yung bawat sulok ng tissue paper kaya medyo yellowish na ito.

Sa kaliwang bulsa ko sa LIKOD ng pantalon:

  • Isang malinis na puting PANYO (strange, but true!)

Isama n’yo na riyan ang actual weight ng isang lumang Levis 501, more or less mga dalawang kilo siguro ang bigat ng lahat.

Pantalon ko pa lang ‘yan.

Kaya nga tuwing gabi, pag-uwi ko galing trabaho na pagod na pagod sa maghapong kaka-chat, este….  kakagawa ng “customer’s files”, dahan-dahan akong lalakad papasok at tatayo sa gitna ng aming malamig na kuwarto…

luluwagan ko ang aking cowboy belt

at dali-daling itataas ang aking dalawang braso…

sa sobrang bigat ng aking pantalon, automatic na itong dadausdos pababa  mula sa aking beywang tungo sa aking mga tuhod.

Titingala ako sa kisame

at ng gaya ni Mel Gibson sa “Braveheart” nu’ng kinoronggo na siya sa puwet ng isang steel rod…

sumisigaw ako ng nakakabinging…

(photofrom: www.getreligion.org … Note: Hindi ako ‘yung nasa pic. Maputi ang legs ko.)

Agosto 27, 2009. Mga Marka: , , , , , , , , , , , , , , , , . I THOUGHT utot. 4 mga puna.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.